Slimmers World says Miss Bikini Philippines, where Roxanne Cabañero was a candidate, was not in Pasig area on April 24, 2010

Ayon sa pamunuan ng Slimmers World—ang organizer ng Miss Bikini Philippines, kung saan isa sa mga kandidata si Roxanne Cabañero noong 2010: "Miss Bikini Philippines was not billeted in Astoria Plaza on 24 April 2010 and was nowhere near the perimeters of the said area nor was in Pasig City on such date."


Kinumpirma ng pamunuan ng Slimmers World International, ang organizers ng Miss Bikini Philippines, na hindi sa Astoria Plaza Ortigas naka-check in ang mga kandidata ng naturang pageant noong April 2010.

Sa ipinadalang statement sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, March 1, ng Slimmers World sa pamamagitan ng kanilang abugado na si Atty. Joanne B. Babon (Follosco Morallos & Herce law firm), sinabi ring wala ang mga kandidata nila sa mga kalapit na lugar ng Astoria Plaza o sa Pasig City noong April 24, 2010.

Nilinaw rin nilang, "it has no knowledge whatsoever about the rape incident," na nangyari sa isa sa mga kandidata nilang si Roxanne Cabañero, na si Vhong Navarro ang itinuturong salarin.

Narito ang kabuuan ng statement (published as is):

27 February 2014

Miss Bikini Philippines Statement on the circumstances surrounding the alleged rape claimed by Roxanne Cabanero against Vhong Navarro.

“Miss Bikini Philippines would like to inform you that it has no knowledge whatsoever about the rape incident that alleged transpired between Ms. Roxanne A. Cabañero (“Cabañero) and Mr. Vhong Navarro (“Navarro”).

“Based on its records, Miss Bikini Philippines confirms the following:


1. Cabañero was a candidate in the Miss Bikini Philippines Pageant held in 2010.

2. The candidates of Miss Bikini Philippines 2010, including Cabañero, made a guest appearance in the noontime program Show Time on 24 April 2010.

3. Miss Bikini Philippines has no knowledge and is in no position to know if Cabañero first got acquainted with Navarro when MBP made a guest appearance in the noontime program Show Time on 24 April 2010.

4. Miss Bikini Philippines was not billeted in Astoria Plaza on 24 April 2010 and was nowhere near the perimeters of the said area nor was in Pasig City on such date.

Atty. Joanne B. Babon

FOLLOSCO MORALLOS AND HERCE

Counsel for MISS BIKINI PHILIPPINES

MIX-UP OF HOTEL NAMES. Noon nakaraang linggo, inamin ng kampo ni Roxanne, sa pamamagitan ng abugado nitong si Atty. Virgillio Batalla, na nagkaroon ng kalituhan ang kanyang kliyente sa pag-aalala sa hotel kung saan ito naka-check in kasama ang iba pang kandidata ng Miss Bikini Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa nito, “Noong una, in-announce sa kanya…sa kanila na Astoria sila, pero somehow hindi natuloy.

"At noong hindi natuloy na yun, na lilipat pala sila sa Millenia Suites.

"At sa Millenia Suites, halos magkatabi yun, ang alam pa rin ng aking kliyente ay Astoria pa rin."

Read: Roxanne Cabañero camp denies saying Vhong Navarro raped aspiring beauty queen on April 24, 2010; explains mix-up over name of hotel

MILLENIA SUITES. Sa ulat pa rin ng Balitanghali noong February 25, nagpakita ang kampo ni Roxanne ng mga larawang kuha sa mga kandidata na nasa swimming pool ng nasabing hotel.

Tumugma naman ang background ng swimming pool sa larawan sa actual swimming pool ng Millenia Suites.

Kinumpirma rin ng pamunuan na ilang kandidata ang nag-check in sa kanilang lugar dahil isa sila sa sponsors ng naturang event. Pero, hindi nila sinabi ang eksaktong petsa kung kailan nag-check in ang mga ito.

Tinawagan ng PEP ang Millenia Suites kaninang tanghali, March 1, ngunit hindi na daw sila magbibigay ng anumang pahayag pa tungkol dito.

Tinanong din ng PEP ang vice president ng Slimmers World International na si Helen Camacho, kung natatandaan ba nito kung saan nag-stay ang mga kandidata ng Miss Bikini Philippines noong April 2010, pero tanging “no comment” lamang ang isinagot nito.

Bukas ang PEP sa panig nina Roxanne at Atty. Batalla tungkol isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN