Coleen Garcia on being pressured to put a label on relationship with Billy Crawford: “Wala pa. May deadline ba?”

Coleen Garcia explains why she doesn’t want to label her relationship with Billy Crawford: “The thing with boyfriend-girlfriend kasi, it’s not really for the label—it’s not for you, it’s not for him, it’s not for me, it’s for other people. There’s something special naman pero at the same time walang label.”


Sa Showtime ay madalas na punchline ni Billy Crawford na hindi pa siya sinasagot ni Coleen Garcia.

Taliwas ito sa mga balitang lumabas noon na si Coleen ang rason ng breakup ni Billy at ng ex-girlfriend nitong si Nikki Gil.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Coleen, inamin ng TV host-actress na espesyal para sa kanya si Billy pero hindi pa raw talaga sila.

Paliwanag ni Coleen, “Kasi I want to take my time, e... I don’t know.

“Based on what I’ve been through din before, I just want to be sure about this.

"I realized that there’s always time, you can always take your time. There’s time for us.

“The thing with boyfriend-girlfriend kasi, it’s not really for the label—it’s not for you, it’s not for him, it’s not for me, it’s for other people.

"There’s something special naman pero, at the same time, walang label.

“Wala pa, wala pa talaga."

Biro pa niya, “Wala pa. May deadline ba?”

Sa interview ni Billy sa Buzz Ng Bayan ilang buwan na rin ang nakalilipas, sinabi nito na dumating ang punto na umiwas sa kanya si Coleen dahil na rin sa mga negatibong isyu na lumalabas sa kanila.

Hindi naman ito itinanggi ni Coleen.

Saad ng dalaga, “Nung sa New York kasi, mali kasi lumabas, e.

"I was there, nakasabay niya sa plane ay yung manager ko, si Mr. M [Johnny Manahan].

“Talagang he can vouch for me na hindi kami pumunta na magkasama, pero ang lumabas kasi sobrang pangit.

“Sobrang na-shock ako, nabigla ako na parang, ’Ganito ba? Nagiging ganito ba?’

“And at that time, parang ako lang yung palaging nagsasalita and my words kasi were taken out of context.

"I just felt na I don’t want to talk for a long time, my words were really thrown out of proportion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ’I don’t want to talk anymore,’ kaya hanggang sa siya na yung nagsalita, siya na yung nag-come out para sa akin.

"But before that, I really felt like I was the only one helping myself.

“Ganun kasi ang feeling ko nun and I told him that.

"Very straightforward naman kasi kaya ako nahihirapan sa mga interviews, kasi very straightforward.

"And minsan pinuputol-putol kasi na parang ’di nakukuha ang point ko."

DID COLEEN HELP BILLY “FIND HIMSELF?” Sa interview rin ni Billy sa Buzz Ng Bayan, nabanggit nitong nakita niya ang kanyang nawawalang sarili dahil kay Coleen; bagay na hindi naman sinang-ayunan ng It’s Showtime co-host.

“Hindi niya actually sinabi sa akin yun.

"Ang alam ko kasi nahanap niya ang sarili niya nung pumunta siya sa States, yun ang alam ko sa story niya.

“I don’t think that he found himself through me.

"Maybe I think he found himself when he found his freedom.

“He had the state and the freedom to be himself, he got to be himself again.

"I think when you are with someone, you have to be full as a person kasi that’s what I believe, even with myself.

“Ayoko na papasok ka sa isang relationship na ’di ka kumpleto, na nag-aalanganin ka.”

NOT WORRIED ABOUT DETRACTORS. Hanggang sa ngayon, si Coleen pa rin ang naituturong third party sa hiwalayang Billy-Nikki.

Aminado ang TV host na nasaktan talaga siya sa masakit na paratang na ito sa kanya ng marami.

Sabi ni Coleen, “I used to get really hurt, but then, pare-pareho.

"Those people don’t know what they talking about. I tried to explain myself over and over again.

“I can be edited out, but as long as at the end of the day, I know naman na tama yung ginagawa ko, na wala akong tinatapakan na tao at wala akong ginagawang masama...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

I know in my heart that it’s not really true, and that I don’t have to worry about it.”

AFFECTED BY VICE-KARYLLE RIFT. Bago umalis ng bansa si Vice Ganda noong nakaraang Miyerkules ay nagkabati na ito at si Karylle sa Showtime.


Read: Vice Ganda ends rift with Karylle; gives her a hug on It’s Showtime


Bilang isa sa host ng nasabing noontime show ng Kapamilya network, masaya si Coleen sa nangyari dahil lahat pala sila ay naapektuhan sa tampuhan ng dalawa.

“Oh, my gosh, sobrang saya ko talaga, lahat kami sobrang saya!

"Hindi maganda kasi yung araw-araw kayong nagkikita ’tapos may bad blood.

“Regular ko nakakausap si Karylle, especially yung incident na yun. Lagi kong sinasabi sa kanya, ’Okay lang yun, magkakabati din kayo, palamigin ninyo lang.’

“Ang maganda dun, nagkabati sila bago umalis si Vice.

"Aala siyang naiwan na bad vibes, lahat kami maayos.

“Lahat kami talaga. Kahit ’di kami kasama sa problema na yun, parang pakiramdam namin, lahat kami affected.

"Parang magkakapatid na rin kami nila Vice and Karylle."

KARYLLE-YAEL WEDDING. Masayang-masaya rin si Coleen sa nalalapit na pagpapakasal ni Karylle sa fiancé nitong si Yael Yuzon.

Sabi ni Coleen, “I’m very happy for her.

"Actually nung nag-announce siya sa Showtime, nanginginig ako sa gilid. Ako pa yung nanginginig, umiiyak sa gilid.

“’Di ko talaga kinakaya, kinbakabahan ako, pero at the same time, I’m so happy for her.”

HOPEFUL FOR VHONG. Sa kabila ng mga magagandang nangyayari ngayon sa mga kasamahan ni Coleen sa Showtime, nahaharap pa rin sa malaking problema ang isa nilang kasamahan sa programa na si Vhong Navarro.

Kamakailan lang ay sinampahan muli ito ng reklamong rape ni Roxanne Cabañero.

Pero positibo naman si Coleen na malalagpasan ito ng komedyante.

“Well, externally kasi, ’pag ’di mo siya nakikita, ’di mo siya nakakausap, mag-aalala ka talaga para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We were just with him a few days ago kasi birthday ng girlfriend niya and masaya naman siya.

“Nakikita ko naman na he’s fully recuperating, he’s getting back on his feet again.

“He’s really being strong about it, and I really think na he’s really yung tipo ng tao na kakayanin niya talaga to overcome this,” pahabol pa ni Coleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN