Gelli de Belen on having another child: “Okay na ako. Ang mahal kaya ng tuition fee!”

Ayon kay Gelli de Belen, hindi na raw nila ninais ng asawang si Ariel Rivera na magkaroon pa ng kasunod na anak. Kuntento na daw sila sa dalawang nagbibinata ng mga anak na sina Julio at Joaquin.


Pareho nang teenagers ang dalawang anak na lalaki nina Gelli de Belen at Ariel Rivera.

Si Julio, ang kanilang panganay, ay labinlimang taong gulang na. Samantalang ang bunsong si Joaquin ay thirteen years old naman.

Pero para sa 40-year-old actress-TV host, wala na silang plano ni Ariel na magkaanak pa.

Pabirong tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) Gelli kung ligated na ba siya o nagpatali na ng kanyang reproductive organ?

Natatawa naman niyang sagot, “Secret!”

Ngunit dagdag din niya, “Okay na ako. Ang mahal kaya ng tuition fee!

“At saka, ba na ang panahon ngayon.

"Iba na ang katawan ngayon, yung recovery ng katawan ng isang tao.

"So, okay na ako, I’m blessed with two boys already, okay na ako."

Nakausap ng PEP at iba pang miyembro ng media si Gelli sa pocket presscon nila nina Ogie Alcasid at Alice Dixson para sa bago nilang tawa-serye sa TV5, ang Confessions of A Torpe.

Ginanap ang presscon sa Ryu Ramen and Curry, Tomas Morato, Quezon City, noong Lunes, February 24.

LONG-LASTING RELATIONSHIP. Sixteen years nang kasal sina Gelli at Ariel. Ano kaya ang sikreto ng magandang samahan nila ng asawa?

Masayang kuwento ni Gelli, “Feeling ko, blessed lang ako, kasi nahanap ko ang lalaking parang…

"Kasi, ’di ba, ang babae, parang given na... na you’re nurturing, you make the relationship lasts, you are the mother, alam mo yung... usually babae, ganun talaga, given sa persona natin, e. It’s biological.

"So, para ang lalaki, maging ganun din, na parang gusto niya ng maayos na pamilya, pareho kayo ng goal sa buhay, pareho kayo ng priorities na pamilya ang priority mo.

“I think Ariel got the Filipino upbringing, with a stern way of thinking, so I got the best of both worlds.

“Ang pagiging conservative ng Pinoy… loving, meron siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And yung pagiging broadminded and accepting and confident, nandudun din.

"So, pag pinagsama mo yun, bongga!"

Nailang man, naitawid pa rin ng press na nakausap ni Gelli kung mainit pa rin ba ang kanilang samahan ni Ariel bilang mag-asawa.

Naramdaman siguro ng aktres ang pagkailang ng media, kaya siya na rin ang nag-open ng kuwento.

Natatawa niyang sabi, “Gusto mo bang malaman kung nagsi-sex ba kami?

“Siyempre, mag-asawa kami, ‘no!

"‘Di mo pa ako madiretso, dyusko, diretsuhin mo na lang ako, ‘no!”

Dagdag pa niya, “After doing Face The People, you can tell me anything.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN