Alden Richards on working with Marian Rivera: "Wala nang awkward moments, wala nang walls, wala nang inhibitions."

Alden Richards is thankul to Marian Rivera for handpicking him for the role of Yago in Carmela. He said that his role made him become popular to the public. "Pag pumupunta na ako sa mga public places, malls or anywhere outside taping or outside GMA, talagang they really know me by name. I’m really thankful kay Yanyan for handpicking me for this project.”


“Sobrang laki ng naitulong sa akin ni Marian.”

Ito ang sagot ni Alden Richards nang tanungin kung kumusta ang makatrabaho ang Primetime Queen ng Kapuso network na si Marian Rivera.

Magkatambal sina Marian at Alden sa primetime series ng GMA na Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw.

Malaki ang pasasalamat ng 21-year-old actor kay Marian sa pagpili nito sa kanya bilang kapareha sa Carmela.

Saad ni Alden, “The way I see it, I started lang three years ago.

"I was really a beginner in this industry.

“So, given the chance na makatrabaho si Yanyan [palayaw ni Marian], it’s really an honor, a big privilege.

"At talagang sobrang laki ng naitulong sa akin ni Marian.

“Kasi bihira lang mabigyan ang baguhan na kagaya ko [ng pagkakataon] makatrabaho ang isang Primetime Queen ng GMA-7.”

Sabi pa ni Alden, mas nakikilala na siya ng mga tao ngayon.

“So, pag pumupunta na ako sa mga public places, malls or anywhere outside taping or outside GMA, talagang they really know me by name.

"I’m really thankful kay Yanyan for handpicking me for this project."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Alden sa pocket presscon niya noong March 6, Huwebes, sa GMA Network Center.



NO MORE PRESSURE. Hindi maiiwasan ng kahit sinong artista na makaramdam ng pressure kapag nakakatrabaho nila ang mga magagaling sa industriya.

Pero kay Alden, mas gumaan daw ang pakiramdam niya nang makatrabaho at makasama nang mas madalas si Marian.

Kuwento niya, “Sa lahat talaga ng na-meet ko na actress, si Yanyan talaga yung isa sa mga naka-experience ako ng starstruck-feeling.

“Kaya mahirap pag nandiyan na siya sa harap ko, hindi ko alam paano ako magsasalita.

"Pero si Yan kasi, once you get to know her, you’ll easily get at ease with her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Since we’re doing a lot of tapings, yung bonding, time together, parang naging normal.

"Para sa akin, wala nang awkward moments, wala nang walls, wala nang inhibitions.

“She really made me at ease and comfortable with her, especially with the scenes we’re doing in Carmela.

"It’s a working effort and so far we’re doing good."

BARBIE FORTEZA. Kahit nakapareha na ni Alden si Marian, may ilang artista pa rin daw siyang gustong makatrabaho.

Kabilang na rito ang Kapuso teen star na si Barbie Forteza.

Aniya, “I also want to experience acting with her.

"Nagawa ko na once, pero for a short episode lang, for Maynila."

Anong klaseng pelikula o teleserye ang gusto niyang gawin kasama si Barbie?

Saad ni Alden, “Siguro ako yung teacher, siya yung estudyante.

"Parang young teacher in one high school, ’tapos nagka-crush si Barbie.

"’Tapos eventually, as the story progresses, magkakagusto rin yung teacher sa estudyante, so parang ganun.

“Rom-com [romantic-comedy] with a little drama and a little bit of everything.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN