Perci Intalan on marriage to Jun Lana: "Hindi namin mai-impose sa mga tao na tanggapin kami."

Perci Intalan (right) says he and Jun Lana (left) as a couple is a cliché, a marriage between best friends: "Wala kaming inisip na pagbabago when we got married. Iba talaga kung kayo lang dalawa. Nag-start kami, I was 31 or 32. ’Tapos siya, he had many relationships. Dumaan na kami dun... na live out na namin yung mga ganun. Yung sa amin kasi, ’andun na yung companionship, e, we enjoy each other’s company."


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang married life ng dating TV5 executive at ngayon ay isa nang film director na si Perci Intalan.

Matatandaang naging usap-usapan ang pag-iisang dibdib nila ng award-winning director-writer na si Jun Lana sa New York noong October 14, 2013, sa panahong ipinaglalaban ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LBGT) community ang same-sex marriage.

Read: TV5 executive Perci Intalan marries director Jun Lana in New York

Si Perci ang direktor ng pinakabagong pelikula ng Superstar na si Nora Aunor, ang Dementia.

Ayon sa TV executive turned director, wala naman nagbago sa kanilang relasyon ni Jun "except the fact that people know we are married."

Nangingiting saad pa nito, "If ever, napaka-relaxing lang yung thought na ganito, kaya na nating pag-usapan openly.

"Ang masuwerte sa aming dalawa, all that time, alam ng lahat na may bofriend ako at alam nilang si Jun Lana yun.

"So, wala akong itinatago, even professionally at maging sa family ko."

Nakausap ng PEP si Perci sa isang Singaporean restaurant sa SM Megamall kamakailan.

FACEBOOK JOKE. Sa pagbabalik-tanaw ni Perci kung paano nila napagdesisyunan ni Jun na gawing legal ang kanilang relasyon, nagsimula lang daw yun sa biru-biruan nila sa Facebook noong 10th anniversary nilang dalawa.

Kuwento niya, "Maya-maya, ayan, big deal na.

"Nung ibinigay ko yung ring, gift ko yun sa kanya kasi nawala niya yung ring niya, sabi niya, ’O, post na natin [yung picture ng ring].’

"Siya ang nag-caption na, ’You’re cordially invited.’

"Then, marami ang nag-congratulate.

"Sabi namin, ’O, akala nila totoo. O, ano, totohanin ba natin ’to?’

"Sabi niya, ’Ikaw? Ako, oo.’

"Sabi ko, ’Ako? Sige.’

"Ganun. Walang nag-oppose."

Bakit sa New York nila naisipang magpakasal at hindi sa Baguio City, na kilala ring lugar para sa tinatawag na "partnership ceremony" ng LGBT community?

Paliwanag ni Perci, "Kasi, the other year [2012], pumunta kaming dalawa sa New York and during that time, na-legalize ang gay marriage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May friends kaming nagsasabing, ’Oy, legal na dito’.

’Tapos, nag-joke kami na, ’Oy, pakasal tayo dito. It would really be nice.’

"Kaya nung nag-decide kami na totohanin na ’to, naisip namin ang New York para makapagbakasyon na rin.

"Na puwede kaming maglakad-lakad together na people who barely knew us would say, ’Oy, congratulations sa inyo.’"

POSTER GAY COUPLE. Ano naman ang masasabi niya na pinag-usapan talaga ang wedding nila sa social at print media?

"Gulat na gulat!" natatawang sabi ni Perci.

"Like, ang dami nang nagtanong sa amin about it.

"Na-realize nga namin na, ’So, poster children na tayo ng gay marriage.’

"Joke pa nga namin, ’So, hindi tayo puwedeng maghiwalay.’"

Kumbaga, maituturing na sila ang simbolo ng isang matagumpay na same-sex marriage.

"Oo nga," pagsang-ayon niya.

"Alam na nga namin na we suddenly stand for something.

"We don’t mind, kasi yun naman talaga kami.

"Pinag-usapan na namin ’yan nang maging kami ten years ago.

"Ang philosophy ko nga diyan, e, same rules apply in a straight or gay relationship.

"Hindi namin itinatago, pero hindi namin mai-impose sa mga tao na tanggapin kami."

TURN-OFFS. Tungkol sa reaksiyon ng mga tao, nabanggit din ni Perci ang isang article dito sa PEP.

"Nabasa naman namin yung mga comments na napakarami. Sila-sila rin yung nagsasagutan.

"Sabi nga ng mga relatives naming nakabasa, ’Oy, ang daming negative comments sa inyo.’

"Sa amin naman, okay lang yun."

Wala naman daw problema ang pagiging gay couple nila sa kanilang immediate family.

Saad nito, "Yun nga lang sa relatives, we have to explain na karapatan nilang malaman ang tungkol sa amin.

"Karapatan din nilang mag-opinyon tungkol sa amin.

"Ganun talaga ang buhay, e."

FIDELITY. Kung ang fidelity naman sa isa’t isa ang pag-uusapan, sinabi ni Perci na hindi nila naging isyu ito sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala sa amin yun," paliwanag ng 41-year-old director.

"May joke nga kami noon nung nagsisimula pa lang kami, ’O, tumatanda na tayo, ha. Mag-decide na tayo kung talagang tayo talaga habang maganda pa tayo. Dahil papangit na ako eventually, papangit ka na rin.’

"Wala kaming inisip na pagbabago when we got married.

"Iba talaga kung kayo lang dalawa.

"Nag-start kami, I was 31 or 32. ’Tapos siya, he had many relationships.

"Dumaan na kami dun... na live out na namin yung mga ganun.

"Yung sa amin kasi, ’andun na yung companionship, e, we enjoy each other’s company.

"’Yung cliché na you get married to your best friend, yung ganung idea, parang ganun ang nangyari sa amin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN