Marian Rivera on marrying Dingdong Dantes: “Not so far, but not so near.”

Can you believe this about the Kapuso Primetime Queen? Marian Rivera reveals she washes her own undergarments and believes every woman should know how to launder their clothes.


May nagsasabing ang 2014 daw ay magandang taon para sa pagpapakasal.

Naniniwala ba si Marian Rivera dito?

Natatawang sagot ng Kapuso Primetime Queen, “Hindi ko alam!

“Pero kung may mga ganyan sa feng shui, tingnan natin."

Sa pagkaalam daw niya, "Ang feng shui ay iga-guide ka lang sa mga dapat at hindi dapat gawin."

Pero ang mahalaga raw kay Marian ay "prinsipyo pa rin ng tao, pagkatao mo pa rin kung paano mo iha-handle ang isang relationship."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Marian sa contract signing at press launch niya bilang celebrity endorser ng Sof & mmmmm ng Personal Collection, noong Martes, March 4, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.



READY WHEN SHE CAN. Giit ng press kay Marian, hindi pa rin niya nakikita ang sarili na magpapakasal sa taong ito?

“Not so far, but not so near!” natatawang sagot nito.

Kung sakali at mag-propose na ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes, handa na ba siya?

“Ready?” nakangiti niyang sabi. “Paano ba sasabihing ready ang isang tao, siguro mararamdaman mo rin ‘yan."

Mayroon pa raw siyang gustong gawin sa career at personal na buhay niya.

"Kapag nagawa ko yun, doon ko sasabihin na ready na."

Ano naman ang mga kulang pa na gusto niyang magawa o ma-achieve?

Pahayag ni Marian, “Kung kulang at kulang ang pag-uusapan e mahirap isa-isahin ang kakulangan ng isang tao.

"Habang patanda ka nang patanda... ang tao kasi maraming needs."

DON’T WORRY, BE HAPPY. Tungkol naman sa relasyon nila ni Dingdong, wala raw siya "sa posisyon para mag-advice kung paano nagagawa ang isang magandang relasyon."

Paniwala niya, "Siguro, meet halfway.

"Babae at lalaki ang nagdadala ng isang relationship.

"At naniniwala ako na kapag nasa center talaga si God, lahat possible."

Nararamdaman ba niyang may mga naiinggit sa relasyon nila dahil napapanatili nilang maganda ang kanilang pagsasama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Marian, “Kung meron man ganyang pagkakataon o may mga tao man na ganyan ang pag-iisip, ipagdasal na lang natin sila.

"Basta, kailangan maging masaya lang sa buhay, ‘di ba?"

Bilang siya ang kinikilalang “reyna” ngayon sa GMA, nararamdaman ba niyang may ibang mga artista sa network na tila naiinggit o nai-insecure sa kanya o sa kung anumang ginagawa niya?

Sagot ni Marian, “Ayokong gamitin ang term na insecure.

“Kung meron man na pagkakataon na ganyan, hindi natin mapi-please ang lahat, e.

"Ang importante, wala kang sinasagasaang ibang tao.

"At mismong sa personal mong buhay masaya ka, at yun ang mahalaga para sa akin.”

SPOTLESS LOVE. Ang tagline ng iniendorso niyang produkto ngayon ay merong “endless” at “eternity.”

Ganoon din ba ang relasyon nila ni Dingdong?

“Definitely, hindi naman siguro kami magtatagal kung hindi kami ganoon sa isa’t isa,” sagot ni Marian.

Sa open forum, nang matanong siya kung anong variant ng Sof ang gusto niyang ibigay sa boyfriend, anti-bacterial ang isinagot niya para raw mawala ang germs.

Kaya ang tanong sa kanya: Sino o ano ba ang itinuturing niyang germs sa relasyon nilang dalawa o sa buhay niya?

Sabi ni Marian, “Wala, sa buhay ko ngayon, wala.

"Napakasaya ko sa buhay ko, napakaraming blessings na dumarating.

"Maganda naman ang takbo ng Carmela, okay naman ako sa family ko, okay naman ang relationship ko kay Dong.

"Wala, sa damit lang literal.

"E, mas magandang magsuot ng damit na malinis at walang bahid na dumi.”

WASHES OWN UNDERWEAR. Natutuwa naman si Marian dahil sa pagiging celebrity endorser niya ng Sof & mmmmm ng Personal Collection.

Ayon kay Marian, bago niya tinatanggap ang isang produkto na ieendorso ay sinusubukan muna niya ito.

Lalo na’t siya pa rin daw ang naglalaba ng kanyang undergarments.

Sabi pa niya, “Hindi ko naman sinasabi na sa lahat ng damit ko, ako ang naglalaba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero naniniwala ako na dapat, bilang babae, marunong kang maglaba."

Naipaglaba na rin ba niya si Dingdong?

Natatawang sagot ni Marian, “Hindi pa sa ngayon, hindi pa sa ngayon!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN