Sarah Geronimo still mum about rumored relationship with Matteo Guidicelli

Nananatiling tikom ang bibig ni Sarah Geronimo tuwing natatanong tungkol sa estado ng relasyon nila ni Matteo Gudicelli. Pakiusap niya pa, “Please po, hindi po ako handang sagutin ang mga ganyang tanong.”


Iwas pa ring magbigay ng pahayag si Sarah Geronimo tungkol sa estado ng relasyon nila ni Matteo Guidicelli.

Hindi pa man umaamin ang dalawa ay balitang break na diumano sila.

Ito ay dahil tutol daw ang mga magulang ni Sarah sa relasyon ng anak kay Matteo.

May balita pa ngang nagalit daw ang ama ni Sarah na si Delfin Geronimo dahil itinakas daw ni Matteo ang singer-actress para mag-date. Pero balita ring may pahintulot naman daw ito ni Mommy Divine.

Ngunit sa kabila ng break-up rumor, nandiyang may nag-tweet na nakita raw sina Sarah at Matteo na magkasamang um-attend ng service ng Victory Christian Fellowship sa The Fort.

Nang tanungin ng Buzz Ng Bayan si Sarah tungkol sa mga balitang ito ay tumanggi siyang magbigay ng pahayag.

Nakangiti niyang pakiusap, “Ay, puwede po bang huwag natin siyang pag-usapan, okay lang?”

Pero bakit nananahimik siya pagdating sa aspetong ito ng kanyang buhay?

Sagot ni Sarah, “Siyempre po, personal po na buhay namin yun.

“Yun lang po, sana po naiintindihan ng mga tao.”

Sa kabila nito, sinubukan pa ring tanungin si Sarah sa isyung depressed daw siya ngayon at nagrerebelde.

Saad niya tungkol dito, “Siyempre, lahat naman may say, sa amin—sa aming mga artista, public figure.

“Siyempre, wala kaming control sa kung ano ang gusto nilang sabihin.”

Totoo bang galit si Daddy Delfin kay Matteo?

Iwas pa rin ni Sarah, “Please po, hindi po ako handang sagutin ang mga ganyang tanong.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN