K-La Rivera moves to GMA with a new screen name; wants to keep relationship with Tom Rodriguez private

Kaye, formerly known as K-La Rivera, on why she prefers to keep relationship with rumored boyfriend Tom Rodriguez private: “Kasi, I think, in general lang, I mean… anything in life, if more people get involved, the more complicated it is. So, I mean, whatever I have, gusto ko sana na that would be kept to myself. Para at least there are no complications.”


Kasabay ng paglipat ng singer na si K-La Rivera sa GMA Network ay pagpapalit din niya ng screen name.

Nang i-welcome siya sa weekly musical-variety show ng GMA na Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, February 23, ay ipinakilala na siya bilang si Kaye.

Paliwanag ni Kaye sa bago niyang screen name, “Kasi dito po sa GMA, may names na similar kay K-La.

“At least yung Kaye, medyo malapit din po sa pangalan ko. So, ‘yon po!”

Marahil ang tinutukoy ni Kaye na kahawig ng pangalan niyang K-La ay ang singer na si Kyla at ang young actress na si Kylie Padilla.

Paglilinaw ni Kaye, kahit regular na siyang mapapanood sa Sunday All Stars, hindi pa masasabing official Kapuso na siya.

Hindi pa raw kasi nagkakasarahan ng negotiation sa panig niya at ng management ng GMA.

“We’re in the process na po. Yes,” sabi ni Kaye sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Si Kaye—na dating K-La Rivera—ay naging finalist sa ABS-CBN singing search na Star Power: Sharon’s Search For The Next Female Pop Superstar (2010-2011), kung saan ang itinanghal na champion ay si Angeline Quinto.

Pagkatapos nito ay naging VJ siya ng MYX sa Studio 23.

Regular din siyang naggi-guest sa ASAP at iba pang shows ng Kapamilya network.

Lumabas na rin siya minsan sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.



THE BIG MOVE. Bakit niya napagdesisyunang umalis sa ABS-CBN at lumipat sa GMA?

Sabi ni Kaye, “Kasi, yung bago ko pong manager is really from GMA.

“Natutuwa ako na maganda naman ang pag-welcome sa akin sa GMA.

“I’m excited naman din for whatever will be ahead of me dito po sa GMA.”

Maayos naman daw siyang nagpaalam sa Star Magic, na dating nagma-manage ng career niya.

May naging disappointments ba siya sa ABS-CBN?

Sagot ni Kaye, “Of course not!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I was very grateful naman with whatever I experienced habang nandun po ako.

“And I understand naman that… I mean, there’s already the built stars.

“So, of course... I mean, wherever there’s work, that’s where I’ll be.”



CARMELA. Bukod sa Sunday All Stars, nagsimula na rin siyang mag-taping bilang karagdagang character sa Carmela, ang primetime series na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

Saad ni Kaye, “Actually, masaya, masaya po.

“First time na magsama kami sa trabaho ni Ms. Marian.

“And sobrang bait naman niya, pati lahat ng iba pang stars at yung buong production staff.

“And I’m so thankful that they accepted naman me to join in their show.

“Yung role ko, I’m not sure kung hanggang kailan. I’m just enjoying po the experience.”

Ano ba ang role niya sa Carmela?

“I’m the daughter of the vice mayor.

“Kasi yung mayor is Roi Vinzon, yung lolo o uncle ni Yago [character ni Alden Richards].

“So, parang ako, may interest ako kay Yago.”

Dagdag pa ng bagong Kapuso talent, “Hindi pa kami nagkakasama ni Marian sa eksena.

“Pero may mga scenes na akong ginawa with Alden, and sobrang bait niya.

“Actually, matagal na rin kaming magkakilala ni Alden.”



TOM RODRIGUEZ. Si Kaye o K-La ang napapabalitang girlfriend ng Kapuso hunk na si Tom Rodriguez.

Hindi kaya ninais lang niyang sundan sa GMA ang aktor para nasa iisang network na lang sila? O kaya ay inengganyo siya ni Tom na maging Kapuso na rin?

Sabi ni Kaye, “Hindi naman po.

“Kasi inisip ko lang po, wherever I can sing and do whatever I love doing, that’s where I’ll be na lang po.”

Ano nga ba ang real score sa kanilang dalawa ni Tom?

Nakangiting tugon niya, “Kasi, actually, I would prefer to keep my personal life just kind of… to myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta, ‘yon lang!

“I mean, that’s the only thing that doesn’t come out on camera.

“So, kung tungkol sa personal life ko po, sa akin na lang ‘yon.”

Dahil sa sagot niyang ito, mas iisipin ng marami na baka totoong sila na nga ni Tom. Lalo na’t may balita pang nagli-live in na diumano sila.

“Hindi po,” mariing tanggi ni Kaye.

“My family is in Canada, so I’m here on my own.

“Baka yung mga balita na ‘yon, it will start talaga.

“Pero of course, I have my own place.”

Sila ni Tom, do they go out or see each other regularly?

“Well, we’re friends naman.

"Of course, I mean, we’ll see each other once in a while."

Are they exclusively dating?

“I don’t know... I mean, I keep my personal life po!” natatawang sabi niya.

Dagdag pa ni Kaye, “I want to keep it private sana.

“Kasi, I think, in general lang, I mean… anything in life, if more people get involved, the more complicated it is.

“So, I mean, whatever I have, gusto ko sana na that would be kept to myself.

“Para at least there are no complications.”

Hindi kaya sinabihan siya ng management ng GMA na kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Tom ay gawin na lang nilang pribado?

“No naman. No naman,” tanggi ni Kaye.

O baka iyon ang agreement din nila ni Tom?

“Hindi rin naman po.

“Basta whatever I have, that’s just personal lang po.”

WORKING WITH TOM. Ano ang sabi ni Tom ngayong Kapuso na rin siya?

Ayon kay Kaye, “He’s happy for me, basta may work ako.

“Basta I’m able to do what I love doing, and I can grow also.

“Kasi sa Carmela, it was my first time to act on TV. So, medyo iba ito sa theater.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So he’s happy naman for me.

“Also my family and my friends, happy sila na may work ako.”

Is she looking forward to working with Tom also?

“Sana one day!” bulalas niya.

“I mean, of course, I would like to work with anyone I could be paired up with.

“Pero since I know Tom already, and I’ve worked with him naman in Aladdin before, siyempre exciting naman din if I could work with him again one day.”

Mas magiging inspired kaya siya kung si Tom ang magiging katrabaho niya?

“Well, I guess, kasi familiar na nga po ako sa kanya.

“We were paired na nga before, so at least baka may chemistry na.

“So, we’ll see!”

Dagdag niya, “Si Tom, sobrang bait din niya. And we’re just close lang naman.

“Ang bait niya, sobra!”

Bukod kay Tom, sino pang Kapuso actors ang gusto niyang makatrabaho?

Sabi ni Kaye, “Si Aljur Abrenica, he’s also very, very nice.

“I’m also friends din kasi with Steven Silva.

“Si Dennis Trillo, he’s really, really nice din. And, of course, sobrang talented niya.

“’Tapos, in terms of singing, si Jay-R, talagang I really idolize him also. Vocally, ang galing niya!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN