Kim Rodriguez irked by rumor that she was caught kissing in public

Kim Rodriguez confirms that her friends Kristoffer Martin and Joyce Ching are friendly to each other after their breakup: "Close pa rin naman sila, parang walang nangyari."


Mariing pinabulaanan ng Kapuso young actress na si Kim Rodriguez ang balitang nahuli raw siyang nakikipaghalikan sa isang supermarket.

“Hindi po totoo yan!" bulalas ni Kim.

Dagdag pa niya, "Hindi ko naman yata kayang gawin na makipaghalikan sa harap ng maraming tao, sa supermarket pa!"

Naghamon pa si Kim nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opening ng Cardams store, sa SM North Edsa, noong Sabado, March 1.

Aniya, "Grabe naman yung tsismis na ’yan!

“If may nakahuli nga, ilabas na lang nila yung video o picture na magsasabing totoo nga.

"At sabihin nila kung saan nangyari yun, anong araw, oras."

Hindi rin naman lumabas sa mga usap-usapan kung sino ang kahalikan daw ni Kim.

Saad pa ng 19-year-old actress, "Baka iba yung nakita nila at hindi ako.

"Wala akong maalalang ganung insidente at malabong mangyari yun.

“Ang pangit naman na kababae kong tao, nakikipaghalikan sa supermarket.

“’Tsaka hindi po ako pumupunta sa supermarket, hindi ako namamalengke.

"Hindi po totoo ’yan, purely tsismis lang."



ON KRISTOFFER MARTIN. Para maiba ang usapan at mabawasan ang ngitngit ni Kim, tinanong namin siya tungkol sa katambal niya sa Paraiso Ko’y Ikaw na si Kristoffer Martin.

Gaano na sila ka-close nito?

Pahayag ni Kim, "Kapag nagti-taping kami, lagi siyang nag-o-open sa akin, like, ’Kamusta ka na? Anong balita sa ’yo?’

“Hindi naman sobra, pero nag-o-open up siya sa akin ng problema niya, ganun din naman ako sa kanya.

“Kahit hindi kami magkaeksena, lagi pa rin kaming nag uusap.

“Sobrang sweet yun. Ganun naman talaga siya, malambing sa lahat at maasikaso.

"Di lang sa akin kung hindi sa lahat, gentleman kasi si Kris."

Hindi raw sila nag-uusap tungkol sa lovelife kundi "trabaho o kaya kung ano yung mga ginagawa namin pag walang taping."

Kumusta si Kristoffer at ang ex-girlfriend nitong si Joyce Ching sa set?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Kim, “Okey naman sila, parang wala namang pinagbago kahit nung nagkaroon ng issue sa kanila.

"Hangang ngayon okey pa rin naman sila, pero alam ko friendly talk na lang.

"Alam naman natin na naghiwalay na nga sila, pero yung friendship, alam kong nandun pa rin.

"Close pa rin naman sila, parang walang nangyari."

Nasabi rin daw ni Kristoffer kay Kim na magpo-focus muna ito sa kanyang career at pag-aaral.

CONDO UNIT. Career rin daw ang mahalaga para kay Kim ngayon.

Paliwanag niya, "Kasi marami pa akong gustong bilhin para sa sarili ko, like ito ngang bahay at sasakyan."

Masayang ikinuwento ng young actress na bumili na siya ng sarili niyang condo unit at hindi na siya nangungupahan.

"Noon pa kasi, balak ko na pong magkaron ng sariling bahay.

"Inisip ko kung magre-rent lang ako, hindi naman magiging akin yung bahay.

:So, bumili na po ako ng sarili kong condo unit na malapit sa GMA-7 para hindi na ako mapapalayo."

Balak rin daw niyang bumili ng sasakyan, pero inuna muna niya ang condo. Next na lang daw ang sasakyan pag nabayaran na niya ang unit.

“Gusto ko ng Honda City, yun lang yung sasakyan ko as of now na gusto kong magkaroon.

"Pagtagal-tagal at kumita na ako ng mas malaki pa, bibili na ako ng malaking sasakyan, para magamit ko din sa taping."



INVESTMENT SAVVY. Sa mga pahayag ni Kim, makikitang alam niyang gamitin ang perang pinaghirapan niya.

Paliwanag niya, “Gusto ko kasi na habang kumikita ako, nakikita ko kung saan napupunta yung pera ko.

"Bale investment na rin po ’to.

“Gusto ko kasi na kada suweldo ko, may nabibili akong importanteng bagay na magre-remind sa akin na yun yung katas ng pinaghirapan ko.

"Para every time na makikita ko yung mga naipundar ko, mas magiging inspired ako na magtrabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In two months daw ay makakalipat na si Kim sa condo. Namimili pa raw siya ng mga kasangkapan.

Gusto raw niya ay Japanese style ang loob ng condo, at makakasama rin niya rito ang tiyahin niya.

“Pero yung mga pinsan ko, lagi naman silang pumupunta, bumibisita, at yung iba minsan nag-i-stay sa bahay.

“Ayoko naman kasing nag-iisa lang ako, medyo malungkot.

"Mas maganda yung marami kayo, may makakausap ka at makakasama."

NEXT PROJECTS. Tungkol naman sa acting, nabanggit ni Kim na gusto niyang makatrabaho ang dating movie queen na si Gloria Romero.

"Nung bata pa ako at hindi pa ako artista, napapanood ko na si Ms. Gloria Romero, nagagalingan ako sa kanya.

“Sa mga kasing edad ko naman siguro, kahit sinong ibigay nila sa akin, para mas marami pa akong maging kaibigan.

“Ayoko kasing mamili, kaya kung sino ang ibigay nila sa akin, go lang ako.

"Ang mahalaga, trabaho pa rin yun."

Ano ang next movie niya?

“So far, yung Chasing Boulevards pa rin na malapit nang i-showing.

“Kasama ko dito yung mga best friends ko, sina Kiko Estrada at Teejay Marquez.

“Dapat nilang panoorin yung movie namin kasi ang ganda ng story nito at magaling yung director namin [Alessandra "Cess" Dalmas]."

Handa na ba siyang gumanap ng mature roles?

“Siguro puwede na, kasi dito sa Paraiso Ko’y Ikaw, medyo mature na yung role ko.

“’Tsaka pinaghahandaan ko na rin ’yan.

"Hindi naman kasi puwede na all the time pa-tweetums na lang ako.

“Dapat nag-e-evolve din yung mga role na gagampanan ko.

“Sa Paraiso Ko’y Ikaw, napaghandaan ko na nga yung pagiging sexy nung role ko dun.

"Kaya alam ko kaya ko nang gumawa ng medyo daring na proyekto."

How about FHM?

“Ang alam ko may alok sila sa akin, pero alam ko hindi pumayag yung GMA Artist Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro may right time para dun at pag sinabihan na ako ng GMAAC, baka yun na yung time na puwede na nga.

“’Tsaka if ever na mag-FHM ako, gusto ko rin naman ready ako sa lahat ng aspeto.

"Darating din tayo diyan, pero hindi pa ngayon," saad ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN