Aljur Abrenica on Mark Herras admitting that he already has a baby: "...humanga talaga ako sa ginawa niya..."

Aljur Abrenica on Mark Herras’s revelation that he already has a baby: “Maraming beses na nating narinig yung encounter na ganoong bagay, pero si Mark, hindi niya hinayaan yun sa anak niya kaya masasabi kong naging magandang example siya. Marami pa rin diyan, hindi umaamin. Dine-deny ang mga anak nila.”


Sa Kambal Sirena, ang karakter na ginagampanan ni Aljur Abrenica ay may-ari ng isang lugar na nangangalaga ng mga dolphins at iba pang sea creatures.

Kaya naman noong Miyerkules, February 26, sa Ocean Adventure Subic Bay ginanap ang taping ng “sirenaserye” ng GMA.

Biniro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur na dolphins na ang kinukumusta sa kanya ngayon.

Sabi naman niya, “Actually, I fell in love with them. Na-in love ako sa mga dolphins dahil I never knew na ganoon sila kalambing.”

Masaya raw si Aljur sa bago niyang soap.

“Alam niyo naman ang fantasy natin, sa ilalim ng tubig. Parang binuhay niya ang fantasy ko pagdating sa dagat, na gusto kong lumangoy sa ilalim.

“The thing is, ang sarap siguro kung may solid bond ka sa mga creatures na ganito. Yun ang fantasy ko right now. Kapag ganun, you can travel the sea, walang limitation kapag kasama mo sila.

“So magical lang,” saad niya.

Water person ba siyang talaga o ngayon lang dahil sa tema ng serye nila?

“Yeah, hindi niyo alam na water person talaga ko. Bata pa lang ako, sinanay na ko ng father ko sa dagat. Sa Batangas at saka dito sa Subic noong hindi pa siya developed,” kuwento niya.

Sa Kambal Sirena, siya raw si Kevin. Vice president daw siya ng kumpanya nila, at sobrang humble din niya.

“Kahit na siya na ang vice president, bumababa pa rin siya when it comes to cleaning the aquarium, training the dolphins and sea lions na hindi na niya dapat ginagawa pero ginagawa pa rin niya dahil love na love talaga niya ang mga sea creatures,” patuloy pa ng Kapuso hunk.

Halos palagi nga raw siyang nakahubad pang-itaas sa Kambal Sirena. Kailangan pa ba niyang maghanda para rito?

“Hindi, marami siyempre,” pag-amin niya.

“Gym na naman, tuluy-tuloy lang ’tapos, training ng Muay Thai.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVETEAM WITH LOUISE. Unang beses naman nilang magiging magkatambal ni Louise delos Reyes.

Kumusta naman silang dalawa?

“I’m so glad kasi, personally, kami ni Louise, magkaibigan kami. ’Tapos ngayon ko lang siya nakita sa work. She’s so professional at nakita ko yung energy ni Louise sa work na ‘to, nakakahawa.

“Nakikita ko ang passion niya at doon ko siya nakilala, yung passion niya when it comes to this kind of work.

“Like itong taping, thankful ako kasi, nahahawa ako sa energy niya,” pahayag niya.

Yung chemistry, nandoon na ba?

“Para sa akin, everything will follow, e. Ang nakikita ko pa lang yung plug. Pero, yung chemistry namin when it comes to work, yun ang maganda. Pero sa screen, kayo na ang bahala,” pakli niya.

SIZING UP THE COMPETITION. Sabi namin kay Aljur, ang lumalabas na tila katapat niyang leading man sa ABS-CBN sa seryeng Dyesebel ay sina Sam Milby at Gerald Anderson.

Wala ba siyang kaba lalo pa’t bago pa lang ang tambalan nila ni Louise?

“Well, aware naman ako pero hindi ko iniisip yun. Maliban dun actually, hindi maliban, e. Hindi ko talaga siya iniisip.

“I’m just thankful, thankful ako sa project na binigay na ito at pinagkatiwala sa akin ng GMA,” amin niya.

Pagdating naman sa rating, hindi raw siya napi-pressure dahil siguradong marami ang mag-aabang kung anong sirenaserye ang mas papanoorin at tututukan ng mga manonood.

“Kasama yun, e. Pero as long as para sa akin, gusto ko lang naman gawin ang best ko.

“Higitan yung mga nagagawa ko noon para sa isang project like I’m still studying the script, promoting the show, kumbaga sa lahat ng ikakabuti ng show,” dagdag pa niya.

KYLIE PADILLA. Sa isang banda, alam na raw ni Aljur na magbabakasyon ng halos isang buwan sa Australia ang girlfriend na si Kylie Padilla kung kaya’t nauna na nga nilang ipagdiwang ni Kylie ang kanyang paparating na birthday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabay ito ni Kylie sa Valentine’s Day celebration nila sa Tagaytay.

“Matagal ko nang alam na aalis siya. Okay lang, kailangan niya yun,” kampante niyang pahayag.

Mas maganda na ba ang samahan nila ni Kylie ngayon?

“Yes, maturity-wise, we’re in a relationship. Ano ba ang mas gusto mo, mas tumibay o masira? Siyempre, mas tumibay.

"We’re growing up at marami kaming natutunan. It comes out, everything comes out na especially kung may guidance ni God.”

RENEWED CHRISTIAN FAITH. Regular nang una-attend sa Victory Christian Fellowship Alabang ang aktor.

Nakakatulong ang faith niya ngayon sa relasyon nila?

“Yes, yes,” saad niya.

Hindi ba nagiging isyu sa kanila ang pagkakaiba ng relihiyon? Si Kylie, ayon sa huling interview ng PEP sa kanya, sa puso niya ay Muslim pa rin siya, pero dahil sa pag-aartista, hindi raw siya practicing Muslim ngayon.

Sabi naman ni Aljur, “They are just names. Religions are just names. Balewala ang relihiyon kung wala kang personal na relasyon sa Panginoon.

“Never naging isyu sa akin ang relihiyon. Personally, never naging isyu sa akin yun.”

TAMPUHAN WITH ROBIN? Kinumusta rin namin kay Aljur ang diumano’y pagtatampo sa kanya ng ama ni Kylie na si Robin Padilla dahil hindi siya nakarating sa premiere night ng pelikula nilang Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak.

Ayon kay Aljur, “Nagpunta ako, yung after no’n, yung sa Podium. Yung sa Gateway, valid naman ang reason ko kung bakit hindi ako nakapunta ro’n.

“Naintindihan naman niya yun. At saka, yung manager ko at manager naman niya ang nag-usap na hindi talaga ako puwede noon. Pero itong sa Podium, pumunta talaga ko.”

ON MARK HERRAS. Sa huli, hiningan namin ng reaksiyon si Aljur tungkol sa ginawang pag-amin ni Mark Herras noong nakaraang Linggo, February 23, sa Startalk na siya ay isa nang binatang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa kasamahan niya sa Sunday All Stars at GMA Artists Center, si Mark din ang orihinal na StarStruck Ultimate Survivor winner.

Nagulat ba siya nang malaman niya o alam na rin niyang tatay na ito bago pa man umamin?

“Well, rumors, pero hindi na mahalaga yun. Na-shock ako sa ginawa niya, nagulat, pero ang importante sa akin, humanga talaga ako sa ginawa niya bilang senior sa amin sa StarStruck.

“Naging magandang example siya sa mga kapwa niya artista, lalo na sa aming StarStruck, lalo na sa mga kabataan na wala sa showbiz,” pagpuri niya kay Mark.

Pina-elaborate naman namin kay Aljur kung paano niya nasabing magandang ehemplo si Mark sa kanila o sa mga kabataan ngayong isa na nga itong tatay.

“Well, kasi ako mismo, kumbaga, yung ginawa niya kung ikukumpara ko, puwede kong sabihin na kaya ko ang ginawa niya, pero kapag nasa sitwasyon na ’ko, hindi ko na alam.

“Yung pinakamasakit kasi yung denial. Yung ide-deny ka bilang anak.

“Maraming beses na nating narinig yung encounter na ganoong bagay, pero si Mark, hindi niya hinayaan yun sa anak niya kaya masasabi kong naging magandang example siya.

“Marami pa rin diyan, hindi umaamin. Dine-deny ang mga anak nila.”

NOTHING TO ADMIT. Kinumusta naman namin si Aljur kung sa parte niya, wala namang lalabas na anak niya pala.

“Wala akong maaamin kasi, confident ako na wala,” natatawang sabi niya.

“And I consider that as a blessing kung dumating man. Blessing yun, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN