Angeline Quinto denies any brewing romance with constant companion Erik Santos

Angeline Quinto laughs off the scuttlebutt that she asked Erik Santos to marry her, saying it’s a joke between them that if she ends up loveless when she turns 30, they will commit themselves to each other.


Magkasamang nanood sina Angeline Quinto at Erik Santos sa Valentine concert nina Martin Nievera at Regine Velasquez, ang Voices of Love, na ginanap sa MOA Arena noong February 14.

Very visible din ang dalawa sa iba pang showbiz gatherings.

Dahil dito, lalong tumindi ang usap-usapan na mukhang may espesyal na namamagitan sa dalawang Kapamilya singers.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema One kay Angeline, tinanong siya kung nanliligaw nga ba talaga sa kanya si Erik.

Sagot ng female singer, “Ang daming nagtatanong ng ganyan, pero hindi pa po."

Biro pa niya, "Baka sa susunod, oo na!"

Ngunit dagdag din ni Angeline, "Siya na lang ang tanungin ninyo, please, kasi siya naman yung lalaki.

"Ayoko namang mag-assume, ayokong magsalita nang tapos, kumbaga."



IDOL. May chance naman daw si Erik kung saka-sakali dahil sa simula pa lang, ayon kay Angeline, "Talagang open ako sa kanya, lahat sinasabi ko sa kanya."

Pag-amin pa niya, "Hindi pa ako nanalo sa Star Power, sobrang idol ko na siya.

“Nahihiya ako sa kanya dati, kasi tuwing nakikita ko siya, pag nakasuot nang formal, parang ang hirap lapitan, ’di ba?

"Sobra akong happy na naging close kami talaga, pati naman siya open siya sa akin."

Baliktad daw ang lumabas na kuwento na nang mag-show ang ASAP sa Dubai, U.A.E., noong January 24, ay pabirong inaya raw ni Angeline si Erik na pakasalan siya.

"Hindi ako!" natatawang pagtanggi niya.

Nagbibiruan lang daw sila habang nasa eroplano sila pauwi ng Manila at sa kuwento ni Angeline.

"Si Erik ang nagsabi, ’If ever wala ka pang asawa pagdating mo ng 30 years old, tara, tayo na lang.’ Ganoon ang biruan namin.

"Pero sa tingin ko, si Erik, gusto nang lumagay sa tahimik.

"Masyadong mature itong tao na ito.

“Ako, hindi pa, ang dami ko pang daming gawin, kailangang tapusin, kailangang bayaran.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LOST LOVE. Hindi rin matapus-tapos ang usap-usapan tungkol pa rin sa lovelife ng singer pagkatapos mag-guest nito kamakailan sa Gandang Gabi Vice.

Ayon sa balita, hindi raw napigilan ni Angeline ang umiyak nang mabanggit ni Vice Ganda ang isang pag-ibig niyang nawala at ang hiling nito na bumalik sa kanya.

Marami tuloy ang nagtanong kung si Coco Martin ba ang tinutukoy niya, dahil minsan na ring naiugnay kay Angeline ang aktor.

Paliwanag ni Angeline, "Last year yun, sinabi ko na pag nalulungkot ako, siya [Vice] ang tinatawagan ko.

"In fairness naman kay Ate Vice, nandiyan talaga siya para sa akin.

“Sinabi ko nga sa kanya, huwag nang pag-usapan, e, nagbiro pa rin siya about my lovelife.

"At mayroon pang background music na kanta ko, yung sa The Legal Wife. Kaya lalo akong naiyak.

"Hindi ko naman sinasadya yun.

"Love ko kasi yung tao na yun.

"Non-showbiz, boyfriend ko siya noong nanalo na ako sa Star Power."

Nagkahiwalay raw sila dahil "maraming bagay-bagay" na hindi nila napagkasunduan dahil sa oras.

Kaya ba hanggang ngayon ay wala pa siyang lovelife dahil mahal pa niya ang dating boyfriend?

“Feeling ko, ganun yun. Alam din ito ni Erik,” sagot ni Angeline.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN