MVP losing interest in acquiring a stake in GMA; says his offer has expired

Bukod sa “tiring” umano ang pakikipagnegosasyon ng businessman na si Manny V. Pangilinan (left) para mabili ang ilang shares ng GMA Network Inc., sinabi rin niyang hindi siya sigurado kung ipagpapatuloy pa ang pakikipagnegosasyon sa Kapuso network.

In photo with MVP: GMA Network Chief Operating Officer Attorney Felipe Gozon (right).


Napagod na raw ang chairman ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) na si Manuel V. Pangilinan sa pakikipagnegosasyon sa GMA Network para bilhin ang ilang shares nito.

Ang negosasyon ay sa pagitan ng GMA Network Inc. at MediaQuest Holdings Inc., ang media holding company ng PLDT Beneficial Trust Fund na pagmamay-ari ni Pangilinan o mas kilala sa tawag na MVP.

Sa panayam ng mga business reporters kay MVP noong March 4, Martes, inusisa ang negosyante kung ipagpapatuloy pa nito ang pakikipagnegosasyon sa GMA Network.

“I don’t know. It’s tiring. None on our side [expressed interest to extend the offer],” ani MVP sa ulat ng Manila Standard.

Taong 2012 nang aminin ni MVP na interesado siyang bilhin ang GMA Network at sinabi niyang may mga negosasyon na ukol dito.

Read: TV5 Chairman Manny Pangilinan admits interest to buy GMA Network

Noong January 5, 2014, lumabas sa column na "Bizz Buzz" sa Inquirer.net, na isang unnamed source ang nagsabing isa sa kasunduan umano sa pagitan ng GMA at ni MVP ay “nearing completion” na, at mabibili ang nasabing network sa halagang P48 billion.

Nang sumunod na araw, January 6, naglabas ng statement ang GMA Network upang itanggi na mayroon silang alam tungkol sa nasabing kasunduan.

Read: GMA Network “unaware of any agreement having been reached” with PLDT


EXPIRED OFFER. Ani MVP sa reporters tungkol sa offer niya sa GMA Network, “There are no discussions going on at the moment.

"Our offer expired already.

"It expired in the first week of February."

Ang pagkakaroon muli ng negosasyon ni MVP at ng GMA Network ay nagsimula ngayong taon para sa planong pagbili ng MediaQuest sa 34 percent minority stake ng GMA.

Gayunpaman, wala pang napagkakasunduan sa pagitan ng GMA at ni MVP tungkol sa presyo ng acquisition ng businessman sa Kapuso network.

Ang malaking bahagi ng GMA Network ay pagmamay-ari ng mga Gozon, Jimenez, at Duavit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang naman sa mga kumpanyang na-acquire ng MediaQuest ay ang National Broadcasting Corp., Cignal Digital TV, TV5, at ilang pahayagan.

Sinabi rin ni MVP na sa tingin niya ay may iba pang partido ang lumalapit sa GMA Network para sa kanilang offer.

Hindi man idinetalye ni MVP kung magkano ang ino-offer niya sa GMA Network ay sinabi nitong “it was also expensive.”


ANOTHER OFFER. Sa nabanggit ni MVP na may ibang partidong interesadong bumili ng shares ng Kapuso network, lumutang ang pangalan ni Ramon Ang, presidente at chief operating officer ng San Miguel Corporation at Philippine Airlines.

Lumabas sa mga ulat noong Enero na balak umanong bilhin ni Ang ang 30 percent equity stake ng network.

Isang unconfirmed report naman ang natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 25, 2014 tungkol sa pag-“shake hands” umano sa pagitan ni Ang at ng GMA bosses.

Nakipag-ugnayan ang PEP sa Corporate Communications department ng GMA upang hingan ng pahayag ang chairman ng network na si Atty. Felipe L. Gozon.

Ngunit ayon sa AVP ng GMA Corporate Communications na si Angela Javier-Cruz, "Atty. Gozon does not wish to comment on the issue at the moment."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN