KC Concepcion admits crush on suitor Paulo Avelino

“San man ako makarating basta crush ko parin sya sa cover na to. CRUSH lang naman!! Bawal ang nega. LOL #thatsall #sorrynotsorry #justagirl,” KC Concepcion wrote on the caption of Paulo Avelino’s previous cover photo, which she posted on her Instagram on Wednesday, March 6.


Inamin ni KC Concepcion na crush niya ang napapabalitang manliligaw niyang si Paulo Avelino.

Marami ang kinilig nang mag-post si KC ng larawan ni Paulo sa kanyang Instagram account (xtina_ontherocks) kahapon, March 5.

Ang naturang larawan ay kuha mula sa cover photo ni Paulo para sa Cosmo Centerfold noong 2012.

Sa caption ay inamin ni KC, “San man ako makarating basta crush ko parin sya sa cover na to. CRUSH lang naman!! Bawal ang nega. LOL #thatsall #sorrynotsorry #justagirl”

Ang naturang post ay may mahigit 5,000 likes na at karamihan sa mga comment ay pabor na maging boyfriend ni KC si Paulo.

Kamakailan lang ay inamin ni Paulo na patuloy pa rin ang komunikasyon nila ni KC kahit na nasa Amerika ang dalaga para sa mga kinukuhang short courses.

Hindi pa tiniyak ni Paulo ang estado ng relasyon nila ni KC pero sabi niya, “Siguro, masasabi ko po ngayon na I’m inspired.”

Read: Paulo Avelino still in touch with KC Concepcion: “She’s been inspiring me..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN