Does Heart Evangelista still hold a grudge against Marian Rivera?

Nabigyan ng kulay ang post ni Heart Evangelista (kanan) sa kanyang Instagram account kung saan magkatabi ang kanilang Cosmopolitan magazine covers ng kapwa niya Kapuso na si Marian Rivera.

Isa na lang kasi ang kopya na natira sa cover niya samantalang marami pa ang kopya ng kay Marian.


Muling umingay ang hidwaan sa pagitan ng Kapuso actresses na sina Heart Evangelista at Marian Rivera.

Ito ay pagkatapos lumikha ng kontrobersiya ang isang post ni Heart sa photo-sharing website na Instagram noong Martes, March 4.

Nakalagay kasi sa larawang in-upload ng Kapuso actress-TV host sa kanyang account sa Instagram (@iamhearte) ang litratong kuha sa isang magazine rack, kung saan magkatabi ang covers nila ni Marian para sa Cosmopolitan.

Si Heart ang March 2014 cover girl, samantalang si Marian naman ang tampok noong February 2014 issue.

Caption dito ni Heart: “One left!!:) Glad you guys got your copy.”


INSECURE? Dahil dito, umani ng iba’t ibang komento ang post na ito ni Heart mula sa kanyang Instagram followers.

May nagsabing insecure daw si Heart kay Marian.

Ang iba naman, duda sa authenticity ng pagkakaayos ng magazines. Baka raw sadyang tinanggal ni Heart, o ng kung sinuman ang kumuha nito, ang iba pang kopya ng kanyang cover para palabasing mabenta ito, samantalang ang kay Marian ay marami pang kopya ang hindi nabibili.

Sabi naman ng iba, dapat daw ilabas ng Cosmopolitan o ng magazine shops at bookstores ang figures ng kinita ng magazine covers nina Heart at Marian.

Ayon naman sa iba, "papansin" at "childish" daw si Heart.

Bagamat binura na ni Heart ang post niyang ito sa Instagram, makikita pa rin ang nasabing link sa Twitter account ni Heart na @heart021485.

Narito ang ilan pa sa mga na-screen grab ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na komento at opinyon ng Instagram followers ni Heart. Ngunit burado na ang post na ito sa account ng 29-year-old star:

ON TWITTER. Bukod dito, nabibigyan din ng kulay ang tweet na ito ni Heart tungkol sa teleserye ng ABS-CBN na Got To Believe:

Direkta kasing katapat ng Got To Believe nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang pinagbibidahang soap ni Marian sa GMA, ang Carmela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



“SHE ISN’T MY FAVORITE PERSON.” Kahapon, March 5, nagpaliwanag si Heart tungkol sa kanyang post na ito.

Aniya, wala siyang intensiyong masama sa pag-upload ng naturang litrato.

Nag-post siya ng photo message na walang caption, ngunit may ilan siyang followers na sinagot.

Sinabi rin niya dito na binura na niya ang una niyang na-post tungkol sa magazine rack photo.

Sa huli, sinagot na ni Heart ang maraming batikos sa kanya (published as is):

“@cutebeagles mahirap maging artistsa sa totoo Lang.Lalo Na Kung minsan you choose to just shut up.

“People have no idea how others can be in person. I honestly diednt mean anything… infact if I hated someone (which is a strong word to begin with) why would I even have that person in my ig posts.

“I thanked my supporters. It’s not my fault my magazine was placed beside “her”.

“I’ve always been honest and outspoken…she isn’t my favorite person because of what she did to me and others but that was years ago.

“We are not friends nor enemies. If you don’t like me please unfollow… thank you sa lahat ng mga nagdefend Na totoong account. I really appreciate all of you. #haterswillhate #acceptedthat #letsstayreal”

Binura rin ni Heart ang post na ito.

Nagsimula ang hidwaan sa pagitan nina Heart at Marian noong ginagawa nila ang pelikulang Temptation Island (2011) para sa Regal Entertainment.

Read: Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

Bagamat may mga balitang nagkaayos na ang dalawa, tila hindi pa rin natutuldukan ang hidwaan nilang ito.

Bukas ang PEP sa panig nina Heart at Marian sa usaping ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN