Gerald Anderson denies breakup rumor with Maja Salvador

Gerald Anderson on keeping his relationship with Maja Salvador private: "Personal siya, pero open din siya sa public. Gusto ko private as much as possible. Siyempre, gusto ko ang mas tahimik. Halos buong buhay ko ay nasa publiko na, para naman may kaunting matira para sa akin."


Pinabulaanan ni Gerald Anderson ang usap-usapang break na diumano sila ng kasintahang si Maja Salvador.

Nagsimula ang balita tungkol sa breakup diumano ng dalawang Kapamilya stars nang mapansin ng ilan na nitong mga nakaraang buwan ay hindi sila nagpu-post sa Instagram at Twitter ng updates o mga larawan tungkol sa kanyang relasyon.

Ngunit paglilinaw ni Gerald, “Wala namang ganun.

"Okay kami, okay na okay kami.

"Masaya naman... basta masaya ang lahat. Wala akong tinatapakang tao.

"Hindi naman mawawala ‘yan, ‘yang mga bashers, ganun talaga."

Tungkol naman sa hindi na raw nila pagpu-post sa social media ng mga nangyayari sa kanila ni Maja, ipinaliwang ni Gerald na sa kabila ng pagiging artista nila ay pribadong bagay pa rin para sa kanya ang kanilang relasyon.

Saad niya, “Ako kasi ang Instagram ko, it’s also something personal.

"Pero siyempre, personal siya, pero open din siya sa public.

"Gusto ko private as much as possible.

“Siyempre, gusto ko ang mas tahimik.

"Halos buong buhay ko ay nasa publiko na, para naman may kaunting matira para sa akin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald sa ASAP noong Linggo, February 23.

VALENTINE’S DAY. Bilang patunay na sila pa rin, ikinuwento ni Gerald na magkasama sila noong nakaraang Valentine’s Day.

Pero simple lamang daw ang naging selebrasyon nila ngayong taon, kumpara noong Valentine’s date nila noong 2013 kung saan umarkila pa si Gerald ng chopper para dalhin sila ni Maja sa Tagyatay.

Sabi ni Gerald, “Trabaho pareho, pero siyempre naman may simple, small celebration.

"Simple lang. Mas maganda kung ganun, hindi naman dapat grand lagi.

"Mas maganda yung magkasama kayo ng kung sinuman ang mahal mo."

Nilinaw rin ni Gerald ang balitang hindi raw gaanong boto ang ina ni Gerald kay Maja, at mas gusto pa rin daw nito ang dating girlfriend ng young actor na si Kim Chiu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng Kapamilya hunk, “Okay naman, okay naman ang lahat.

"Luma nang isyu ‘yan, ayoko nang mabuksan na naman ‘yan.

"Okay naman sila ng mommy ko, naipakilala ko na siya, at okay naman."

DYESEBEL. Kasama si Gerald sa upcoming telefantasya ng ABS-CBN na Dyesebel, kung saan gagampanan niya ang role bilang Fredo.

Makakasama niya rito sina Anne Curtis at Sam Milby.

Kinakabahan man, pero positibo raw si Gerald na susuportahan ng publiko ang kanilang palabas.

“Naniniwala naman ako na yung mga supporters ng Dyesebel, papanoorin at susuportahan nila kami, kasi it’s a great concept.

"Si Anne bilang Dyesebel... we have Sam, napakagaling na artista siya.

"Ako, ako nga, kasama ako sa show, pero kung viewer ako, mae-excite ako.

"Excited ako this summer, kasi summer na ipapalabas and, wow, wala na akong masasabi pa!

"Ngayon pa lang, nire-ready ko na ang sarili ko para dun.

"Ito yung pinakamahirap physically, kasi siyempre para sa summer, so dapat kaming lahat, yung katawan namin pang-summer."

Anong preparations ang ginagawa niya para sa role?

Sabi ni Gerald, “Ako, every day akong nagsu-swimming habang wala pa kaming taping.

"Nag-Palawan kami at may mga nakunan kaming ibang shots para sa show… ang ganda ng mga nakunan namin dun."

Hiningan din namin ng reaksiyon si Gerald tungkol sa pambabatikos ng ilan sa pagkakapili kay Anne upang gumanap bilang bagong Dyesebel.

Saad ng Kapamilya actor, “Yung mga nangba-bash, pustahan, papanoorin pa rin nila ’yan.

"At the end of the day, sila ang motivation namin bilang artista.

"Siyempre, marami kang gustong i-prove, marami kang gustong patunayan.

"But like I’ve said, papanoorin pa rin nila ‘yan.

"We’re still thankful kung bashers man o supporters, we’re still thankful din sa support."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN