PEP EXCLUSIVE. Roxanne Cabañero camp remains confident about rape complaint against Vhong Navarro: “We have a case! We will not file a baseless case.”

Ayon kay Atty. Virgillo Batalla (left) kahit na paiba-iba ng sinasabi ang kanyang kliyenteng si Roxanne Cabañero (right) tungkol sa lugar kung saan diumano ito ginahasa ni Vhong Navarro, malakas pa rin ang kanilang reklamo dahil may mga kahalintulad na desisyon na raw ang Korte Suprema na nagsasabing nahihirapang alalahanin ng isang biktima ng panghahalay ang petsa at lugar ng pangyayari.


Pinaninindigan ng kampo ni Roxanne Cabañero na nasa Millenia Suites ito noong April 24, 2010.

Si Roxanne ang ikalawang babae na naghain ng reklamong rape laban sa actor-TV host na si Vhong Navarro.

Diin ng abugado ni Roxanne na si Atty. Virgillo Batalla, “Hindi, in-admit na ’yan ng Millenia Suites na meron.”

Taliwas ito sa pahayag ng pamunuan ng Slimmers World International, ang organizer ng Miss Bikini Philippines, kung saan sumali si Rozxanne, sa ipinadala nitong statement sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado, March 1.

Bahagi sa nakasaad sa kanilang pahayag:

“Miss Bikini Philippines was not billeted in Astoria Plaza on 24 April 2010 and was nowhere near the perimeters of the said area nor was in Pasig City on such date.”

Read: Slimmers World says Miss Bikini Philippines, where Roxanne Cabañero was a candidate, was not in Pasig area on April 24, 2010

Nauna na rito, nagpahayag na rin si Atty. Batalla kung bakit nagkaroon ng kalituhan ang kanyang kliyente tungkol sa pangalan ng hotel na kanilang tinuluyan.

Read: Roxanne Cabañero camp denies saying Vhong Navarro raped aspiring beauty queen on April 24, 2010; explains mix-up over name of hotel

Eksklusibong nakausap ng PEP si Atty. Batalla sa pamamagitan ng telepono, kaninang hapon, March 3.



FACING POSSIBLE PERJURY AND LIBEL COMPLAINTS. Kahapon, March 2, nag-update naman sa kanyang Facebook account ang veteran columnist na si Tony Calvento.

Ayon dito, pinag-iisipan daw ng kampo ni Vhong na maghain ng reklamong libel at perjury laban kay Roxanne.

Gaya ng plano ring paghahain ng kampo ni Vhong ng reklamong libel at perjury laban kina Deniece Cornejo at Cedric Lee.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vhong Navarro’s camp to file perjury and libel charges against Deniece Cornejo, Cedric Lee

Isa si Calvento sa masugid na sumusubaybay sa kasong ito.

Narito ang kabuuang Facebook status ni Calvento:

“I FEEL SORRY for you Roxanne Cabanero. Sincerely I do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like I said, how many times have you been raped in your lifetime?

"Not everyday that you would forget the date, make a mistake at the place and time.

"If any of you had a ’Horrific’ experience wouldn’t you remember and not resort to a multiple choice of date.

"You just can’t get away accusing people, maligning their names and their family and expect to get away unscathed.

"PERJURY carries a high punishment of ’Reclusion Temporal’ six years and Libel as of our last meeting with Alma Mallonga they are going for a TEN MILLION SUIT against you.

“i just hope the people who convinced you to come out and say those things will pay for all of these.

"For every accusation of Rape and you allegedly Libeled Vhong, that’s counted as one count.

“Quo Vadis Roxanne Cabanero?

“I am certain your ’good lawyer’ Atty Virgilio Batalla can get you out of this mess.”

Tinanong ng PEP si Atty. Batalla tungkol sa reaksiyon niya rito.

Sagot ng abugado ni Roxanne, “Karapatan nilang mag-file ng libel, ng perjury, karapatan nila, ‘di ba?

“Nakikita mo ba yung grand design?

"Noong una, they resorted to misleading the public, that the rape happened [on April 24], but it’s not on 24.

“Second, they discredit the reputation of my client, but it turned out to be… there is certain elements of the crime of rape.

"Kahit nga pokpok, kahit na prostitute, kahit addict, puwedeng magsampa ng kaso ng rape.

“Yung kay Tyson nga, ‘di ba, nakulong si Mike Tyson, ni-rape niya yung prostitute sa Amerika.”

Dagdag niya, “All this time, they’re resorting to threatening my client, which is in violation of a code of a lawyer.

"Hindi pa tapos yung kaso, tini-threaten nila yung client ko. Dapat… mali yun."



NOT ON APRIL 24… WHEN? Sa kumalat na kopya ng affidavit ni Roxanne, nakasaad dito na "April 24, 2010" sila nagkakilala ni Vhong Navarro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpalitan daw sila ng mensahe sa text kinahapunan.

Nagkasundo raw silang magkita kinagabihan para mag-kape.

Dito na raw nangyari ang panghahalay ng aktor sa beauty-pageant contestant.

Read: Roxanne Cabañero stands by rape allegation against Vhong Navarro despite claims that he was in Cavite on "April 24, 2010"

Sa mga naglabasang video sa YouTube, lumalabas na noong April 24, 2010, ay kasama ni Vice Ganda sa isang concert nito sa Island Cove, Cavite, si Vhong.

Madaling-araw na raw ng April 25, 2010 natapos ang concert.

Kaya naman bilang suporta sa kaibigan, naghain na rin ng kanyang testimonya si Vice noong Miyerkules, February 26, sa Pasig Regional Trial Court.

Read: Vice Ganda submits sworn statement in Vhong Navarro-Roxanne Cabañero rape complaint

Inusisa ng PEP kay Atty. Batalla ang tungkol sa petsang “April 24, 2010,” na diumano’y nakalagay sa affidavit ni Roxanne na siyang petsa kung kailan siya ginahasa ni Vhong.

Pero pagtanggi ng abugado, “Ikaw na rin ang nagsabi na parang…”

Paglilinaw ng PEP, “Kasi, Sir, ang nakalagay, ’in the afternoon of’?”

Mariing tanggi naman ni Atty. Batalla, “No, no, no, no, no, no.

“We did no mention April 24. It’s very clear.

"You know… I know you have a copy of the affidavit, it’s already in the media, it’s already in social media.

"Ipabasa mo sa lawyer mo."

Kung hindi April 24, 2010, natukoy na ba ng kliyente niya kung anong petsa siya hinalay ni Vhong?

Sagot ni Atty. Batalla, “Oo, ‘di natukoy.

"Ang ibig sabihin nito, marami tayong desisyon ng Korte Suprema na ang taong na-rape ay nagkakaroon ng problema sa pag-iisip how to recall the time, the specific time of the rape.”



PROBINSIYANA. Tinanong muli ng PEP si Atty. Batalla kung bakit hindi matandaan ni Roxanne ang panglan ng hotel na kanilang tinuluyan noong 2010.

Nauna na niyang paliwanag noon, “Nagkamali yung kliyente ko dahil yung Astoria Hotel at Millenium [Millenia] Hotel, parehong-pareho ang hitsura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka probinsiyana ang kliyente ko noong 2010.”

Dahil dito, marami ang bumatikos sa binitawang salita ni Atty. Batalla tungkol sa pagiging "probinsiyana" ng kanyang kliyente. Ano ang masasabi niya rito?

Pagdidiin niya, “Oo, probinsiyana siya.

"She’s only 20 years old that time, and it’s her second trip to Manila.

“Hindi niya nga alam ang pangalan ng street, hindi niya alam ang pangalan ng mga hotel.

"Kaya hindi niya ano… probinsiyana ito."

Dumarami na ang bashers ni Roxanne. Kumusta ngayon ang kanyang kliyente?

Sagot ni Atty. Batalla, “Kung may ipinaglalaban ka... yung criminal, nagtatago sa mukha ng popular, sa mukha ng mabait, ganyan naman ’yan, e.

“Nasa Bibliya naman din ’yan, ’di ba?

"Yung criminal, hindi naman alam kung sino...

"Kung yung magulang nga nari-rape yung anak, e, ‘di ba? Magulang pa yun.”

Dagdag niya, “Well, she’s very much depressed about the social media results.

"But from the very start, before I handle the case, I asked her if she’s determined to push the case.

“And I explained the consequences at sinabi niya naman na she has no more choice and chance kundi ngayon."



THE CEDRIC LEE CONNECTION. Pinabulaanan na ni Roxanne na may kinalaman si Cedric Lee sa kanyang pagsulpot.

Maging si Atty. Batalla ay itinanggi ring pakawala diumano sila ng negosyante, na isa sa mga nambubgbog kay Vhong noong January 22, 2014.

Aniya, “E, nababasa natin si Cedric Lee, naririnig natin si Cedric Lee, ‘di ba?”

Pero hindi sila konektado o magkakakilala noon pa man?

Sagot niya, “What do you mean connected? A, hindi, hindi...

“Alam mo, alam mo lahat naman ng bagay ay dumadaan sa pagsubok ng tao.

“Lahat ng mga tanong… lahat may mga isip, na entitled ang lahat ng tao sa ganyan.

"But as far as our case is concerned, magkakilala man ’yan si Cedric o hindi, kung ano man ang dahilan diyan sa kanila, yung kasong rape lang ang pinakikialaman ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Immaterial and irrelevant ‘yan. Lahat ng bagay na ‘yan.

"As long as my client can recount on how she was raped, yun ang importante sa korte.”

Immaterial din daw sa kaso ang mga nagsilabasang nude photos ni Roxanne.

“Those are immaterial and irrelevant.

“I’ve told you a while ago, even prostitutes can claim that she was raped.

"Immaterial ‘yan, ‘yang mga ‘yan," diin ng abugado.

Kampante raw si Atty. Batalla sa kanilang ipinaglalaban.

Aniya, “We have a case! We have a case!

“We will not file a baseless case, na it’s really on our oath.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN