Kris Bernal on real score with Carl Guevara: "May special relationship kami, oo. Pero I cannot say kung kami ba o hindi."

Kris Bernal on Carl Guevara: "Sa totoo lang, marami naman talagang lalaki dito sa showbiz, at marami naman akong nakilala at sumusuyo sa akin, meron din. Pero iba yung... siguro sabihin nating iba yung love niya, yung pagmamahal niyang ipinapakita sa akin."


Kinumpirma ni Kris Bernal na hindi sila nakaabot ng rumored boyfriend niyang si Carl Guevara sa dapat sana’y special dinner date nila noong Valentine’s Day, February 14.

Kuwento ng Kapuso actress, “We were stuck in traffic.

"Supposed to be, may dinner kami sa Makati.

"It was very traffic in Commonwealth. So, we just decided to have dinner na lang somewhere in Tomas Morato."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris noong Linggo, February 23, sa Sunday All Stars ng GMA Network.

Na-disappoint ba si Kris dahil hindi sila nakaabot sa reservation nila sa isang mamahaling restaurant?

Naikuwento kasi ni Carl na nag-down na ito para sa reservation, pero hindi na nila ito nagamit.

Read: Carl Guevara missed dining reservation with Kris Bernal on Valentine’s Day because of traffic

Sagot ni Kris, “Siyempre kinda disappointing.

"Pero naniniwala naman ako, sabi siguro ni Lord, ’O, diyan na kayo sa Morato, mamaya may mangyari pa sa inyo pag pumunta pa kayo doon.’

“Disappointing siya, pero parehas din naman.

"Naging masaya pa rin naman yung dinner namin. Nagkaroon kami ng bonding sa sasakyan.”

Paano bumawi si Carl sa kanya? Na-late kasi ang binata dahil may trabaho ito noong araw na iyon.

Saad ni Kris, “Oo, may trabaho siya nung araw na ’yon, pero it’s something that he couldn’t control na, e.

"Siyempre yung traffic, hindi naman namin hawak yun, e.

"Nag-sorry rin siya, na-disappoint din siya.

"Kasi ang alam ko, nag-hire pa siya ng magba-violin. May ganun pa siyang arte.

"So, sabi ko, ’Okey lang ’yan. As long as nag-enjoy naman tayo together.’"

Wala na raw ibang Valentine’s gift si Carl kay Kris maliban sa dinner date nila.

“Sabi niya sa akin, yun na raw. Grandiose raw yun, very well planned. Parang yung napapanood mo sine.

"Sayang hindi ko na-witness."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO LABEL YET. First Valentine’s daw dapat nina Kris at Carla ang date nila noong February 14.

“Nung last year, hindi. Kasi nung last Valentine’s, hindi pa siya.”

Kailan lang naging official ang relasyon nila ni Carl?

Sabi ni Kris, “Matagal naman kaming magkasama, matagal na kaming nagkikita pag may free time.”

Bakit ayaw niya pang bigyan ng label ang relasyon nila? Non-committal ba ang relasyon nilang dalawa, na puwedeng mawala?

Mabilis na sagot ni Kris, “Puwedeng mawala kasi alam naman niya na... sinabi ko na, ’Kung sa tingin mo wala akong time, or pag sa tingin ko sa sarili ko nalilihis na ang sarili ko, sa atensiyon ko sa iyo, kailangan kong magbigay ng space. Ayoko ng ganun,’ sabi ko.

“Kailangan ko sa work ko, very focused ako sa work ko.

"Pero ngayon, wala pa naman akong soap na ginagawa, nagkakasama kami, nag-e-enjoy lang kami.

“Pero pagdating sa commitment, parang…oo, sasabihin ko, special siya sa akin, special din naman ako sa kanya.

"May special relationship kami, oo. Pero I cannot say kung kami ba o hindi.

"Pero it’s something na ini-enjoy lang namin.

“And it’s something rin naman na we wanna keep it private.”

Masasaktan ba siya kung sakaling biglang mawala ang relasyon nila dahil sa effort na ginagawa ni Carl para sa kanya?

“Masasaktan ako... hindi rin naman ako parang manhid na tinataboy ko siya. Hindi naman.

“Nagkaroon talaga kami ng... alam mo, talagang may something, may relationship na sa amin lang, parang ganun.

“Masasaktan ako, pero kung choice niya yun na hindi siya makatiis or hindi siya makatiyaga, siya na yun.

“Pero so far, hindi ko naman nakikita kay Carl yun, e.

"Sa ngayon, nakikita ko kay Carl na ang tiyaga-tiyaga niya sa akin, hinihintay niya talaga ako.

“Pag hindi ako puwede, naiintindihan niya. Nirerespeto niya yung oras ng trabaho ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CARL’S SPECIAL QUALITIES. Paano siya tinatrato ni Carl bilang babae? Ano ang kaibahan nito sa ibang naging malapit sa puso ni Kris?

“Matiyaga siya sa akin as in pagdating talaga sa effort.

"Ako, I don’t have a driver. Minsan lang ako may PA [production assistant].

“Basta, hindi ako masyadong maluho sa sarili ko, e.

"Kung alam niyang mapapagod ako sa pagmamaneho, isisingit talaga niya sa oras niya, ipagda-drive niya ako.

"Huwag raw muna akong kumuha ng PA today kasi maaalagaan daw talaga niya ako.

“Saka hahanapan niya talaga ng oras.

"Sabihin nating busy siya, pero talagang pag puwede talaga siya, kahit…

"Kunwari ipagda-drive niya ako sa isang event... Kasi malayo ako, e. Sa Commonwealth ako, e. Yung mga events, sa Makati, e.

“So, kahit malayo, ipagda-drive niya ako. Maghihintay siya sa sasakyan.

"Dyusko, siyam-siyam, nakakalimang oras na ako sa event, nakapag-pictorial na ako lahat, nandun pa rin siya, hindi siya nagrereklamo."

First time niya bang maka-engkuwentro ng ganitong katiyagang lalaki?

Sagot ni Kris, “First time.

"Sa totoo lang, marami naman talagang lalaki dito sa showbiz, at marami naman akong nakilala at sumusuyo sa akin, meron din.

“Pero iba yung... siguro sabihin nating iba yung love niya, yung pagmamahal niyang ipinapakita sa akin.”

JEALOUS TYPE. Pero balitang seloso raw si Carl. Totoo ba ito?

Ayon kay Kris, “Seloso siya, pero alam niya yung limits niya. ’Teka, ha, huwag kang magseselos...’ ’Bakit?’

“Yun nga yung ayaw ko na may selosan. Gusto ko free ako gumalaw, e.

"Saka alam naman niya na sa kanya ako madalas nakikipagkita or nagdi-date.

“Yung ibang guys or tao na nakaka-text ko, huwag mong lagyan ng laman. Respetuhin mo sa side ko. Pero wala ngang something ito.”

Nag-iingat din ba si Kris na hindi bigyan ng rason si Carl para magselos?

Sabi niya, “Oo naman, nag-iingat din naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, sensitive naman akong tao. Ayoko rin namang makasakit.

"Ayoko rin namang may masaktan dahil sa akin.

“Ano ako, kumbaga, yung feelings ng iba, minsan inuuna ko pa kaysa sa akin.

"So, ayoko rin."

FAMILY’S APPROVAL. Totoo bang boto ang pamilya ni Kris kay Carl?

Ayon sa Kapuso star, “Kasi pagdating sa family ko, kung sino ang mahal ko, whether they like him or not, parang rerespetuhin nila and they would accept the guy. Ganun sila, e.

“Siyempre, may pagbabawal.

"Sa totoo lang, hindi naman ako puwedeng lumabas at mag-overnight.

"Sa totoo lang, never kong na-experience mag-overnight. Hindi ko pa nai-experience with Carl.

“Siyempre, may limits ’yan.

“Ay, hindi, magagalit ang nanay ko!”

Papayagan ba siya ng mommy niyang mag-overnight sila ni Carl, pero hiwalay ang kuwarto nila?

"Ay, hindi! Naku, dyusko!" bulalas ni Kris.

"Nung nag-Singapore nga kami, birthday gift niya sa akin, ’di ba? Kasama ko yung kapatid ko.

"Hindi talaga ako pinapayagan sa ganyan. Respeto ko na lang sa mommy ko.

"Siyempre, lahat kami babae. Respeto talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN