New Kapuso Phytos Ramirez denies rumor linking him to Empress

Iisa lang ang manager ng bagong Kapuso na si Phytos Ramirez at ng Kapamilya actress na si Empress, pero hindi raw alam ng binata na nagbabalak lumipat ng network ang young actress. saad niya, “Ang tanong niya sa akin kung kumusta daw ang trabaho sa GMA. Sabi ko, maganda, ibang-iba yung set, sobrang gaan, sobrang ang babait ng tao. Hindi naman po niya sinasabi sa akin na nagbabalak siyang lumipat.”


Nilinaw ng bagong Kapuso talent na si Phytos Ramirez ang pagkaka-link nila ng Kapamilya young actress na si Empress Schuck.

Iisa lang ang manager nina Phytos at Empress—si Becky Aguila.

Sabi ni Phytos tungkol sa pagli-link sa kanila ni Empress, “Hindi ko nga alam, e.

“Hindi kami nagde-date... nagdi-dinner kami kasama yung mga Morning Crew.

“Kasi meron kaming tinatawag na Morning Crew sa CrossFit, so kami yung regular na seven o’ clock ng umaga nagdyi-gym.

“Regular, every day po pag walang taping.

“So, si Empress, pagka ano, tine-text ko, ‘Uy, tara, 7 a.m. ka na.’

“Kasi bihira siyang magising nang maaga, so sinasabi ni Tita Becky na, ‘Pilitin mo para sumabay sa inyo.’

“So, hindi ko alam kung saan galing yung isyu na nali-link kami.

“Pero friends lang, like tinutulungan ko siyang magpapayat, ganun, para lahat kami sa agency sabay-sabay umangat.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Phytos sa taping ng GMA afternoon soap na Paraiso Ko’y Ikaw, sa Village East Subdivision, Cainta, Rizal, noong Miyerkules ng hapon, February 26.



EMPRESS TO TRANSFER TO GMA? May balita ring si Phytos ang dahilan kaya nag-iisip lumipat si Empress sa GMA mula sa ABS-CBN.

Read: Empress Schuck seeks options outside Kapamilya Network: "May times kasi na kailangan ko ring mag-move on."

“Naku!” natawang reaksiyon ni Phytos. “Hindi ko pa nababalitaan na lilipat siya sa GMA.”

Wala raw silang napapag-usapan tungkol sa lipatan.

“Ang tanong niya sa akin kung kumusta daw ang trabaho sa GMA.

“Sabi ko, maganda, ibang-iba yung set, sobrang gaan, sobrang ang babait ng tao.

“Hindi naman po niya sinasabi sa akin na nagbabalak siyang lumipat.”

Hindi kaya nahihiyakat si Empress na lumipat dahil sa mga magagandang sinabi ni Phytos tungkol sa pagtatrabaho sa Kapuso Network?

“Hindi, kasi totoo, like dito sa set ng Paraiso Ko’y Ikaw, tulad kami ni Kristoffer [Marton], nagkukulitan kami, kami nila Joyce [Ching], nila Kim [Rodriguez], si Kuya Gab [Gabby Eigenmann].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For example, pag may nakakatulog sa set, pipiktyuran namin ‘tapos ia-upload.

“As you can see sa Instagram namin na may mga pictures na naka-upload na tulog kami.

“Minsan nakatulog si Kristoffer, ‘tapos nag-take na ako, kinunan na ako ng eksena sa taping, paggising niya, nagulat siya may picture na siyang naka-upload!” natatawang kuwento ni Phytos.

Patuloy pa niya, “Nung gabi, bumawi siya sa akin, tulog ako, piniktyuran din niya ako.

“’Tapos naghabulan kami sa set.

“Walang pikunan, bawian lang, ganun lang.

“So, kulitan lang kami dito.”

Wala raw nababanggit si Empress kay Phytos tungkol sa paglipat, at hindi rin naman daw niya ito niyayaya na maging Kapuso.



MIKOY MORALES. Kasamahan din ni Phytos sa pangangalaga ng kanilang manager ang Protégé finalist na si Mikoy Morales, na napapanood naman sa Villa Quintana.

Pero ayon kay Phytos, wala silang rivalry ni Mikoy.

“Actually po, ang daming nagsasabi na, ‘O, baka may rivalry kayo!’

“Pero okay naman po kami ni Mikoy.

“Actually, niyayaya ko pa siyang mag-gym. Kasi nagko-CrossFit po kami, so okay naman po kami.”

Si Mikoy ay aminadong mas kumportable sa comedy at pagiging isang songwriter, habang pang-leading man naman ang dating ni Phytos.

Sabi ni Phytos tungkol dito, “Ako, mas gusto ko talaga, dun po ako naka-focus, e—ang maging leading-man material, actor.”

Gusto raw ni Phytos na sundan ang yapak ng Drama King na si Christopher de Leon.

“Gusto ko talaga award-winning, e. Iyon yung ine-aim ko in the future, na maging award-winning actor.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN