Alden Richards talks up Marian Rivera against badmouthers: “Bottomline, kailangang kilalanin nila si Yan.”

Alden Richards stands up for Marian Rivera whose critics paint her as a prima donna: "Hindi ko nakikita ang katarayan niya sa set, sobrang bait niya sa lahat. Ang mga negative comments, sasabihin mo lang ‘yan kung ano ang nakikita mo. Parang one-sided palagi ang comments, hindi ka puwedeng mag-explain. Hindi lang nila talaga kilala si Yan, kung ano siya talaga, which is totoong tao."


Ayon kay Alden Richards, masaya siya sa magandang feedback na natatanggap ng kinabibilangan niyang primetime series, ang Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw, simula nang umere ito may ilang linggo na ang nakalilipas.

Saad niya, “Nakakatuwa kasi nagiging maganda ang reception ng tao simula nang nag-start, okay naman siya."

Kapansin-pansin nga ito sa nakaraang regional show ng Kapuso primetime series sa SM Baguio noong Sabado, February 22, kasabay na rin ng pagdiriwang ng Panagbenga Flower Festival.

Isa pa raw sa ikinatutuwa ni Alden, "Medyo pumasa na kami sa chemistry level ni Yan [Marian Rivera].”

ACTING METTLE. Mas nakakaramdam ba siya ng pressure ngayong ilang linggo nang umeere ang kanilang teleserye?

Sagot ni Alden, "Opo naman, tagisan kasi ng acting sa Carmela, e, hindi ka puwedeng pahuli sa mga artista."

Kaya naman daw sinisikap niyang maging "mas focus, mas hardworking, at saka palaging binabago ang sarili for the best."

May mga kinikilig na rin sa tambalan nina Alden at Marian, kahit alam ng mga manonood na sa totoong buhay, matagal na ang relasyon ng aktres sa boyfriend nitong si Dingdong Dantes.

Kaya hanggang Yago at Carmela na lang silang dalawa ni Marian.

Pagsang-ayon ni Alden, “Yun nga po, nakakatuwa kasi ang number one concern namin bago pa kami mag-start, ’Magwo-work kaya?’

"Wala nang usap. Bale, bakit pa may Carmela kung hindi naman magwu-work ang loveteam?

“Okay naman po ang lahat, okay ang reception.

“Mas gumaganda ang istorya as it goes on. So far, medyo relax na po ng konti.”



LEVEL-UP. Isa raw sa talagang challenge para kay Alden sa Carmela ay kailangan niyang mas maging mature kumpara sa totoong edad niya.

Sabi ng 21-year-old Kapuso actor, “Kailangan mag-level up.

"Kailangang baguhin ang eye movement, ang kilos, pagbitaw ng lines.

"So, yun ang mga naging challenge ko sa sarili ko.”

Sa kabilang banda, "sobrang okay" at masaya raw sila sa set palagi at si Marian nga daw "ang buhay ng set."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Alden, "Biruin niyo, 4 a.m. na, ang energy niya, 9 a.m. ng umaga, ganoon siya ka-consistent.

"Sobrang good vibes lang talaga si Yan sa set.

"Madaling katrabaho, mapagbigay sa eksena.

"Walang hirap, pinagaan niya ang trabaho para sa akin."



DEFENDING MARIAN. Malinaw sa mga naging pahayag ni Alden na hindi nito matatanggap ang mga batikos o intriga kay Marian pagdating diumano sa ugali nito.

Saad ng young actor, “Hindi talaga, e.

“Ako, hindi ko nakikita ang katarayan niya sa set, sobrang bait niya sa lahat.

“Hindi kasi nila talaga kilala si Yan, hindi nila alam ang sinasabi nila, kasi nakikita lang nila.

"Ang mga negative comments, sasabihin mo lang ‘yan kung ano ang nakikita mo.

"Parang one-sided palagi ang comments, e, hindi ka puwedeng mag-explain.

"Para sa akin, hindi lang nila talaga kilala si Yan, kung ano siya talaga, which is totoong tao.

“Bottomline lang talaga, kailangang kilalanin nila si Yan.”



STEAMY SCENES. Kapansin-pansin naman na mas nagbawas ng timbang si Alden at talaga raw na may pinaghahandaan ito.

“Naku, papalapit na nang papalapit ang mga daring scenes sa Carmela, kailangang magpapayat.

"Kasi may topless, intimate scenes rin," sabi ni Alden, na nitong mga nakaraang araw ay puspusan ang workout sa gym at diet.

Bukod dito, patuloy pa rin niyang pinaghuhusayan ang pag-arte.

Sabi niya, "Kahit na mag-isa sa harap ng salamin, habang nagda-drive.”

Sa pelikula naman, nabanggit ni Alden na baka may gawin silang dalawa ni Aljur Abrenica, ang Cain at Abel.

Pero ayon kay Alden, “Actually, nabanggit pa lang, pero hindi pa rin naman final.

"Tingnan na lang po natin kung ano ang mangyayari, sana matuloy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN