Eula Caballero not yet ready for sexy magazine pictorials

Pag-amin ni Eula Caballero, nagkaroon na siya ng offers na mag-pose sa men’s magazine ngunit tumanggi muna siya. Aniya, “Hindi pa pumapasok sa isip ko and I’m not really prepared for it.”


Hindi pa handa si Eula Caballero na mag-pose nang sexy sa isang men’s magazine.

“Siguro when I’m confident enough,” sabi ng Kapatid actress sa panayam ng entertainment press sa kanya sa ginanap na TV5 press conference sa Baguio City noong Marso 2, Linggo.

Kasama si Eula sa isang bagong show ng TV5, ang One of the Boys, na pagbibidahan din ni Joey de Leon at ng all-male group na Juan Direction.

Ang dalawa pang bagong teleserye ng Kapatid network ay ang Confessions of A Torpe na nagsimula na nitong Marso 3, at ang Beki Boxer sa pangunguna ni Alwyn Uytingco, pero wala pa itong playdate.

Kuwento ni Eula tungkol sa ginawa nitong Cassandra: Warrior Angel, nailang siya sa kanyang costume na may maiksing shorts.

“Sabi nga nila, what makes a woman [beautiful] is her confidence, sa tayo mo pa lang, when you believe you are confident, [you will be sexy].”

Ibig bang sabihin nito ay hindi pa siya kumpiyansang sexy siya?

“I’m not, I believe I’m not,” sagot ng 18-anyos na dalaga.

May offers na raw sa kanya na mag-pose nang sexy sa magazines, pero tinanggihan niya ito.

“I really can’t tell yet kasi, right now, hindi pa pumapasok sa isip ko and I’m not really prepared for it.

“Hindi pa siguro ngayon.

"Pag di mo na-pull off, magmumukha ka lang bastusin."

MATURE ROLES. Bukas din daw si Eula sa mature roles.

“Dumadating talaga na mas mature yung atake mo and the scenes that you have to do… dumadating talaga sa isang artista.

“I can’t be forever 18.

“I’m open to that naman po, but right now, [I’m] taking advantage na nakakatrabaho ko yung mga legends ng industriya.

“Makikita ko how they work.

“May matutunan ako sa kanila, every time na nakakaeksena ko sila, hangga’t kaya kong ma-absorb ang naituturo nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-o-observe talaga ako kung paano nila ginagawa ‘yon and maging prepared ako for that time na kaya ko na gumawa ng mas mature [roles].”

Dugtong pa niya, “I’m just waiting for the right time na… kumbaga sa prutas, hinog na ako at ready talaga ako to do that, so I don’t disappoint anyone, especially our boss.”

ANOTHER SHOW. Pagkatapos ng fantasy series niyang Cassandra: Warrior Angel noong nakaraang taon, sasabak naman ngayon si Eula sa comedy na One of the Boys.

“I’m very excited about this because basically, this is the first time that I’m gonna do a sitcom,” sabi ng young actress.

Kabilang din siya sa gag show na Tropa Mo Ko Unli, pero ang bagong comedy series niya sa TV5 ay may continuity dahil isa itong teleserye.

Paglalarawan nga niya sa bagong comedy series, “It’s like having fun while acting.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN