Pauleen Luna on marrying Vic Sotto: "If it happens, then it happens. If it doesn’t, well, too bad..."

Bagamat napag-uusapan na nila ng nobyong si Vic Sotto ang kasal, sinabi ni Pauleen Luna na hindi niya ito masyadong iniisip. Saad ng aktres, "Hay, naku, I’ll just cross the bridge when we get there. Kasi, again, I don’t wanna plant seeds in my head, you know. Basta relax lang tayo. Okay naman, e, we’re very happy."


Ayaw raw pangunahan ni Pauleen Luna ang posibilidad na pakasalan siya ng boyfriend niyang si Vic Sotto.

Sabi ng 25-year-old actress-TV host, “Ang akin lang kasi, I’m always very positive about life, about everything.

"Hindi ako nega na klase ng tao, e.

"Pero at the same time, hindi naman ako yung tipong nangunguna sa mga pangyayari.

“If it happens, then it happens.

"If it doesn’t, well, too bad... parang ganun.

“I mean, there is something better in store for the people involved.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen sa taping ng comedy series na Vampire Ang Daddy Ko kahapon, February 25.

Ayon pa sa Kapuso actress, hindi na bago na tungkol sa kasal lagi ang tinatanong tungkol sa relasyon nila ni Vic.

Pero pag-amin niya, paminsan-minsan ay napag-uusapan na nga nila ang kasal.

Serious ba o pahapyaw lang ang pag-uusap nila tungkol dito?

“Both,” nakangiting sagot ni Pauleen.

Pero kung sakali, handa na ba siya pag dumating ang araw na alukin siya ng kasal ni Vic?

“Hay, naku, I’ll just cross the bridge when we get there,” mabilis na sagot niya.

Dagdag ni Pauleen, “Kasi, again, I don’t wanna plant seeds in my head, you know.

"Basta relax lang tayo.

"Okay naman, e, we’re very happy."

VALENTINE’S DAY. Nung nakaraang Valentine’s Day ay magkasama sina Pauleen at Vic sa Subic, pero hindi raw sila nagbigayan ng regalo sa isa’t isa.

Sabi ni Pauleen, “Hindi uso ang regalo sa aming dalawa. It’s not important.”

Ang mahalaga raw ay oras para sa kanilang dalawa.

“Bilang mahirap talaga makahanap ng time sa aming dalawa, since we are both busy,” saad pa ni Pauleen.

Pero noong araw na iyon ay nag-post ang aktres sa kanyang Instagram account ng litrato nila ni Vic at ang caption ay: “Happy Heart’s day to the man who owns my heart.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Pauleen tungkol dito, “I’m really happy.

"I mean, ako pa naman, contagious pag masaya ako, e.

"Madaming sumasaya pag kasama ako.

"Si Camille Prats nga, naloloka pag kasama ako, ang saya-saya niya raw.”

Dagdag pa ng aktres, “Ang sa akin, I’m not ashamed of anything.

"If I’m happy, I’m gonna say I’m happy.

"I’m gonna show you I’m happy and I don’t see anything wrong with it.

“Pareho kaming masaya.

"At this stage, where we are right now, we’re just very happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN