Benjamin Alves shuns dating because, “I’m the type who really waits for someone… The right one.”

Mas gusto raw ni Benjamin Alves ang nasa isang relasyon na, kesa ang pagdi-date. Hinihintay nga raw niya ang “the right one” para sa kanya. “And when you wait for the right one, it takes time. It takes a lot of prayers. So when your vision is that of a long-term relationship, kaya mong maghintay,” saad ni Benjamin.


Hindi raw mapigilan ni Benjamin Alves ang nararamdamang lungkot sa nalalapit na pagtatapos ng Adarna sa darating na Biyernes, March 7.

Isa si Benjamin sa leading men ng bidang si Kylie Padilla sa nabanggit na GMA-7 fantasy series.

“It’s always sad to end a show,” aniya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, March 2.

“Mami-miss ko yung mga co-stars ko at ang buong production team ng show. At iyon ang nakaka-sad.

“I’m really sad about leaving the whole cast. Pero sa isang banda, happy rin na maganda yung ending ng Adarna.”

Ginagampanan ni Benjamin ang role ni Bok, isang medyo bad boy na character na kalaunan ay na-reveal na isang taong-ibon pala na nagngangalang Avalon.

“I don’t know yet kung ano ang sunod na project ko. Pero I wish na yung next na role na ibibigay sa akin is something like Bok pa rin.

“Kung ano yung tipo ng character ni Bok, gusto kong palakihin. Yung… Mas ma-explore ko pa yung gano’ng klase ng role.

“And habang naghihintay ako ng next project ko sa GMA, I’m training for duathlon… run and bike. And I’m gonna get into swimming also.

“So… I have things to keep myself busy. Sana magkatrabaho right away.

“Pero if not, it’s okay!” sabay ngiti ni Benjamin.

Malapit na ang summer. Ano ang plano niya?

“Just stay here. And train,” sagot ng aktor.

Hindi niya iniisip na magbakasyon muna sa Hawaii kung saan naka-base ang kanyang pamilya?

“I plan to. Siguro baka this Holy Week.”

Nangiti siya nang mausisa sa kasalukuyang estado ng kanyang lovelife.

“Wala nga po, e.”

JANINE TUGONON. Tuluyang naudlot na ba ang napapabalita dati na pagkakamabutihan nila ni Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon?

“Okey naman kami. We’re still friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s still in the States. But I heard she’ll be coming back for Bb. Pilipinas.”

Regular pa rin ang communication nila?

“Not regular. Because she’s busy and I’m busy as well.

“Pero you know, whenever we get the chance… Okey naman. We’re okay as friends.”

Hindi naman daw kakulangan sa buhay niya kung wala siyang lovelife sa ngayon.

“That’s okay. It’s not a bad thing, you know.”

NO DATING. Kahit pakikipag-date ay wala rin daw sa isip niya.

“It’s ano, e… I’m not the type to… Although it’s nice to date.

“I’m the type who really waits for someone… The right one.

“And when you wait for the right one, it takes time. It takes a lot of prayers.

“So when your vision is that of a long term relationship, kaya mong maghintay.”

Hindi kaya na-hurt siya nang husto sa last relationship niya kaya gano’n?

“No, no, not at all. I think every relationship I’ve had was beautiful. You know, a… There was a reason why I was in a relationship.

“Hindi ka naman papasok ng relationship na parang… A, ikakasama mo ito. You wanna make the relationship work.

“Unfortunately, it just happens in reality na… You know, things don’t work out.

“But I’m glad that all my relationships, I’m still friends with them. That’s the most important thing.

“And I was able to take care of them. And respect them. At the time when we’re together,” sabi pa ni Benjamin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN