Coleen Garcia on real score with Billy Crawford: “Nanliligaw siya sa akin. No labels.”

by Nikko Tuazon
Mar 3, 2014
Coleen Garcia on status of her relationship with Billy Crawford: "I think it’s too early pa to tell... I learned from the past kasi na you really need to take your time and there’s no rush."

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang TV host-actress na si Coleen Garcia kung ano ang masasabi niya sa komento ng ilang Netizens na napaka-kontrobersiyal ng kanilang grupo sa It’s Showtime.


Ito ay dahil sa sunud-sunod na isyung kinakaharap ng mga host ng show, kabilang na siya.

Tugon ni Coleen, “I think it’s because everybody in It’s Showtime, based on my point of view, yung lahat ng kasama ko, everyone is so real.

“I think that’s the good part of our job, because we’re not acting and we’re not… kung ano yung nakikita ng mga tao, yun talaga kami.

“Siguro that’s why. We’re really open books.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coleen sa launch party ng Closeup Forever Summer music festival sa Republiq Superclub noong February 26.



NO LABELS. Inusisa rin ng PEP kay Coleen kung ano na nga ba ang namamagitan sa kanila ng co-host niya sa It's Showtime na si Billy Crawford.

Continue reading below ↓

Sa pagsisimula pa lang kasi ng 2014 ay inamin ni Billy na nililigawan na nga nito ang 21-year-old TV host-actress.

Read: Billy Crawford admits courting Coleen Garcia; insists, "We're not a couple yet.”

Hindi naman agad nakasagot si Coleen dahil aminado siyang nahihiya siya sa tuwing napag-uusapan ang bagay na ito.

Paliwanag niya, “Medyo inu-on the spot niya [Billy] lang ako kaya siguro ako nahihiya.”

Naiilang nga ba siyang pag-usapan ang kanilang relasyon?

Sagot ng Kapamilya star, “Hindi naman ako naiilang, nahihiya lang talaga ako.

"I talk about it. If you ask me a question, I answer it naman."

Ano na nga ba ang estado ng panliligaw ni Billy sa kanya?

Sagot ng It’s Showtime host, “Nanliligaw siya sa akin. No labels.”

Sa ngayon, hindi pa raw ibinibigay ni Coleen ang kanyang matamis na oo kay Billy dahil ayaw niyang madaliin ang kanilang relasyon.

“I think it’s too early pa to tell...

Continue reading below ↓

"I learned from the past kasi na you really need to take your time and there’s no rush."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coleen Garcia on status of her relationship with Billy Crawford: "I think it’s too early pa to tell... I learned from the past kasi na you really need to take your time and there’s no rush."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results