Kim Rodriguez keeps mum about rumored reconciliation of Paraiso Ko’y Ikaw co-stars Joyce Ching and Kristoffer Martin

Wala raw problema kay Kim Rodriguez kung sakaling magkabalikan ang mga kasamahan niya sa Paraiso Ko’y Ikaw na sina Joyce Ching at Kristoffer Martin. Ito ay sa kabila na si Kim ang gumaganap na leading lady ni Kristoffer at si Joyce naman ang kontrabida sa kanilang soap.


Ayon kay Kim Rodriguez, mas lalo silang nagiging close ni Joyce Ching ngayong magda-dalawang buwan na silang nagte-taping para sa afternoon soap ng GMA na Paraiso Ko’y Ikaw.

Ito ay sa kabila na si Kim ang gumaganap na leading lady ng ex-boyfriend ni Joyce na si Kristoffer Martin sa kanilang teleserye.

At kahit si Joyce ang gumaganap na kontrabida kay Kim, hindi raw nila dinadala ang kanilang mga karakter kapag off-cam.

Sabi ni Kim, “Hindi po, kapag off-cam po, magkaibigan kami ni Joyce po.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa taping ng Paraiso Ko’y Ikaw noong Miyerkules, February 26, sa Village East Subdivision, Cainta, Rizal.



KRIS-JOY RECONCILIATION? Ano naman ang masasabi ni Kim sa balitang nagkabalikan na raw sina Joyce at Kristoffer, pero inililihim lamang daw ito ng dalawa?

Sabi ng 19-year-old actress, “Ako, labas naman po kasi ako sa relasyon nilang dalawa.

“Pero kung… sabi po kasi nila, parang feeling daw po nila magkakabalikan yung dalawa, okay lang naman po sa akin kung magkabalikan sila.

“Susuportahan ko pa po sila.”

Pabor si Kim na magkabalikan ang dalawa kahit siya ang leading lady ni Kristoffer?

Sagot niya, “Opo, okay lang po sa akin.

“Kasi ako, ginagawa ko lang naman yung trabaho namin as loveteam ni Kristoffer, at saka iba rin po kasi kapag off-cam.”

May mga pagkakataon bang nagko-confide sa kanya si Joyce ng mga sikreto tungkol sa kanila ni Kristoffer?

“Ay, wala naman po kaming ganung pag-uusap.

“Nag-uusap lang kami kapag lumalabas kami.

“Every week kasi may lakad kami nila Joyce, nila Phytos [Ramirez], apat po kami.”

Sa palagay ba niya ay nagkabalikan na nga sina Joyce at Kristoffer?

“Hindi po ako ang makakasagot niyan, e, sina Joyce po, e,” pag-iwas ni Kim.

Sweet ba ang dalawa?

“Siguro, parang wala naman pong nagbago sa kanilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi po sila ilang sa isa’t isa, kaya feeling ko, puwedeng magkabalikan po. Puwede.

“Pero hindi ko po alam, nasa sa kanila po kasi iyon, e.”

Si Kim naman daw ay walang boyfriend at ni walang manliligaw ngayon.

Kaya nagulat siya sa blind item na tumutukoy sa kanya na may nakakita raw sa kanyang naggo-grocery at may kahalikang lalaki.

“Hindi po ako yun, hindi po totoo yun!

“Hindi po ako naggo-grocery at wala po akong boyfriend,” mariing sabi ng Kapuso young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN