Benjamin Alves eager to watch Rachelle Ann Go in Miss Saigon despite admission they’ve grown apart as friends

The movie Milan, in which his uncle Piolo Pascual was the lead star, so fascinated Benjamin Alves that he watched it several times, saying to himself, "Siguro ang sarap when you’re in a film like that." Another time, another movie, "That’s the same thing I felt when I watched Starting Over Again. And now I have the opportunity to do that because I’m in the business.”


Madalas mabati ang Kapuso star na si Benjamin Alves na magkamukhang-magkamukha raw sila ng tiyuhin niyang si Piolo Pascual.

Hindi ba siya nawi-weirduhan kapag naririnig niya na sinasabing para siyang si Piolo o kamukha niya ito?

Nakangiting sagot ni Benjamin, "I think it would be weird if we’re not related."

Pati ngiti at tawa nila raw ay pareho.

“I don’t know. If I’ll try to change it, magsasadya ako,” sabi ng Adarna star.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Benjamin noong February 19, ikinuwento nitong high school pa lamang siya nang mapanood niya ang pelikulang Milan (2004) na pinagbidahan ni Piolo. Nagandahan daw siya sa pelikula.

Ganoon din daw kaganda ang bagong pelikula ng kanyang uncle na Starting Over Again nang mapanood niya ito noong premiere night.

Sabi ni Benjamin, "I remember I was in high school, napanood ko yun [Milan] so many times, at sabi ko, siguro ang sarap when you’re in a film like that.

“And that’s the same thing I felt when I watched Starting Over Again.

“And now I have the opportunity to do that because I’m in the business.”

Natutuwa rin daw si Benjamin para sa kanyang tiyuhin na umaani ngayon ng papuri dahil sa tagumpay ng bagong pelikula nito.

“Yeah, and even I said that to him, ’Kuya, ang guwapo mo dun, a, ’tsaka ang bata mo!’” tawa niya.

Sang-ayon din daw si Benjamin sa sinasabing "nakabalik" na si Piolo sa pamamagitan ng Starting Over Again.

"I saw the Piolo in Milan, I don’t think it ever went away.

"Pero alam ko ang sinasabi na parang may something si Kuya PJ sa movie na yun.

“Maybe it’s Direk Olive Lamasan kasi.”

RACHELLE ANN GO. Hanggang ngayon naman ay consistent pa rin si Benjamin sa pagsasabing wala siyang girlfriend o karelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa kabila ng usap-usapang naging sila raw ni Rachelle Ann Go.

Ngunit giit ni Benjamin, “No, no, hindi talaga.”

Idine-deny niyang talaga?

“I’m not denying it, but no,” sagot ng aktor.

Ngayon, kumusta na sila?

Sagot ni Benjamin, “We’re good friends.

"I’ve congratulated her when I saw her and I don’t think I’ll be able to watch her concert.

“I’m happy for her that she’ll be part of Miss Saigon.”

Kaibigan o kung anuman, hindi na rin naman daw sila masyadong close ni Rachelle ngayon, hindi raw tulad ng dati.

Pakli niya, "It happened.

"I think it was not the first time that it happened with friends.

"Pero okay lang, I’m just happy there’s always good news about Rachelle."

Gusto rin daw niyang mapanood si Rachelle na mag-perform sa London.

“Of course, having Rachelle representing there as a Filipino.

"But more than that, I would want to watch her as a friend.”

ADARNA. Sa isang banda, sa March 7 na ang pagtatapos ng primetime series na Adarna.

Sa hiwalay na panayam ng PEP sa lead star nitong si Kylie Padilla, sinabi niyang si Benjamin ang pinakamalapit sa kanya sa tatlong leading men nito sa Adarna.

Ang dalawa pa ay sina Geoff Eigenmann at Mikael Daez.

Reaksiyon dito ni Benjamin, “Wow, maybe because we had our show before, nag-Unforgettable kami.

"’Tapos when Kylie got sick, I went to the hospital to check if she’s okay as a friend.

"And also because we’re together in Adarna, but it’s more of as a friend.

“I don’t think that when the show stops, the friendship will stop.”

Sa pagtatapos ng Adarna, masaya naman daw si Benjamin sa naging takbo ng karakter niya bilang Bok/Agalon.

“Gusto ko yung ganun na ibang layer, they say it’s difficult but, yeah, challenge siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun naman ang gusto mo as an actor, hindi maging kumportable.

“That’s why I like my character, hopefully natuwa naman ang mga tao.

"They seems to like it, yung kulitan ni Bok, kasi ngayon taong-ibon na siya.

"It makes me feel good that they appreciate what I did.

"Nakaka-miss lang na matatapos na kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN