Richard Gomez denies getting ABS-CBN execs upset about his TV5 show with Sharon Cuneta

Nagtampo nga ba ang ABS-CBN executives nang tanggapin ni Richard Gomez ang TV5 show niya kasama si Sharon Cuneta?

"Hindi," tanggi ni Richard. "Sinabihan ko naman si Tita Cory [Vidanes], e. Tinanong niya, ’Talaga?’ ’Oo, ’ sabi ko. Okey naman."


Aktibong muli ang aktor na si Richard Gomez sa larangan ng sports.

Matatandaang naging member ng national team sa rowing si Goma nung 1990s.

Sumali rin siya sa national team ng fencing at lumaban sa 1995 Southeast Asian Games (SEAG) sa Brunei, kunsaan nag-uwi siya ng bronze medal at dalawang silver medals naman mula 1997 SEAG sa Jakarta, Indonesia.

Muli siyang nakapag-uwi ng silver medal sa 2001 SEAG sa Malaysia, gold sa 2003 games sa Vietnam, at isa pang gintong medalya nung 2005 nang gawin ang SEAG sa Pilipinas.

Habang kasali at nagmedalya na sa fencing, pumuwesto rin sa 4 th place si Goma sa shotgun shooting event ng 2005 SEAG.

Read: SPIN.ph: Juico believes Richard Gomez will be an asset to national volleyball team

Ngayong 2014, sa sports na volleyball naman involved si Richard.

“Actually, binalikan ko lang yun. Kasi yun talaga ang sports ko nung high school at nung college, hindi basketball,” simula ni Richard nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng 6200 Mission Possible project ng misis niyang si Leyte 4 th District Representative Lucy Torres-Gomez.

Ginanap ang launching sa Ayala Fairview Terraces mall Activity Center nung Linggo, March 2.

Sa Pilipinas, mas popular sa mga kababaihan ang larong volleyball.

Kung may lalaki man na naglalaro ng sport na ito ay pinagdududahan naman ang gender.

Kaya marami ang nagulat na volleyball ang nilalaro ngayon ni Richard.

“Nung una yun, pero [ngayon] hindi," depensa ni Richard.

“Masarap kasing sport ang volleyball, e. Maganda yung… Team sport yun, e.

“Although, marami ring bading ang naglalaro, pero pagdating sa national team level, mga lalaki."

Nag-tryout si Richard sa national team ng volleyball.

As of this writing, hinihintay ni Richard ang mapipiling official members ng Philippine volleyball team.

"Oo, malalaman ko pa lang this coming week yung final cut namin.

“Nag-try out kami. Marami ngang nag-tryout, e. Mga over a hundred. Pero na-trim down na kami to 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So most likely, yung 18 na yun kasama na. Pero yung final cut ng 12, hopefully, makasama ako. "

Paano ang taping niya ng bago niyang show with the Megastar Sharon Cuneta sa TV5?

"Oo… E, ano yun, talagang pakikiusapan ko sila. In-between, I have to go out and train muna bago ano pa man.

"This is actually… Well, in fact, kahit noong bata pa ako, nagka-carting pa ako noon, ’di ba? Yung national team na sinalihan ko rowing, fencing, shotgun shooting.

“So, kung mapasok ako rito [volleyball], this will be my fourth national team."

Sa tingin niya, ano ang chance ng Philippine volleyball team sa international competitions?

"Ano yun, malakas na ano yun, competition kasi international yun, e.

“Iran ang champion last time. Alam mo ang mga Iraninans, six [foot]seven [inches] ang height. Malakas talaga sila.

“In fact, kung makapasok tayo kahit quarter-finals man lang, malaking bagay na yun.

“At matagal na tayong walang national team sa volleyball. Kaya natutuwa ako na naka-form ng bagong national team yung Philippine Volleyball Association,” saad pa ni Richard.

WHY HE’S INTO SPORTS AGAIN. Bakit muling bumalik ang passion niya sa sports?

"Ayoko ng wala akong ginagawa, e,” dahilan niya.

“’Di ba, dapat may gagawin ako na movie sa ABS-CBN, yung Gretchen [Barretto] at saka ako? ‘Tapos yung TV show na ako at saka si Dawn [Zulueta]?

“E, nag-[brain]storm sila nang husto, I cannot wait na wala akong ginagawa. So, nag-training ako."

Kailan naman sila magsisimulang mag-taping ni Sharon?

"Yung taping namin ni Sharon, naka-schedule ’yan next week.

“Ang pilot siguro mga two, three days yun. Ah, we’re doing it for 13 weeks.

"E, papa’no kasi yung sa ABS, na-stall yung movie project namin ni Gretchen,’di ba?

“Ah, marami pa silang inaayos sa script. ‘Tapos yung sa amin ni Dawn na TV project na-scrap din yun. So, I have to do something else. I have to do something productive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman ako pwedeng maghintay lang sa bahay."

WORKING WITH LLOYDIE AGAIN. Ano ang pakiramdam na makakatrabaho niya si John Lloyd Cruz for the first time sa isang dramatic movie?

"Exciting! Kasi kami ni John Lloyd dati kasama ko sa Palibahasa Lalaki. Bata pa kami noon. Bata-bata pa tayo noon, ha-ha-ha!

"Nakakatuwa, ’di ba na magkakasama pa rin kami? At aktingan ’to kaya masaya.

"Nire-refine lang nila yung script. ‘Tapos, ’di ba naaksidente si John Lloyd? So, nagpapagaling siya ng konti.

“Si Gretchen naman ang ginawa niya, nagbakasyon for a while sa London. Pero babalik din siya. Pagbalik niya, tuluy-tuloy na ang shoot ng movie namin."

SCRAPPED PROJECTS? Totoo bang nagtampo ang executives ng ABS-CBN sa pakikipagbalik-tambalan niya kay Sharon sa TV5?

"Hindi," tanggi ni Richard.

"Sinabihan ko naman si Tita Cory [Vidanes], e. Tinanong niya, ’Talaga?’ ’Oo, ’ sabi ko. Okey naman."

Pero totoo bang hindi na tuloy ang teleserye nila ni Dawn sa Kapamilya network.

"Hindi, e,” kumpirma ni Goma.

"Naunang nawala yung teleserye, e. Kaya nga sabi ko sa kanila, since wala pa tayong gagawin na teleserye, naka-stall pa yung movie namin ni Gretchen, sabi ko, anyways, 13 weeks lang naman ’to, e."

Matatandaan na nabalita rin noon na may movie offer sa kanila ni Sharon to a do a film for Star Cinema.

Pero hanggang ngayon, walang linaw kung matutuloy pa ang balik-tambalan sana nila ni Sharon sa pelikula.

Posible kaya na nakaapekto ang show nila ni Sharon sa TV5 sa movie na gagawin nila dapat?

"Dapat, pero wala pa, e. So, I think mas maganda mag-reunion kung sa TV muna.

“Maganda kasi… Ah, at least for a change na comedy naman ang gagawin namin. Something light, something different,” sabi pa ni Richard na ang tinutukoy ay ang upcoming TV5 comedy show na My Pirated Family.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN