Marian Rivera on possibility of supporting Vilma Santos or Kris Aquino in 2016 elections: "Hangga’t kaya kong tumulong sa bawat isa e gagawin ko."

Three people close to Marian Rivera are rumored to figure prominently in the 2016 elections. Whom will she endorse? Batangas Governor Vilma Santos or Kris Aquino for the vice-presidency? Or Dingdong Dantes for senator?


Parehong malapit si Marian Rivera sa dalawang nababalitang tatakbo diumano bilang Vice President ng Pilipinas sa 2016 elections—si Batangas Governor Vilma Santos-Recto at ang Queen of Talk na si Kris Aquino.

Kung sakaling sabay siyang kukunin bilang endorser nina Vilma at Kris, kaninong offer ang tatanggapin niya?

Tugon ng Kapuso Primetime Queen, “Hindi ko alam. Hindi ko alam.

“Paano ko ba hahatiin ang sarili ko?

"Depende, kasi pareho silang mahalaga sa akin, mabait sila sa akin.

"So, hangga’t kaya kong tumulong sa bawat isa e gagawin ko.

“Hindi naman sa pagiging biased, pero pagpapakita lang na mahal ko sila parehas.

“Kasi parehas talaga silang mabait at mahalaga sa akin.

"So, tingnan natin, baka naman magkaiba ang tatakbuhin, so mas maganda.”

WILL DINGDON RUN? O hindi kaya maging busy siya dahil ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes pala ang ieendorso niya sa susunod na eleksyon?

Noon pa maugong ang balitang maraming kumukumbinsi kay Dingdong na pumasok sa pulitika.

“Iyan ang hindi ko alam!” bulalas ni Marian.

Wala raw nababanggit sa kanya si Dingdong na may plano itong tumakbo.

“Wala talaga. Ang nababanggit lang niya palagi sa akin, yung YES Pinoy Foundation niya.

"’Yung mga pagtulong sa bawat pupuntahan namin na mga kung saan-saan—sa Cebu, Davao, Baguio.

“Na ang target talaga niya is more on education para sa mga bata, e.”

Ano ang magiging reaksiyon ni Marian kung magdesisyon si Dingdong na tumakbong senador o anumang government post?

Sabi niya, “Kung tatakbo siya, nasa likod lang niya ako.

"Anuman ang mangyari, susuportahan ko siya.”

Hindi ba siya nag-aalala na kapag pinasok ni Dingdong ang pulitika ay magugulo ang buhay nila?

Natatawang sagot ni Marian, “Sa showbiz naman, magulo na, e!

“So, wala nang bago, just in case na tumakbo siya.”

Handa ba siya kung sakali?

“Nasa pagkatao naman ’yan, e, so…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pa naman, pero pag nandiyan na e aayusin ko ‘yan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa presscon ng bago niyang endorsement, ang Sof & mmmmm Concentrated Fabric Conditioners ng Personal Collection, noong Martes, March 4, sa Luxent Hotel.



SUMMER BREAK. Dahil summer na at nalalapit na rin ang Mahal Na Araw, tinanong ng PEP si Marian kung saan ang plano nila ni Dingdong na magbakasyon.

Saad niya, “Actually, itong summer, wala pa kaming napag-uusapan kung saan kami pupunta itong Holy Week na ito, bilang sobrang busy ko sa Carmela.

"’Tapos, naku, thank you, Lord, may gagawin pa ako bukod sa Carmela.”

Ano iyon?

“Mga blessings, ayan,” pag-iwas muna ni Marian na i-reveal ang bago niyang proyekto.

Gagawa rin daw siyang muli ng isang comedy show.

"Halfway, pag patapos na ang Carmela, kasi nahihirapan ako sa schedule ko, puno talaga.”

Gusto raw talaga ni Marian na magkaroon ulit ng isang comedy show.

“Opo, gusto ko comedy talaga, e.”

Tinatanong na nga raw ni Dingdong si Marian kung saan nito gustong magbakasyon.

"Hindi nga ako makasagot, e.

“Just in case naman na magbabakasyon kami, for sure maximum of three days, kasi nga may taping ako.

"’Tapos magsisimula na siya [Dingdong] with Ate Maricel [Soriano], so dire-diretso lang.”

FHM PICTORIAL. Kailan lamang ay nagkabakasyon sila sa Balesin Island, pero iba raw iyon sa araw ng pictorial niya para sa March 2014 issue ng FHM.

Sabi ni Marian, “Iba, isang araw ang pagitan.

"Pumunta ako Balesin, umuwi ako para mag-taping, kinabukasan umalis na naman ako.”

Wala raw sa FHM pictorial niya si Dingdong.

Mas gusto raw ni Marian na wala ang boyfriend noong pictorial niya.

Paliwanag niya, “Siguro pati mga mama ko ’tsaka si Nanay [Marian’s lola], ayoko.

“Hindi ko alam, pero nahihiya ako.”

Pa-daring nang pa-daring yata ang pictorial niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng 29-year-old actress, “Hindi naman, pero hindi na din po na kasi ako bata.

"So, may mga pagkakataon na kailangan siguro nagta-try ka ng ibang pagkakataon at lumalabas ka sa shell mo.

"Para maranasan yung mga hindi mo nararanasan.”

NUDE PAINTING.Papayag ba si Marian sa nude painting session?

“Ayoko, ayoko!” bulalas niya.

Kahit gusto ni Dingdong?

“Kung siya yung magpe-paint, papayag ako!” tawa niya.

Si Marian ay nagpipinta rin, pero lately ay wala raw siyang oras para dito.

Kung may chance siya na may ipinta nang nude, sino ang ipipinta niya? Si Dingdong?

“Oo, siya na lang! Para safe, para safe!" tumatawang sagot ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN