G Tongi happy that role in Paraiso Ko’y Ikaw addresses her pro-choice advocacy

by Rommel R. Llanes
Mar 1, 2014
G Tongi on her role as Regina in Paraiso Ko’y Ikaw: "Hindi ako kontrabida dito pero hindi rin ako nagpapakawawa. At konting-konti lang ang mga kababaihan na makikita mo sa telebisyon na career women, driven, and won’t take bullshit!"

Masaya raw si G Tongi na nakasama siya sa afternoon soap ng GMA na Paraiso Ko’y Ikaw, kung saan gumaganap siya bilang si Regina.

“I am so, so thankful they write roles for thirty-year-old women who are empowered.

"You know kasi, hindi ako kontrabida dito pero hindi rin ako nagpapakawawa.

“At konting-konti lang ang mga kababaihan na makikita mo sa telebisyon na career women, driven, and won’t take bullshit! Sorry, but that’s true."



G'S ROLE. Inilarawan ng aktres ang kanyang karakter bilang "very modern woman."

Si Regina raw ay isang businesswoman na nagpapatakbo ng sarili niyang lingerie company.

May conflict daw ito sa buhay ng "maraming kababaihan na nabubuntis at wala silang choice kundi ipamigay yung mga anak nila."

At dahil vocal si G sa pagiging reproductive-heath advocate niya, "very pivotal" daw ang role para sa kanya "kasi nga she had to give away her child."

Ayon pa sa kanya, “Maraming kababaihan sa Pilipinas na ganun, [nabubuntis] wala naman silang mapakain sa mga anak nila."

Continue reading below ↓

ADVOCACY. Rape victim na nabuntis kasi si G sa Paraiso Ko’y Ikaw.

“Pero hindi ko pinalaglag kasi nga bawal sa Pilipinas, you can get criminalized for abortion.

"Alam ko, controversial yung statement kong yun because I’m a woman for choice.

“Ang masasabi ko lang, kung ako ang ni-rape [at nabuntis], I think it would be my choice to carry that child full-term.

“That’s my advocacy.

"Feeling ko, lahat tayong kababaihan, katawan natin ito, karapatan natin ito.

"For any organization to tell us what to do with our bodies, I think is completely against what it means to be a woman.

“I’m very passionate about that but iyon yung sa akin.

“Rape is a very serious issue, isisilang mo yung anak mong yun, ni-rape ka, pinilit ka?

“I feel that I wouldn’t be able to do it.”



ELLEN ADARNA. Kahit tungkol sa rape ang topic at kahit kilala niya si Vhong Navarro, ayaw raw makisawsaw ni G sa isyu, “Tanungin niyo na lang si Ellen Adarna.”

Continue reading below ↓

Binanggit niya ang pangalan ng dalaga kasi nagpa-interbyu ito tungkol sa isyu nina Vhong, Cedric Lee, at Deniece Cornejo.

Natanong namin tuloy si G kung magkagalit ba sila ni Ellen.

Aniya, “Hindi! Tinanong kasi siya o 'di may statement siya. I have nothing to say about that issue.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
G Tongi on her role as Regina in Paraiso Ko’y Ikaw: "Hindi ako kontrabida dito pero hindi rin ako nagpapakawawa. At konting-konti lang ang mga kababaihan na makikita mo sa telebisyon na career women, driven, and won’t take bullshit!"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results