Pokwang plans a star-studded debut for daughter

Pokwang hopes that the heartthrobs who witnessed her daughter Rie Mae blossom into a young woman will find the time to become part of her coming-out party: "E, sino ba ang mga ‘yan? ‘Di ba sina Piolo [Pascual], John Lloyd [Cruz]?”


Matagal ding naging host sa noontime shows ng Kapamilya network ang komedyanang si Pokwang—mula Wowowee, Pilipinas Win Na Win, at Happy Yipee Yehey!

Ngunit natigil ito nang mawala sa ere ang Happy Yipee Yehey! noong 2012.

Sobra raw na-miss ni Pokwang ang paghu-host sa noontime show at kung may offer sa kanyang mag-host ulit, "Wapak!"

Dagdag niya, "Nami-miss ko rin siyempre yung tumalak nang live.

“Pigil pa nga ako nung mag-guest segment host ako sa Showtime, e, bilang respeto na rin sa mga taga-Showtime.

"Baka isipin nila, ’Epal naman itong si Pokwang.’"

May nagsasabi na maganda kung tandem sila ni Vice Ganda sa It’s Showtime, lalo’t puwede si Pokwang na panghatak ng mga ina ng tahanan na makakadagdag sa viewership ng show.

Sabi niya tungkol dito, "In fairness din naman kasi, may kanya-kanya rin namang character ang mga host sa Showtime."

THOROUGHLY KAPAMILYA. Three weeks mawawala sa Mayo si Pokwang para mag-shoot ng movie niya sa San Francisco, USA, na ipu-produce ng TFC (The Filipino Channel).

Biro pa ng Kapamilya star, “Siguro naman sa loob ng three weeks makakahagip ako roon.

“Lalo na kung magandang lahi, aarte pa ba ako sa blue eyes," sabi niya dahil gusto pa rin raw nitong magka-anak "hangga’t ’di pa kumukuluntoy ang matris ko, ’no!"

Samantala, pagbalik niya ng Pilipinas pagkatapos mag-shoot ng movie ay magre-renew ng bagong kontrata sa ABS-CBN si Pokwang.

Two years daw ang napagkasunduan nila. Paano kung kunin siya ng ibang TV network?

Sagot niya, “Parang malabo na mapirata yung artista na... ramdam [mo] naman yung alaga.

“In fairness sa ABS-CBN, ramdam ko naman ang pag-aalaga nila sa akin, ma-emote lang akong tao.

“Minsan may emote lang ako pero mare-realize ko, ’Ay, okey, meron naman pala, sorry po, nagmamadali.’

“Minsan kasi may ganoong artista, e, nagmamadali.”

MOVIE PROJECTS. Hindi pa raw alam ni Pokwang kung ano ang kuwento ng movie na gagawin niya sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang alam lang daw niya ay 65 percent in English ito, "In-email na yung casting and everything, yung script na lang wala."

May gagawin din siyang pelikula kasama si Zanjoe Marudo para sa Skylight Films.

Masaya niyang salaysay, "Rom-com [romantic comedy] yun na uma-aksyon-aksyon bilang request ko yun.

“Sabi iti-text kami kung sino ang final na magdidirek.

"Ako naman, kahit sinong direktor, pero dream ko talaga si Inang Olive [Lamasan].

"Nakita ninyo naman ang success ng Starting Over Again.

“Niloko ko nga si Inang, ‘Inang, kahit passerby lang sa movie mo, okey na ako.’ Tawa siya nang tawa.

“Kasi nakatrabaho ko na sina Direk Chito [Roño], Joel [Lamangan], Direk Cathy [Molina] sa Singko saka Because of You.

“Yung unang-unang pelikula ko, si Direk Rory Quinto [Dubai], ’tapos halos lahat na.

"Si Direk Frasco [Mortiz] sa 24/7, sina Direk Wenn, Direk Deramas, at Tony Reyes.”

Dahil sa shedule ng mga projects nito, hindi na rin si Pokwang ang gaganap na ina ni John Lloyd Cruz sa bagong movie project ng aktor sa Star Cinema.

Pinalitan na ito ng character actress na si Sylvia Sanchez.

Paliwanag ni Pokwang, “Hindi siya pumuwede kasi aalis kami, may show kami abroad, e.

"Hindi magtagpo ang sked, sayang din yun, ‘no?

“Ganoon talaga kapag hindi para sa ’yo.”

INVESTMENTS. May plano si Pokwang na magpatayo ng bahay sa Camaya Coast [Bataan] at gawin itong museum na magpapaalala ng mga pelikula niya.

“So, lahat ng mga pelikula ko, posters ko, mga damit, sapatos, accessories, doon ko ilalagay.

“Yun ang target ko this year, mapapatayuan ko na siya para hindi na kami magbu-Boracay kapag summer.

“Yun [Camaya Coast] daw ang next Boracay, kasi maganda ang buhangin nito.

"Hindi kasing puti pero mapino… ang layo na ng nilakad mo, mababaw pa rin.

“Ang mahal-mahal magpunta sa Boracay, ito three hours by land.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero meron kasi silang sariling ferry boat kung tawagin, 45 minutes mula CCP [Cultural Center of the Philippines] sa Roxas Boulevard,” kuwento niya.

Nakabili rin daw ito ng lote sa Antipolo na may apat na pintong apartment.



PARENTING. Naka-isang taon na sa kolehiyo ang anak ni Pokwang na si Rie Mae.

“Tinanong ko siya, e, ‘Ano ba talaga ang gusto mo kasi, sige, gagawan ko ng paraan na makapag-aral ka.

"’Siguraduhin mo na gusto mo talaga, yung passion mo.

“’Ngayon, kung ’eto ay gagawin mo lang kiyeme-kiyeme mo, e, ikaw na ang mag-taping pang-umaga.’

“Nakita ko nag-e-enjoy siya, yun naman kasi ang number one sa pag-aaral ng bata, especially sa college.

“Ibig sabihin hindi masasayang yung tuition [fee].

"May three years pa siya after nito, kaya ko ‘yan.

"Hindi ako papayagan ng ABS-CBN na wala akong project!” natatawa niyang sabi.

DAUGHTER RIE’S DEBUT. Kinumpirmado naman na ang ilang detalye sa debut ni Rie Mae.

Ayon kay Pokwang, “Sa Megatent sa Libis ang venue, kasi yun lang ang available na venue on that date.”

Sino ang escort ni Rie Mae?

Lahad niya, “Alam mo naman na si Enrique Gil ang crush noon.

"Sana kung hindi busy si Enrique.

“Pero as much as possible, kung siguro merong artista na guest, ayoko ng ganoong kasikat.

"Kasi gabi ng anak ko yun, kailangan siya ang magsa-shine.

"Pero gusto rin niya, sabi niya sa akin, ‘Sana nandoon si Tita Vice [Ganda].’

"Kasi ano rin niya si Viceral, [kaya lang] nakakahiya naman kay Viceral, sobrang busy ng lola mo.

“Although, hindi ko pa nakakausap si Viceral, kung hindi sakali keri, yung mga VTR-VTR na lang, kiyeme-kiyeme, ganoon.

“Sabi ko nga sa kanya [Rie Mae], ‘Gusto mo ba na may artista?’

"Sabi niya, ‘Kung sino po yung pwede na alam ninyong naging parte ng pagdadalaga ko.’

“E, sino ba ang mga ‘yan? ‘Di ba sina Piolo [Pascual], John LLoyd, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ilang years ko na rin kasama ang mga ‘to na nasaksihan nila ang pagdadalaga ng anak ko.

"First menstruation niya, nasa U.S. kami with Piolo, kasama ko ang heartthrob.

“Sabi ni Piolo, ‘O, bakit? Parang ano ka, Marietta?’

"’Tapos naiyak ako. ‘Kasi nag-mens na ang anak ko,’ sabi ko sa kanya.

“Nung time na yun, parang 13 lang ata siya. May 14 exact birthday niya.”

Ayon kay Pokwang, ang pangalan ng dalaga niyang si Rie ay hango sa isang Japanese word na katumbas ng Ingles na salitang “goal.”

“Gusto niya Katy Perry, candy-candy.

"May mga kausap na rin ako na gagawa ng gown nya.

“Pero siyempre, hindi mawawala si Mother Bing Cristobal [designer ng mga costume sa ABS-CBN] bilang isa ‘yan sa mga gumagawa ng damit ko.

“Parang tatlong change ’ata si bagets sa debut niya.

"Basta kulay-happiness, rainbow, candy. Ang ganda nga nung stage ipinakita na sa ’kin,” excited na kuwento ni Pokwang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN