Louise delos Reyes on being pitted against Anne Curtis: “Basta ako, gagawin ko talaga yung best ko.”

Louise delos Reyes says Marian Rivera gave her tips and advice on how to portray a mermaid. “Kasi before, nung nagkaro’n din siya ng sirena-serye, ginawa niya ang lahat, ibinigay niya ang lahat sa show niya, so wala siyang regrets. So, gano’n din daw dapat ang gawin ko,” said Louise.


Halos buwis-buhay raw ang nangyari kay Louise delos Reyes habang sinu-shoot nila ang teaser para sa upcoming “sirena-serye” niyang Kambal Sirena ng GMA Network.

Sa behind-the-scenes video clip kasi na ipinakita sa iba’t ibang miyembro ng media na dumating sa general presscon ng nabanggit na show kagabi, March 4, ipinakita na hinampas si Louise at ang leading man niyang si Aljur Abrenica ng isang malaking alon habang nakaupo sila sa batuhan sa beach.

Tumilapon silang dalawa ni Aljur sa tubig-dagat dahil sa paghampas ng malaking alon na iyon.

“Na-wipe out po ako,” banggit ni Louise tungkol sa nangyari sa kanya.

“Talagang muntik na kaming maaksidente at malunod ni Aljur nun.

"‘Tsaka naiwan po ako dun dahil nakadikit ako sa bato. So, naiwan po ako run na inaalun-alon.

“Pero para po sa ikagaganda ng teaser namin ng Kambal Sirena, gagawin ko po iyon,” patuloy ng 20-year-old Kapuso actress sa pakikipag-usap nito sa PEP at iba pang entertainment press nung gabi ng March 4 sa Studio 7 ng GMA Network Studios.

ADVICE FROM MARIAN. Natanong kay Louise kung ano naman ang naging advice sa kanya ng naunang gumanap sa kanya na sirena na si Marian Rivera.

Matatandaang ginampanan ni Marian ang papel na Dyesebel noong 2008.

“Nung isang beses po na nag-judge siya sa Sunday All Stars, nilapitan ko siya, nag-‘Hi!’ ako sa kanya.

“Pinagalitan niya ‘ko!” natatawang sabi ni Louise.

Patuloy niya, “Kasi sabi niya, wala raw difference yung dalawang characters ko, nung unang teaser po.

“’Tapos sabi sa ‘kin ni Miss Marian talaga na, kailangan pati tawa nila magkaiba, ‘tapos binigyan niya rin ako ng tips.

“Kasi before, nung nagkaro’n din siya ng sirena-serye, ginawa niya ang lahat, ibinigay niya ang lahat sa show niya, so wala siyang regrets.

“So, gano’n din daw dapat ang gawin ko.

“Naisip ko rin po, kung nakaya niya noon, dapat kayanin ko rin ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabihan din daw siya ni Marian na maging matibay sa mga puna at pagkukumpara mula sa mga kritiko.

Lalo na’t sirena rin ang bida sa katapat niyang programa sa ABS-CBN, ang Dyesebel na gagampanan ni Anne Curtis.

Watch: New sirena Louise delos Reyes on ex-sirena Marian Rivera: "Pinagalitan niya ’ko!"

DIFFERENCE FROM DYESEBEL. Nabanggit na rin lang ang pagkukumpara, tinanong si Louise kung ano ang pagkakaiba ng Kambal Sirena sa Dyesebel.

“Ito po’y isang orihinal na konsepto ng GMA mula kay Sir Dode Cruz. Isinulat niya na talagang ibang-iba.

“At ito nga po, kambal pa kami,” sagot ng dalaga.

Aware din daw si Louise sa mga pagkukumparang mangyayari sa kanila ni Anne pagdating sa pagganap bilang sirena.

“Hindi naman talaga mawawala iyan, e. Talagang ikukumpara ka… Kahit na sino.

“At ito pa, katapat ng… Sirena, so, para sa akin po, ano…

“Nababasa ko, actually, nababasa ko silang lahat, mabuti man o masama [ang mga komento].”

Tinanong si Louise kung confident ba siyang mahihigitan nila ang sirena ng kabilang istasyon.

Natigilan muna si Louise at napatingin sa itaas habang nag-iisip ng sasabihin.

“Parang ang hirap masagot iyan, a,” simula muna niya.

“Pero ako, confident ako na gagawin ko talaga yung best ko.

“Ayoko ng magsalita ng ano, e… ng kahit ano.

“Basta ako, gagawin ko talaga yung best ko. Kung ano yung ibibigay nilang trabaho sa akin, pagbubutihin ko yun.

“Maikumpara man, pangit man sa paningin nila o mas maganda, basta ako, gusto ko, gagawin ko yung lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN