Cristine Reyes on Mark Herras being an unwed father: “Wala, ganun talaga ang buhay, e. We have to deal with it.”

Cristine Reyes on having her own baby: “Ayaw ko namang magsalita nang tapos kasi baka mamaya ’di matuloy, ’di ba? Pero, I hope naman. Doon naman tayo pupunta, ’di ba?”


Isa si Cristine Reyes sa dapat sana ay hihingahan ng loob ni Mark Herras bago pa man lumantad sa publiko ang Kapuso actor at umaming mayroon na siyang tatlong-buwang anak na babae.

Matatandaan na sa live interview ni Mark sa StartalkTX noong February 23 ay inamin niyang isa na siyang binatang ama.

Read: Mark Herras admits fathering baby girl: “Pero ito lang ang masasabi ko, hindi ho kasalanan si Ada.”

Isang senior handler sa Kapuso network na limang taon ang tanda sa kanya ang ina ng kanyang anak.

Bungad ni Cristine tungkol sa isyu, “Tumawag siya sa akin, pero hindi ko nasagot kasi nga busy rin ako.

“Dahil dun, tinatanong ko [si Mark], ’Bakit, ano yun? Hindi ko maintindihan. Ano ba yung tinext mo sa akin sa Viber... sa grupo?’

“’Tapos nalaman ko na yun pala yun [na aamin nga si Mark].”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment media si Cristine sa finale presscon ng primetime teleserye na Honesto noong Biyernes, February 28, sa ELJ Building ng ABS-CBN.

Kilala rin daw ni Cristine ang ina ng anak ni Mark.

“Kilala ko yun, handler ko rin dati. Model type [siya].”

Ano ang masasabi niya sa nangyari sa dating nali-link sa kanya noon ?

Natsismis sina Cristine at Mark noong magkasama sila sa StarStruck Season 1 noong 2003.

“Wala, ganun talaga ang buhay, e. We have to deal with it,” kaswal na sagot ng Kapamilya actress.

Hindi ba siya naiinggit sa mga kasama niya sa StarStruck na karamihan ay meron nang mga anak?

Natatawang sabi ni Cristine, "Gusto ko na rin nga, e. Kaya nga, hinihiram ko ang mga pamangkin ko, e!"



BABY PLANS. Kailan naman ang plano niyang magkaanak kung sakali?

Aniya na natatawa pa rin, “After two years siguro...

“Na pinipigilan ng lahat ng tao. Bahala kayo!

“Ayaw ko namang magsalita nang tapos kasi baka mamaya ’di matuloy, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, I hope naman. Doon naman tayo pupunta, ’di ba?”



RECONCILIATION WITH AN EX? Pagkatapos nito ay napag-usapan ang tungkol sa balikang nangyari kina Angel Locsin at Luis Manzano.

Posible bang mangyari na may makabalikan siya sa mga dati niyang nobyo?

“Tingnan natin kung sino ang ang nandiyan pa rin sa akin,” sagot ni Cristine.

Sa ngayon kasi, may kumakalat na balitang nagkabalikan sila ni Rayver Cruz, na diretsahan namang itinanggi ng young actor sa isang hiwalay na panayam.

“Ano yun? Grabe!” reaksiyon ni Cristine sa nagsasabing sila na uli ni Rayver.



TEASING RAYVER. Pagkatapos nito ay ibinuking na niya ang kanyang ex-boyfriend.

Kuwento ni Cristine, “Actually, iniinis-inis ko lang siya [si Rayver] kasi meron siyang dini-date-date.

“Basta, iniinis ko lang siya para maudlot.

“Pero yun nga, nagalit siya sa akin, di itinigil ko na.”

Bakit niya ba iniinis si Rayver? Ibig kayang sabihin nito ay nagseselos siya sa kung sinuman ang dini-date nito?

Natatawa pa ring saad niya, “Alam niyo naman ako, sobrang maloko ako!

“Tapos nito, wala na.”

Bakit nga ba gusto niyang maudlot ang puwedeng mangyari sa pakikipag-date ni Rayver?

“Wala, binubuwisit ko lang siya,” mabilis niyang sagot na tipong nang-aasar lang talaga.

“Kasi kung may dini-date ako, ginaganun din niya ako.

“Inasar ko lang talaga siya, kaya lang ’di niya maintindihan kung paano ako mang-asar.”

Nagtagumpay ba naman siya sa pang-aasar kay Rayver?

“Hindi ko alam kasi tumigil na rin ako!” muling natatawang sabi niya.

“Hindi ko naman tinuluy-tuloy yung pang-aasar. Ano ’ko, kontrabida lang?

“Ininis ko lang talaga siya.”

Pero kay Derek Ramsay ba, handa siyang makipagbalikan?

Sagot niya, “Hindi natin masasabi, e.

“Lahat naman sila nagka-girlfriends na.

“Ang sinasabi ko na consistent ay yung friendship.

“Lahat sila nangungumusta lalo kapag may sakit. Andun pa rin ang pag-aalala nila sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN