Aljur Abrenica still uncomfortable showing off his shirtless body

Aljur Abrenica: “I’m just being at my best. I’m always being at my best. I see to it na all the time, lagi akong nasa best ko, ’di ba? Kung ano’ng kaya kong gawin—pisikal man ‘yan, acting-wise, work ethic, punctuality—nandun, e. Disiplina.”


May extra effort si Aljur Abrenica upang mas lalong mapaganda ang katawan sa kanyang bagong primetime series sa GMA, ang Kambal Sirena.

Ginagampanan kasi rito ng Kapuso hunk ang papel na Kevin, may-ari ng isang ocean theme park at madalas siyang nakasuot ng wet suit dito.

Kung ang ibang lalaki ay proud na ipakita ang kanilang magandang pangangatawan, si Aljur ay naku-conscious pa rin daw na pinagpipiyestahan ang macho niyang katawan.

Sabi niya, “Honestly, medyo may konting hiya pa, e. Nahihiya pa ako, oo.

“I just don’t like getting any attention dahil dun, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) Aljur sa grand launch ng Kambal Sirena kagabi, March 4, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

SEXY PICTORIAL. Sa kabila ng kanyang sexy image, hindi pa nagpa-pictorial si Aljur nang naka-skimpy trunks o underwear.

“Pero nung nagte-training kami, naka-trunks lang ako palakad-lakad lang,” banggit ng aktor, na ang tinutukoy ay ang swimming training nila para sa Kambal Sirena.

Walang mga litratong kuha sa training niya na naka-skimpy trunks lang siya?

“Wala, nasa minds lang nila!” tawa na naman niya.

Ayaw niya ng pictorial na naka-trunks siya o wala pa lang offer?

“Wala pang offer, e,” sagot ni Aljur.

Pero kung meron, halimbawang endorsement ng isang brand ng underwear?

“Let’s think about it.”

Kahit na skimpy underwear or trunks ang ipasuot sa kanya?

“Yeah, kaya ko yun!” sabi niya.

Pero dagdag ng Kapuso actor, “Wala pang offer, e. If nakatanggap ako ng offer, pag-iisipan ko ‘yan….”

Ilang precent ang chance na papayag siya?

“Sabihin na nating fifty-five percent. Pag-iisipan nga e, so…”

Nasa tamang edad na siya para gawin iyon.

“Marami akong nakukuhang advice sa mga tao na panahon na.

“E, wala, ako… parang panahon na ba?

“Pero ako, ano lang e, I always seek for guidance, e.

“Guidance sa Panginoon, iyon. Pag sinabi ni Lord, game na, sige na ako!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AI-AI DELAS ALAS. During the interview, may nagsabi na kahit nga raw ang Kapamilya star na si Ai-Ai delas Alas ay humanga sa mga litratong lumabas sa Instagram kung saan naka-wetsuit si Aljur.

Sinabi pa nga raw ni Ai-Ai na “baby” niya si Aljur.

Ano ang reaksiyon ni Aljur sa paghanga ni Ai-Ai sa kanya?

“Nanay ko yun, baby ko rin yun,” sagot ng binata.

Nanay o baby?

“Parehas!” tawa niya.

Proud ba siya na marami ang humahanga sa maganda niyang pangangatawan?

Tugon ni Aljur, “I’m just being at my best. I’m always being at my best.

“I see to it na all the time, lagi akong nasa best ko, ’di ba?

“Kung ano’ng kaya kong gawin—pisikal man ‘yan, acting-wise, work ethic, punctuality—nandun, e. Disiplina.”

Proud ba siya kapag sinasabing blessed siya lalo na sa pisikal na aspeto?

“Thankful ako, lahat yan kay Lord ‘yan, e, thank you, Lord!” bulalas niya.

SEXINESS. Kailan niya nararamdamang talagang sexy siya?

“Ngayon,” pagbibiro ni Aljur.

“Siguro pag gabi na. Pag malalim na yung gabi.”

Ano ang parte ng katawan niya na pinaka-proud siya?

“Wow! Lahat, e.”

Yung isang pinaka-proud siya?

“Siguro yung braso ko. Yung matigas kong braso!” at muling tumawa ang hunk actor.

Ano naman ang parte ng pagkatao niya na sa tingin niya ay kailangan pa niyang i-improve?

“Acting ko.”

Kung sa pisikal?

“Siguro yung flexibility ko, iyon na lang.

“Kasi gusto kong mag-Muay Thai, e, required dun na makapag-split.”

Hindi pa niya nasubukang mag-split?

“Tina-try ko.”

Hindi pa raw niya maitodo.

“Hindi pa e, hindi pa, e.

“Bata pa lang ako, iyon na yung sports ko na ginagawa ko na hindi alam ng tao.

“Sa lahat ng Martial Arts, iyon yung pinaka na-appreciate ko, iyon yung nakapag-contribute ng malaking bagay sa buhay ko.

“Kasi na-try ko yung karate, taekwondo, pero iba yung disiplina na naibigay sa akin ng Muay Thai, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi it requires a lot of things, e.

“Ayun, namolde ako dun, na-in love ako, lalo na sa kultura nila, pag nalaman ninyo.”

Bakit hindi pa niya kayang mag-split?

“Dumating kasi yung time na nagpaganda ako ng katawan, ’tapos nakakalimutan kong mag-stretching, naging stiff ako.

“Malaking bagay yun, e,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN