Liza Diño on relationship with Aiza Seguerra: "I just know that I love Aiza beyond her gender, beyond sexual preference."

Aiza Seguerra was beside herself with joy during her concert Journey of Love when girlfriend Liza Diño surprised her with a song: "Tuwang-tuwa ako... grabe! I knew how uncomfortable she was.”


Sinorpresa ni Liza Diño ang girlfriend niyang si Aiza Seguerra sa post-Valentine concert ng huli, ang Journey of Love, sa Resorts World Manila, noong Sabado ng gabi, March 1.

Kumanta si Liza para kay Aiza.

Hindi raw talaga akalain ni Aiza na gagawin ni Liza iyon dahil takot na takot daw itong kumanta kahit sa videoke.

Sabi ng acoustic singer sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I knew how uncomfortable she was.

“Talagang namatay ako sa gulat nung nakita ko, grabe! Tuwang-tuwa ako!”

Natatawang kuwento naman ni Liza, “Wala talaga siyang idea, sobrang nagulat talaga siya.”

Muntik pa nga raw hindi nakarating si Liza sa concert ni Aiza.

Sabi ng actress-beauty queen, “I came from my master class kanina, so I almost didn’t make it…

"Dumating ako siguro mga two minutes she was on stage."

Nakapanayam ng PEP sina Aiza at Liza pagkatapos ng concert.



BUDDIES TOM & AIZA. Lumabas si Liza sa bahagi ng concert pagkatapos kumanta ni Aiza at ng guest nitong si Tom Rodriguez.

Kuwento ni Aiza, si Tom ang isa sa mga malalapit niyang kaibigan na nakasaksi sa pagmamahalan nila ni Liza.

Magkasama sila noon ni Tom sa ABS-CBN daily soap na Be Careful With My Heart, kung saan gumanap pa silang lovers.

Noon pa man daw ay ikinukuwento na ni Aiza sa Kapuso heartthrob ang tungkol sa kanila ni Liza.

Saad ni Tom, “Nakuwentuhan namin yun mula sa chance na nakita sa Twitter, nagkontakan, hanggang sa nabuo din, parang andun ako lagi.

“Saka nakita ko rin yung dedication ni Liza kay Aiza, yung pagmamahal niya, I saw it from the start.

“Nasabi ko sa kanya [Aiza], ’Mahal ka nung tao, mahal na mahal ka.’”

Hanggang sa proposal nga ay nandun din si Tom kaya sabi nga niya, dapat na maging bahagi siya sa kasal ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag wala ako dun… ewan ko lang, kahit saan pa ’yan!” natatawang sabi ni Tom.

Pagkatapos ng concert ay sinabi naman ni Aiza na hindi puwedeng mawala ang aktor sa kasal nila ni Liza dahil isa si Tom sa groomsmen.

WEDDING DATE. Dito na nga inanunsiyo nina Aiza at Liza na early next year, January or February, gaganapin ang kasal nila.

Pero hindi pa raw nila napagkasunduan kung sa New York o Los Angeles nila gagawin ang kasal.

Bagamat sa Amerika sila ikakasal—dahil dun legal ang same-sex marriage—magkakaroon din daw ng simpleng seremonya dito sa Pilipinas, para sa ibang kamag-anak at malalapit nilang kaibigan.

Sabi ni Aiza, “Wala pa talagang date, siyempre gusto namin ma-prepare namin nang mas maayos.

“Siyempre, ngayon lang ako ikakasal, so bihira lang mangyari sa buhay ko, kaya gusto ko sobrang wasak!”



FAMILY AFFAIR. Labis-labis din ang kasiyahan nina Aiza at Liza dahil nandiyan ang suporta ng buong pamilya.

Nanood din ng concert ni Aiza ang ina ni Liza, pero umiwas itong magpa-interview.

Nandun din ang buong pamilya ni Aiza na walang tutol sa relasyon ng anak kay Liza.

Sabi ni Mommy Caring Seguerra, "Masaya ako sa kanila kasi nakita ko kung gaano sila magmahalan dalawa.

"Saka siyempre, iba ang nanay, nararamdaman yun, e.”

Naikuwento rin ni Mommy Caring na una niyang nakita si Liza nang na-confine sa hospital ang kanyang anak.

Nakita raw niyang nakabantay si Liza kay Aiza, kaya parang nagdududa na raw siyang may namamagitan sa dalawa.

Kuwento pa ni Mommy Caring, “Hindi ko pa alam na sila na yun, pero ipinakilala na niya [Aiza], ‘Mommy, girlfriend ko.’

"Siya kasi ang kadalasan na nagbabantay sa hospital, so parang iba na nun ang pakiramdam ko.

“Masaya ako dahil nakita na ni Aiza yung katuwang niya sa buhay.”

Pagdating sa kasal nina Aiza at Liza, hindi pa raw alam ni Mommy Caring kung ano ang gusto ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Susundin lang daw niya kung ano ang gusto nito.

"Alam mo, lagi ‘yan surprise, kaya masayang-masaya ako talaga,” dagdag pa ng ina ni Aiza.



PARENT TO LIZA’S KID. Ang isa pang tanggap ang relasyon ng dalawa ay ang limang-taong anak na babae ni Liza sa una niyang asawa.

Nandun din sa concert ang anak ni Liza at nakikitang close ito kay Aiza.

Parang ama na rin daw ang pagkakilala ng bata kay Aiza, na tinatawag niyang "Bubba."

Sa Amerika naka-base ang ama ng bata at dumalaw pa raw ito nung nakaraang Pasko.

Saad ni Liza tungkol sa kanyang anak, “We always tell her that she will always have her dad.

"We have one daddy, but we can have a lot of parents in our lives, who will protect us and provide for us.

“She feels so loved, I think yun ang pinakaimportante sa ganitong sitwasyon.

"As long as she feels loved by not just me, but her dad and Aiza, and everybody around.

"Talagang she’s growing up to be a very happy kid.”

Isa raw yun sa ikinatuwa ni Aiza dahil nandiyan ang pagtanggap at pagkilala sa kanya na parang ama na rin ng anak ni Liza.

Saad ng dating child wonder, “I’m happy that we have a very good relationship.

"Yun nga, e, at the end of the day, makikita mo na it’s all about the kid.

"How you gonna make it a very good environment for her."

Dagdag niya “Kumbaga, despite of everything, the circus is going around us, we try to make it a normal childhood pa rin for her.

"Ako, both Liza and her dad, talagang we are working hard to give her that normal situation."

ALL’S WELL. Wala na ngang mahihiling pa sina Aiza at Liza dahil nakikita raw nila ang suporta ng lahat, pati ang followers ng kilalang acoustic singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Aiza, “I cannot say lahat. Pero tanggap ng mga taong malapit at importante sa amin.

“I cannot expect acceptance from everyone, of course we all know why.

"But the most important thing is that my parents, her parents, our family, our friends, accept us and love us, and rooting for this relationship."

Sabi naman ni Liza, “To feel the love from everybody around us and to have everybody root for this relationship, talagang malaking bagay talaga para sa amin ni Aiza.

"It’s our inspiration every day.”

IS SHE LESBIAN? Kinuha na rin ng PEP ang pagkakataong itanong kay Liza kung ano talaga ang sexual preference niya dahil sa napaka-open na relasyon niya kay Aiza, kahit nagkaasawa naman siya ng lalaki at nagkaroon pa ng anak.

Sagot ni Liza, "I just know that I love Aiza beyond her gender, beyond sexual preference."

Itinuloy na rin namin ang tanong kung sino sa kanila ni Aiza ang tumatayong husband o wife.

Sabi ng dating beauty queen, “I honestly have not changed my role in the family or as a woman.

"Kung ano man yung role na pini-play ko before bilang babae, bilang ina, I’m doing the same thing.

"It’s just that I’m loving Aiza.

"And sa amin ni Aiza rin, it’s a great thing that I don’t have to assume a different role.

"Ako pa rin yung girl, siya pa rin yung… you know.

"And Aiza has been very much comfortable with her sexuality."

Pahayag pa ng dating beauty queen: “Am I lesbian?

"If the definition of being a lesbian is because I’m being with a woman, okay lang sa akin.

"As long as I’m comfortable with myself, about who I am, and I know I love Aiza, that’s it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN