Gladys Reyes gets to play a mermaid for the first time

Gladys Reyes on playing a mermaid for the first time: “Kaya nga, e, kapag sirena ka, dapat payat ka para magkasya sa costume. At dapat, quick ang mga movement. Pero hindi ko ito akalain na mao-offer-an pa ako na maging sirena. Pero sabi nga, nothing is impossible! Kaya nga sana, more challenging roles after this."


Bagamat kontrabida na naman ang role ni Gladys Reyes sa bagong primetime series ng GMA Network na Kambal Sirena, ito raw ang unang pagkakataong lalabas siyang kontrabida sa isang fantaserye.

Gagampanan niya rito ang papel ni Barracuda, ang naghahangad na maging reyna sa karahian ng mga sirena, ang Serenadia.

Sabi ni Gladys, “Iba pa rin kasi first time kong gumanap na fantasy.

“First time ko with all the make-up, costumes.

“Sobrang enjoy na enjoy ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gladys sa press conference ng Kambal Sirena noong Martes, March 4, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Kuwento pa ng aktres, tatlong oras ang nakalaan sa preparasyon pa lamang para sa costume at make-up niya bilang Barracuda, bukod pa sa naka-harness din siya.

Dagdag niya, “Emotionally, magpi-prepare ka pa sa role dahil, unang-una, yung boses dahil sobrang napapaos ako.

“Iba yung boses, iba ang atake, movement.

“Kailangan kapag nasa ilalim ka ng tubig, may choreography.

“Pero worth it naman kapag nakita mo ang finished product.

“Pati yung graphics, sobrang pinagkagastusan talaga. Sobrang high-definition siya.”



COMPETITION. Bagamat mauunang umere ang Kambal Sirena, na magsisimula na sa March 10, sa loob lamang ng ilang linggo ay posibleng makatapat nila ang Dyesebel ng ABS-CBN.

Gaya ng Kambal Sirena, na pagbibidahan ni Louise delos Reyes, sirena rin ang pangunahing karakter sa Dyesebel, na gagampanan naman ni Anne Curtis.

Ano ang masasabi ni Gladys dito?

Sagot niya, “Siguro parang ini-expect din yun na, eventually, itatapat din sa amin ang Dyesebel.

“Although, kapag nakita naman nila at nasubaybayan nila, iba ang kuwento namin sa Dyesebel, ‘di ba?

“Kahit naman itapat tayo, siguro ang masasabi ko, hindi naman siya parehong-pareho kahit patungkol ito sa sirena, dahil iba ang kuwento.”

Hindi raw kabado si Gladys kung magtapat man ang dalawang “sirenaserye.”

Sabi niya, “We have something new to offer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, ang Dyesebel, part na ng Pinoy ‘yan. More or less, alam na nila ang takbo ng kuwento.

“Ito naman siguro ang maio-offer namin na unpredictable.

“Magkakaiba naman. Kung makikita niyo, sa costume ni Barracuda, talagang fierce.”



MERMAID ROLE. Kung kailan mayroon na siyang tatlong anak, ngayon pa siya nabigyan ng pagkakataong gumanap bilang isang sirena.

Naisip ba ni Gladys na magagawa pa niya ang ganitong klase ng role?

Saad niya, “Kaya nga, e, kapag sirena ka, dapat payat ka para magkasya sa costume. At dapat, quick ang mga movement.

“Pero hindi ko ito akalain na mao-offer-an pa ako na maging sirena.

“Pero sabi nga, nothing is impossible!

“Kaya nga sana, more challenging roles after this.

“Pero siyempre, sana huwag munang matapos agad ‘to para mas marami pa kaming mapapasayang mga bata.”

Medyo malat ang boses ni Gladys nang makausap namin siya sa presscon. Pero hindi naman daw ito dahil sa nakababad kasi siya palagi sa tubig.

Aniya, “Actually, isa rin ‘to dahil sa role ko as Barracuda.

“Pero, I already consulted a throat doctor.

“Kung mapapansin mo, ‘di ba, palagi na akong malat?

“Sa hosting, then sa puyat din.

“E, yung boses ko pa rito sa Barracuda, dapat daw may throat instructor. Kasi nga, parang alam ko kung saan ipe-place yung boses ko.

“Minsan kasi, throaty ako.”

Bukod sa pagiging aktres ay host din si Gladys ng talk show na Moments sa Net25.



SUGO. Kinumusta rin ng PEP kay Gladys kung ano na ang development sa pelikulang Sugo, na tatalakay sa ika-100 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Matagal na itong nai-launch sa press. Ilang beses na rin nagkaroon ng pagpapalit sa direktor na hahawak sa pelikula at sa mga artistang gaganap.

Pero hindi pa rin yata nagsisimula ang shooting nito.

Tuloy pa ba ang Sugo?

Sabi ni Gladys, “So far, ako, hindi pa ako nagsu-shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ewan ko lang kung meron nang nag-shoot sa kanila.

“Pero medyo nagda-doubt ako kung matutuloy pa.

“Sa July kasi yun, baka hindi umabot. Ano na ngayon, March na.

“Siyempre, alam niyo naman, biggest project sana namin ‘to.”

Sino na ang kumpirmadong director na hahawak?

“May narinig akong Tikoy [Aguiluz], naging Cesar Montano, ‘tapos bumalik na naman yata kay Tikoy.

“Pero clueless ako, sa totoo lang.”

Gusto ba niyang matuloy pa rin ang Sugo?

Sagot ng aktres, “Siyempre ako, dahil special project ito ng INC, kung magagawan ko talaga ng paraan ang schedule ko, so that I will be available for the project, of course naman.

“Pero sana umabot.

“Huwag lang sanang madalian ang project dahil ang tagal prinepara ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN