Richard Gutierrez on Sarah Lahbati: "Medyo tried and tested na rin ang relationship namin after what we’ve been through."

Richard Gutierrez on his family’s reality show: "You know, yung family namin, kapag nakita ng mga tao yung dynamic ng family namin sa loob ng bahay, I think they will end up loving our family more. We’re just all like regular family na may pinagdadaanan kami, may mga ups and down kami. Masaya ang pamilya namin and, I think, it’s also a good time na to share our family with our audiences."


Bagamat maituturing na high-profile celebrity si Richard Gutierrez, kilala rin itong malihim pagdating sa kanyang pribadong buhay.

Sa pagpayag ng kanyang pamilya na maging tampok sa isang reality show, handa na ba siyang ibahagi sa publiko ang pribado niyang buhay?

Tugon ni Richard sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Alam niyo, ang idea ng reality show, matagal nang in-offer sa amin, matagal nang nabuksan sa amin ang idea ng reality show.

“In the beginning, I was kind of hesitant.

“Kasi nga, like I’ve said, yung buong buhay namin, parang naging isang open book, and I wanna keep my privacy.

“Pero na-realize ko rin na, you know, yung family namin, kapag nakita ng mga tao yung dynamic ng family namin sa loob ng bahay, I think they will end up loving our family more.

“We’re just all like regular family na may pinagdadaanan kami, may mga ups and down kami.

“Masaya ang pamilya namin and, I think, it’s also a good time na to share our family with our audiences.”



THE ANSWER. Palagi rin namang napag-uusapan at noon pa man ay naging isyu na ang diumano’y pagkakaroon na raw nila ng anak ni Sarah.

Marami ang nagtatanong at siguradong mag-aabang kung may “anak” siyang ipapakilala sa reality show ng kanilang pamilya.

Matagal nang balita ang pagkakaroon ng anak nina Richard at Sarah ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ito inaamin o itinatanggi.

Read: Richard Gutierrez on reported child with girlfriend Sarah Lahbati: “We’re not denying nor confirming.”

Saad ni Richard, “Ito na nga yung kasagutan sa mga tanong na ‘yan—itong reality show na ito.

“Like what we said, hindi ito magiging edited, hindi ito magiging scripted.

“Kung anuman yung pinagdadaanan ng bawat pamilya, bawat isa sa amin, malalaman din sa show.”

Magiging bahagi rin daw si Sarah ng reality show at mapapanood ito sa gagawin nilang cruise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, Sarah will be part of the cruise and, yes, nag-agree na rin ang GMA na maging part siya ng cruise.

“Kasi nga, ang E! Channel naman, hindi competitor ng local network, so you’ll see Sarah sa It Takes Gutz To Be A Gutierrez.”

Marami rin ba silang sweet moments ni Sarah sa cruise?

“Tingnan natin,” nakangiting sagot niya.

WEDDING PLANS. May plano na ba silang magpakasal ni Sarah?

Sagot ni Richard, “Alam mo, ang dami naming… ang dami pa naming pinag-iisipan ngayon.

“Ang dami pa naming mga bagay na pina-prioritize, yun nga, gaya ng mga cases ni Sarah na natapos na.

“Isang malaking relief yun para sa relationship namin.

“So, one step at a time.”

Natawa naman si Richard nang tanungin kung hindi pa sila secretly married ni Sarah.

Posible kayang mangyari sa taong ito o sa susunod na taon ang kanilang kasal?

“Tingnan natin, I can’t answer that. Baka paggising ko, iba na ang desisyon ko!” natatawang biro ni Richard.

Si Sarah na nga ba ang gusto niyang pakasalan o makasama habambuhay?

Tugon ni Richard, “Siyempre, hindi naman… I can’t be with her naman if I don’t see myself with her in the long run.

“And kami nga ni Sarah, medyo tried and tested na rin ang relationship namin after what we’ve been through.

“So, strong yung relationship namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN