Oyo Sotto happy about dad Vic Sotto’s relationship with Pauleen Luna

Hindi raw itatago sa publiko ni Vic Sotto kung sakaling magdesisyon na silang magpakasal ng kanyang girlfriend na si Pauleen Luna. Samantala, wala rin daw problema sa anak ni Vic na si Oyo Sotto kung siya ang maghahatid sa ama sa altar kapag natuloy ang pagpapakasal nito kay Pauleen.


Binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Startalk ang taping ng GMA weekly sitcom na Vampire Ang Daddy Ko kahapon, February 25.

Two years na sa ere ang programang ito na pinagbibidahan ng mag-amang Vic Sotto at Oyo Sotto.

Bagong set daw sila at may mga nadagdag na karakter na gagampanan nina Jaclyn Jose at Barbie Forteza.

Si Pauleen Luna naman ang special guest sa episode na kinunan kahapon.

Nang dumating kami ay naabutan naming seryosong nag-uusap sina Pauleen at Oyo.

Si Pauleen ang kasalukuyang girlfriend ng ama ni Oyo na si Vic.

Nang makausap ng PEP si Oyo, 30, sinabi niyang wala namang problema sa kanila ni Pauleen, 25.

Masaya na raw siya kung saan masaya ang kanyang ama.

Sabi ni Oyo tungkol sa lovelife ng daddy niya, “Dapat tayo, happy palagi. Hirap naman ng malungkot, ’di ba?”

WEDDING TALK. Kung sakaling napagdesisyunan na nina Vic at Pauleen na magpakasal, nakikita ba ni Oyo na hinahatid sa altar ang kanyang ama?

Sabi ni Oyo, “Parang daddy na talaga ang dating?

“Talagang ginawa mo akong tatay, na ako na ang maghahatid, para maiba lang!"

Sa Vampire Ang Daddy Ko, si Oyo kasi ang gumaganap na vampire na ama ni Vic.

Dugtong pa ng bunsong anak nina Vic at Dina Bonnevie, “Mahirap sabihin ang feeling hangga’t nandun ka na, e. Mahirap pangunahan.

“Siyempre, may halong tuwa, na may kaba, na hindi mo maintindihan.

"Mixed emotions pagka ganun, pag kinakasal ang isang tao, hindi mo ma-explain ang feeling.

“Wala namang imposible, e, na kay Daddy naman yun, e.”

Singit naman ni Vic, “Bakit ba siya ang tinatanong niyo?”

Pero dagdag na rin ng 59-year-old comedian-TV host, “Kasi pag ako ang tinatanong niyo, hindi ako sumasagot.”

Ayon kay Vic, magiging open naman siya kung sakaling may napagdesisyunan na sila ni Pauleen.

“Oo naman, wala naman akong dapat itago, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, nandiyan ang mga anak ko, priority ko ang mga anak ko, kung saka-sakaling darating ang araw na yun.

“Sabi nga ni Oyo, wala namang imposible, e,” pahayag ni Vic.

LOLO VIC. Samantala, masaya rin si Vic at madadagdagan na naman ang apo niya.

Kinumpirma ni Oyo na six weeks pregnant na ang misis niyang si Kristine Hermosa.

Read: Oyo Sotto happily announces wife Kristine pregnant again

Kuwento ni Oyo, “Actually, nalaman talaga namin last week.

"Pero wala pa kasi talaga ano, e… nalaman na lang namin nang mag-positive sa test.

"Pero yung confirmation talaga, yung kahapon lang, dahil nag-ultrasound siya yesterday [February 24]."

Ayon pa kay Oyo, kung ikukumpara nung unang pagbubuntis ni Kristine, mukhang mas safe ngayon.

“Mukhang hindi naman, e.

"Kasi nung last naman, hindi rin naman maselan, e. Parang mas okay pa itong ngayon, e.

“Kasi wala nang sign ng polycystic ovaries, ’tapos maganda yung heartbeat nung baby.

"May heartbeat na, e, so praise God meron na agad heartbeat. Healthy naman."

Kung sina Oyo at Kristine ang masusunod, gusto raw sana nilang lalaki naman ang susunod nilang maging anak.

“Gusto sana namin boy. Kasi yung panganay [adopted son], boy na.

"’Tapos si Ondrea, girl, ’tapos boy naman para salit-salit,” sabi ni Oyo.

Excited namang pahayag ni Vic, “Lima na ang apo ko!”

Kaya biniro namin si Vic na habang dumadami ang apo niya, parang lalo siyang bumabata.

Sabi naman ng Eat Bulaga! host, “Habang dumadami kasi ang apo, nababawasan ang edad ko.”

Masaya si Vic sa dagdag na miyembro ng pamilya.

Wala rin daw kaso kung boy o kahit girl ang kasunod na apo niya dahil nakakatuwa raw na maraming mga bata sa kanila kapag nagsasama-sama sila.

Kaya masaya si Vic na maganda ang pagtatapos ng 2013, at mas masaya raw itong pagpasok ng 2014 sa kanyang buhay at sa kanilang buong pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN