Manny Pacquiao included in VP Jejomar Binay’s 2016 senatorial lineup

Si Sarangani Representative Manny Pacquiao ang isa sa mga tatakbong senador sa ilalim ng political party ni Vice President Jejomar Binay, na tatakbo naman sa pagka-Pangulo sa 2016 presidential elections.


Tatakbong senador si Sarangani representative at boxing champ Manny Pacquiao sa ilalim ng itatayong partido ni Vice President Jejomar Binay.

Ito ay ayon sa report ng Philstar.com na lumabas ngayong araw, Marso 7.

Si Binay ay balak namang tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa 2016 elections.

Bago pa man ang 2013 senatorial elections ay nililigawan na ni Binay si Pacquiao para maging isa sa 12 tatakbong senador sa itatayong partido ng bise presidente.

Ayon pa sa ulat, pinagpipilian naman daw ni Binay kung sino kina Senator Jinggoy Estrada at Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang kanyang magiging running mate.

Nauna na ring ipinahayag ni Binay na ikinukunsidera rin niyang maging running mate sa 2016 presidential elections ang business tycoon na si Manny V. Pangilinan.

Kamakailan ay nagbitiw si Binay bilang chairman ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban.

Tinitingnan ng marami na ang hakbang na ito ni Binay ay hudyat ng pagtatayo niya ng bagong political party para sa 2016.

Sinabi naman ng PDP-Laban na pinuputol na nila ang kanilang ugnayan sa United Nationalist Alliance, na pinangungunahan nina Binay, Senator Juan Ponce Enrile, at Manila Mayor Joseph Estrada.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN