Mikael Daez London-bound but not to see rumored girlfriend Megan Young

Papuntang London si Mikael Daez, ngunit hindi raw sila magkikita ng rumored girlfried niyang si Megan Young. “No. She’s not gonna be there. And… Well, I don’t base my travel on hers. Kasi she’s working,” ani Mikael.


Kahapon, Lunes, March 3, ang last taping day ni Mikael Daez para sa patapos nang fantasy series ng GMA-7 na Adarna. Isa siya sa leading man ng bida rito na si Kylie Padilla.

“All good things come to an end. Masaya naman ako sa nangyayari sa teleserye namin,” aniya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang mag-guest siya sa Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, March 2.

“Masaya ang nabuong mga friendships. And of course, happy naman ako.

“I learned a lot bilang aktor. Sana sa susunod na project may maidala pa akong bago sa mga natutunan ko dito sa Adarna.”

Ngayong Biyernes na, March 7, ang final episode ng Adarna. Ano ang susunod niyang project?

“Wala pa akong naririnig. And hindi ko muna pinag-iisipan ang tungkol diyan.

“Habang naghihintay ako ng magiging next project ko sa GMA, tuloy lang ako sa segment ko sa Saksi na ‘Midnight Express.’ ‘Tapos babalik na rin ulit ako sa pagti-taping ng Bubble Gang.

“I miss those guys also. I also had so much fun with Bubble Gang.

“And yung ‘Midninght Express,’ tuluy-tuloy lang naman yun. Hindi naman iyon tumitigil from Mondays to Thursdays.”

Panay ang kain niya ng mga food na ipini-feature sa nasabing segment ng Saksi. Buti hindi siya tumataba?

“Wala na. Hindi na mangyayari ‘yon!” sabay tawa ni Mikael.

Ano ba ang sikreto na napapanatili niyang fit ang kanyang pangangatawan?

“Prayers at saka juice. Nagdyi-gym din naman ako, kahit papa’no.”

HOW’S MEGAN? Kumusta naman sila ng rumored girlfriend niya at reigning Miss World na si Megan Young? Gaano kadalas silang mag-communicate?

“Every second of the day. Naks!” tawa ulit ng actor-TV host.

“I see her a couple of times. I talk to her a couple of times in a week.”

Pakiramdam ba niya ay malaking sakripisyo ang kinakaharap niya ngayong magkalayo sila ni Megan dahil Miss World duties nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No!” napahalakhak na sagot ni Mikael.

“No, no. I’m working. She’s working. Nothing much has changed.

“Right now, we’re okay. We keep in touch.”

Kumusta na nga pala si Megan?

“She just came back from Russia. Yun lang ang nabanggit niya sa akin.”

Kailan kaya bibisita ulit sa Pilipinas ang actress-beauty queen?

“I’m not sure. Hindi ko alam. I actually really don’t know!” tawa ulit niya.

DATING OTHER GIRLS. Dahil malayo si Megan at ilang buwan pa ang itatagal ng reign nito bilang Miss World, hindi ba siya nai-engganyo na makipag-date sa ibang babae?

“Hindi talaga ako dating type, e. Usually, I go out with a group of friends.

“And… Ako kasi, kumbaga whatever is there, is there.”

Focused daw siya sa trabaho ngayon. And he’s looking forward to having more projects na pagkakaabalahan.

“We’ll see. I think there are a lot of auditions going on this summer. So hopefully I get to bag a movie. Hopefully, ‘di ba? Fingers crossed.

LONDON-BOUND. “Work hard. Do your best.”

Saan nga pala siya pupunta ngayong summer?

“I’m travelling again to London this coming Thursday [March 6].”

Bibisitahin ba niya si Megan?

“No. She’s not gonna be there. And…

“Well, I don’t base my travel on hers. Kasi she’s working.

“I’m going to London for a courtesy call for Oxfam, a non-profit organization. It’s basically a foundation and I’m an ambassador of it here in the Philippines.

“So may courtesy call ako kasi nando’n ang head office nila.

“I’m trying to be more active para dito, ngayong matatapos na ang Adarna,” panghuling nasabi ni Mikael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN