German Moreno denies live-in rumor about Jake Vargas and Bea Binene

German Moreno on Jake Vargas and Bea Binene: “Kailangan pangalagaan nina Bea at Jake ang kanilang tambalan, dahil dito sa GMA-7 ay wala nang magkaka-loveteam ngayon, sila na lang dalawa. Kaya ipinagdarasal ko rin naman na maging matatag pa sina Bea at Jake. Career muna, at huwag yung magmadali na mapasubo sila sa isa’t isa para mapadali ang kasal-kasal na ganyan.”


Muli na namang lumabas ang intrigang diumano’y nagli-live in na ang Kapuso young stars na sina Bea Binene at Jake Vargas.

Si German Moreno ang talent manager at tatay-tatayan ni Jake, kaya naman siya ang isa sa mga unang malapit na taong nakakaalam ng tunay na pangyayari sa pagitan ng dalawa.

Hindi na rin nagtataka ang Master Showman kung bakit patuloy na may intriga tungkol kina Jake at Bea.

“Walang katotohanan na nagli-live in na silang dalawa” wika ni Kuya Germs nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa canteen, malapit sa studio ng Sunday All Stars, ng GMA Network, noong Linggo, March 2.

Patuloy niya, “Paano naman kasing hindi maiintriga na baka nagli-live in na silang dalawa?

“Hinahayaan na lang namin ng mommy ni Bea, na okey naman ang kanilang relasyon.

“Kung makikita niyo silang dalawa, halos hindi na nagkakahiwalay.

“Pero dahil nariyan na nga ‘yan at magkarelasyon sila, na iniiwasan naman nilang hindi maapektuhan ang kanilang mga trabaho, ay sino naman kami para hadlangan sila sa kanilang relasyon?

“Kaya okey lang ‘yon.

“Nag-aalaala siyempre ang mommy ni Bea sa naglalabasan tungkol sa live-in, live-in na ‘yan.

“Sabi ko, huwag siyang mag-alala. Mag-alala siya kung makita niyang buntis na si Bea.”

Kinukompronta ba niya sina Jake at Bea kapag may lumalabas na ganung isyu?

“A, hindi na,” tanggi ni Kuya Germs.

“Kaya naman kasi nilang dalhin ang sitwasyon.

“Pinapatunayan naman nila iyon, kaya ibinibigay ko na rin siyempre ang aking pagtitiwala sa kanilang dalawa.”

HANDLING THE ISSUE. Naaapektuhan ba si Jake ng mga naglalabasang intriga tungkol sa kanya?

Sabi ng veteran TV host, “Bilib na ako kay Jake, dahil kung may mga intrigang ibinabato sa kanya ay nakakaya na niya.

“Masayahin naman kasi siyang tao.

“Hindi kasi palaaway na tao si Jake. Marunong siyang magpasensiya.

“Pinapalampas na lang niya kung anuman ang mga pangda-down na ginagawa sa kanya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag nada-down si Jake, sinasabi ko sa kanya na huwag na siyang lumayo ng halimbawa, dahil narito ako.

“Marami nang intriga ang dinaanan ko, pero heto pa rin ako at dito na nagkaedad.”

Takot ba sa kanya si Bea?

“Oo naman,” diretsong sagot ni Kuya Germs.

“Kasi, menor de edad pa si Bea. Yung takot niya sa akin, siyempre may kasamang respeto.

“Respeto, na alam naman niyang bilang talent manager ni Jake ay wala naman akong masamang hangad para sa kanilang dalawa.

“Alam na ni Bea ang punto ko para sa kanila ni Jake.

"Alam na ni Bea, at ginagawa rin naman nilang dalawa ni Jake, na pangalagaan ang kanilang loveteam, ‘tulad ng loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ABS-CBN."

Sabi pa ni Kuya Germs, “Kailangan pangalagaan nina Bea at Jake ang kanilang tambalan, dahil dito sa GMA-7 ay wala nang magkaka-loveteam ngayon, sila na lang dalawa.

“Kaya ipinagdarasal ko rin naman na maging matatag pa sina Bea at Jake.

“Career muna, at huwag yung magmadali na mapasubo sila sa isa’t isa para mapadali ang kasal-kasal na ganyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN