Pokwang ready to fall in love again: "Ready na ako, kasi feeling ko matatag na ako ngayon."

Ilang taon ang ibinigay niya sa sarili bago magkaroon ulit ng boyfriend? Sagot ni Pokwang, “Wala akong ibinibigay. Hindi ko tinutuldukan. Kung meron, halika, at ikaw talaga, why not? Pero sabi, huwag ko raw hanapin, ipagdasal ko raw. Totoo, ipinagdarasal ko."


Willing and ready na muling tamaan ng pana ni Kupido ang puso ng komedyanteng si Pokwang.

Mahigit sampung taon na raw mula noong huling tumibok ang puso niya para sa isang lalaki.

Sabi niya, “Ready na ako, kasi feeling ko matatag na ako ngayon.

"Siguro yung ano, huwag buhus na buhos. Inspirasyon, ganoon.

“Noon ayoko pa, pero ngayon, kasi na-realize ko hindi na pala ako 18 years old.

“At dahil wala nga akong lalaki, dinadaan ko na lang sa trabaho.

“Sabi nga ng nanay ko, ’Sa estado mong ’yan, parang ang hirap mo nang magnanap, ’di ba? Magtrabaho ka na lang.

“’Mag-ipon ka para sa sa anak mo dahil kapag meron namang nandiyan ibibigay sa ’yo ni God.

"’Magugulat ka na lang babagsak na lang sa harap mo.’”

But at the same time, kinukontrol pa rin daw niya ang sarili pagdating sa lalaki.

Aniya, “Oo, hindi na ako kagaya noon na tanga-tanga. Sobrang tanga ko noon.

“Pero ako, napapasalamat na lang ako sa mga ibinigay sa aking pasakit, ’di ba?

"At least ngayon, ’O, alam ko na, natuto ako, ’di ba?’

“Minsan naman talaga, hindi tayo matututo hangga’t hindi tayo nagkakamali. Yun ’yon.”



PRAYING FOR BOYFRIEND. Ilang taon ang ibinigay niya sa sarili bago magkaroon ulit ng boyfriend?

Sagot ni Pokwang, “Wala akong ibinibigay. Hindi ko tinutuldukan.

"Kung meron, halika, at ikaw talaga, why not?

"Pero sabi, huwag ko raw hanapin, ipagdasal ko raw.

"Totoo, ipinagdarasal ko."

Dagdag niya, “Yung direktor namin sa Mira Bella, si Direk Jerome Pobocan, sinasabi niya sa akin, ’Kapag nagdarasal ka, idirekta mo sa Kanya. Walang paliguy-ligoy.’

"Halimbawa, may gusto kang isang lalaki. Sabihin mo ang pangalan. Idasal mo, ’Gusto ko po si ano.’

"Huwag lang daw yung mga married man."

Araw-araw ba siya nagdarasal?

“Ay, araw-araw ako nagdarasal!

"Para ano pa’ng prayer room ko doon sa bahay!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, ’di ba, kasi minsan, lalo na kapag first time mo sa isang simbahan...

"’Di ba, kapag first time ka papasok sa isang simbahan, magwi-wish ka.

“Hindi nawawala yun, ’God, Lord Jesus, angels, kung anuman, lahat kayong nakikinig sa paligid ko, bukas po ang puso ko, hindi ko sinasara. Kapag dumating ang tamang lalaki, sana po dumating na siya, agad-agad.’

“Yung ganoon.

"Pero siguro, sabi ni God, ’Hindi pa puwede. Kulang pa ’yang ano mo...!’”

Gaano na katatag ang puso niya ngayon?

Sagot ni Pokwang, “Masasabi ko na matatag na ako.

"Gaano katatag na? To the point na siguro ano... yung iingatan ko na yung, alam mo yung huwag nang maulit yung nangyari dati.

“Saka ako, siguro kapag naka-graduate na yung anak ko, yun ang the best time.

"Gusto ko lang maka-graduate siya. Three years na lang bubunuin ni bagets.

“Culinary ang course niya at hindi siya basta-basta culinary lang. So, masakit sa likod ang tuition fee,” biro pa niya.



SAMURAI SWORD. At hindi na siya pabubugbog sa magiging boyfriend niya?

"Ay, huwag na!" bulalas niya.

"Nag-aral kaya ako ng self-defense. Mabuwena-manuhan ko siya sa mga napag-aralan kong self-defense.

“Nag-aral ako ng firing. Bumili ako ng samurai.

"One time, wala akong magawa, look ako sa online ng mga ano, katana. Katana talaga ang tawag doon, e.

“Ang samurai kasi, yung mga taong sinauna sa Japan, pero ang tawag talaga doon, katana sword.

"Umorder ako online...

“E, bawal kasi sa airport bitbitin, ’di ba? Inano ko talaga, ’tapos tawa nang tawa ang anak ko, ’Bakit ka bumili ng samurai?’

“Sabi ko, ’E, kung magkatotoo yung zombie? Ano ka?...

“Nakatago lang siya sa bahay. Huwag daw i-dispay sabi sa feng shui.

"Nung una kasi nakalagay yun sa ibabaw ng TV ko sa kuwarto.

“Pero nung nakita ng friend ko na feng sui expert, ’Ay, alisin mo ’yan diyan.’ Kasi kina-cut daw noon ang happiness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nilipat ko siya ng lalagyan na hindi naka-display. Ganoon daw yun.

"Wala namang masama kung sundin ko."

Duda naman ang iba na walang inspirasyon na lalaki ngayon si Pokwang dahil sa ganda niya ngayon. Bakit nga ba mukhang bata at fresh siya ngayon?

“Masaya ako, e, ganoon talaga kapag masaya, nagre-reflect sa mukha mo.

"Sabi nila, sex daw ang magibigay sa ’yo ng freshness? Parang hindi naman!” natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN