Winwyn Marquez wants parents Alma Moreno and Joey Marquez to be a couple again

Kung si Winwyn Marquez ang masusunod, ayaw niyang pumasok na naman sa panibagong relasyon ang inang si Alma Moreno. Saad niya, "Ako, ayoko na muna, tama na muna. Sinabihan ko na siya, ‘Ma, tama na muna. Maging masaya ka na muna na ikaw at kami muna. Huwag ka na munang mag-dwell sa ganyan, ikaw lang ang mai-stress.’"


Masaya si Winwyn Marquez dahil inamin na sa wakas ng kanyang ina na si Alma Moreno ang hiwalayan nito sa asawang si Marawi City Mayor Sultan Fahad "Pre" Salic.

Read: Alma Moreno decides to separate from husband Mayor Fahad "Pre" Salic

Saad ni Winwyn, “Masaya ako na inamin na niya, kasi kahit sa amin, hindi niya maamin, e.

"Kumbaga, hindi niya sinasabi talaga kung ano.

"Nung ininterbyu siya sa StarTalk, nandun ako, kasama ko siya.

"Dun ko lang narinig yung side niya, actually."

Pero matagal na raw niyang nararamdamang may problema sa pagsasama ng ina at ni Mayor Salic.

“Nararamdaman na namin, parang, ‘Nasaan na siya? Anong nangyari?’

“Pero si Mama kasi, gusto niya, ‘Huwag na nating pag-usapan ’yan, masaya na ako.’

“Kaya hindi ko na siya pinu-push, e, ayaw na niyang ma-stress.

“Pero aware naman kami na siguro ganun na din yung pupuntahan nun.

"Mas okay na rin ngayon na mas open siya, kasi masaya na siya sa ginagawa niya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Winwyn sa grand launch ng Kambal Sirena kagabi, March 4, sa Studio 7 ng GMA Network Center.



ON DAD JOEY. Ayon kay Winwyn, naging masaya naman ang kanyang ina sa relasyon nito kay Mayor Salic.

Hindi lang daw malinaw sa kanya ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

“Mabait si Uncle Mayor, pero kasi I barely saw him.

"He would calls us, kinakamusta niya kami.

“Siyempre, pag nakikita ko si Mama, nalulungkot, nasasaktan ako bilang anak niya.

“Feeling ko, distance, maybe hindi na sila nagkasundo or something.

"Masaya lang ako ngayon na hindi na itinatago ni Mommy, hindi na niya kinikimkim sa sarili niya.

"Wala na siyang itinatagong secret sa loob niya or something, mas open na siya."

Dagdag pa niya, hindi man nagpakita ng kahinaan ang ina sa kanya, "Makikita mo sa mukha niya na malungkot talaga siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Di ba, ang dami nang breakups ni Mama, ang dami nang nangyari?

"Pero she’s happy na nung sinabi niya sa StarTalk, lahat kami kumpleto.

“We were there for her, suporta na lang sa mama ko.”

Kahit ang ama ni Winwyn na si Joey Marquez ay nalungkot din sa nangyari.

Bagamat hiwalay na sila, nananatiling matalik na magkaibigan sina Alma at Joey.

Sabi pa ni Winwyn, “Para silang best friends.

"Tinawagan din siya ni Daddy, kinumusta.

"Tinawagan kami ni Daddy, kinumusta si Mama.

“Kasi yung connection nila, nandun pa din naman, hindi naman puwedeng mawala.”

Gusto ni ba Winwyn na magkabalikan ang kanyang mga magulang?

“Oo naman! Sino ba namang anak na ayaw magkabalikan ang parents nila?” sagot niya.

Sa isang panayam kay Joey ay tinanong siya sa pagbabalikan nila ni Alma, sinabi nitong matanda na raw sila.

Saad pa ng actor-politician, “Parang mahirap, e.

"Kasi alam mo ang isang bagay, kapag nabasag, kahit na kumpunihin mo, kahit lagyan mo pa ng glue ’yan, andun pa rin yung lamat, e."

Saad naman ni Winwyn tungkol dito, “Hindi naman... tingnan na lang po natin kung magkakabalikan sila.

“Sana, pero ngayon, kung happy naman sila sa life nila...”

ENOUGH ALREADY. Ayaw na raw ni Winwyn na may manligaw na iba sa kanyang ina.

“Ako, ayoko na muna, tama na muna.

"Sinabihan ko na siya, ‘Ma, tama na muna. Maging masaya ka na muna na ikaw at kami muna. Huwag ka na munang mag-dwell sa ganyan, ikaw lang ang mai-stress.’"

Ito rin daw ang sinabi niya sa kanyang ama.

“Same with daddy, sinabi ko sa kanya na, ‘Huwag kang mag-aasawa. Kami na lang muna ang i-prioritize niyo,’ ganyan.

“And okay naman sa kanila.”

Puwedeng sa huli ay sina Alma at Joey muli?

“Why not, ’di ba? You’ll never know.”

TALENT MANAGER. Itinanggi naman ni Winwyn ang intrigang mas paborito ang female talents ng Mercator Artist & Model Management kaysa male talents ng naturang agency ni Jonas Gaffud.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsimula ang isyu dahil magkasunod na nawala sa naturang agency sina Mikael Daez, na ngayon ay mina-manage na ni Betchay Vidanes, at si JC Tiuseco, na talent na ngayon ni Popoy Caritativo.

Sabi ni Winwyn, “Hindi naman, kasi nandiyan si Ben [Benjamin Alves], si Ken [Alfonso]... marami kami.

“For me, fair naman at very supportive si Jonas.

"Pinu-push niya akong mag-train, pinu-push niya akong maging mas mature.

“I don’t think may mas pinapaboran or something.

"Kasi nagdi-dinner naman kami nina Ben, parehas naman yung trato."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN