Ruffa Gutierrez admits closure with John Lloyd Cruz: “Noon pa, two years ago pa. Pero siyempre, hindi lang namin ina-announce yun.”

Ruffa Gutierrez on "closure" with John Lloyd Cruz: “Siyempre, hindi naman lahat ng nangyayari sa amin behind closed doors e nalalaman ng publiko. Pero, like I’ve said, even before we worked together in Home Sweetie Home, nagkaayos na kami ni John Lloyd. Noon pa, two years ago pa.”


Sa E! Channel mauunang ipapalabas at mapapanood ang family reality show ng Gutierrez family, ang It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

Nitong nakaraang Huwebes, March 6, sa Holiday Inn Hotel sa Makati, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang limang miyembro ng pamilya sa pangunguna ng mag-asawang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, kasama ang mga anak nilang sina Richard, Raymond, at Ruffa Gutierrez.

Mapapanood muna sa pamamagitan ng six-part series ang It Takes Gutz To Be A Gutierrez sa E! Channel. Posible raw itong mag-pilot ngayong May at pagkatapos nito ay ipapalabas din sa isang local channel.

LEAVING FOR ISTANBUL. Sa open forum, nabanggit ni Annabelle na si Ruffa ay pupunta raw sa Istanbul kunsaan nandoon ang dating asawa at ama ng mga anak niyang sina Lorin at Venice na si Yilmaz Bektas.

Ayon kay Ruffa, “Kasi nagpaalam ako sa kanya. Late last year, sabi ko, dadalhin ko ang mga bata sa Istanbul.

“Sabi ko, ’It’s okay, Ma, ayos na.’ Anyway, the kids are big na. I don’t think anything would happen.

“So, naloka siya.

“Ever since na nagpaalam ako sa kanya, sabi ko, ’Ma, ayos na kami ni Yilmaz. The family would like to see the kids and we’re gonna go to Istanbul.’

“Naloka na naman siya. Parang hindi raw siya makatulog ng ten days.

“Hindi niya sinasabi sa akin, pero ang mga dialogues niya, ’Sige, ’day, kung gusto mong magpakatay, pumunta ka ro’n!’”

Sinikreto na lang ba niya ang pagpunta ng Istanbul na hindi alam ng ina?

“Ah, hindi, kapag pumunta naman ako ro’n, sasabihin ko siyempre,” giit niya.

Hindi pa raw sila nagkikita ni Yilmaz simula nang huling magpunta si Yilmaz sa Pilipinas.

Ayon kay Ruffa, “Hindi pa kami nagkikita ni Yilmaz simula noong huli siyang pumunta sa Pilipinas, which was 2008. Puro pictures na lang. So, siyempre naman, we communicate through Skype and e-mail.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din ng mommy niya sa open forum na kung pupunta siyang talaga ng Istanbul, isama na rin daw niya sana ang crew ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez para safe daw siyang talaga dahil may camera.

Posible nga bang mangyari yun?

Sabi niya, “Kung seryoso talaga, alam nyo kasi, I won’t naman plan na, ’Let’s go, punta tayo ng Istanbul to shoot It Takes Gutz To Be A Gutierrez,’ ’no?

“You know, if it happens, since Yilmaz has been asking me to please bring the kids to Istanbul, this would be the perfect place.

“Siyempre, takot na akong pumuntang mag-isa. Maganda na ang aking balat. Ayoko namang masyombag-syombag ulit. So, this is like the perfect opportunity kaya dapat, pumayag na rin siya.”

Nami-miss na rin ba ng dalawang anak niya ang daddy nila?

Lahad niya, “Siyempre naman, nami-miss naman nila ang daddy nila, pero yung pagka-miss nila sa daddy nila, usually on occasions, like ’pag Pasko, ’pag birthday.

“But, I’d like to believe naman that they are showered with love. My family showers them with love.”

REALITY SHOW. Sa press conference pa lang nila, tawa na nang tawa ang press sa mga hirit ng mommy niya. Naiisip na ba ni Ruffa ang puwede niyang gawin para hindi siya matalbugan nito?

“Naku, e wala. Wala naman akong balak i-outstage siya. Ano naman ang gagawin ko, ‘di ba? Magsuot din ng alahas sa ulo ko?

“I mean, you know... At ‘eto ang nakakaloka. Sabi ko sa kanya, ’Ay, naku, Ma, in the cruise ship, I wanna learn a Brazillian dance.

“’Yun ang mga activities na puwede nating gawin as a family.’

“Sabi ko sa kanya, ’Naku, Ma, baka kailangan mag-swimsuit ka.’ ’Tapos sabi ko, ’Mag-aano tayo kasi, parang gusto nina Lorin at Venice na mag-aral ng isang Brazilian dance, parang samba.’ So, nagpagawa na siya ng outfit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kay Avil [Avel] Bacudio. Nakakaloka! Sabi ko, after that cruise ship, white na ang hair ko, hindi ko na alam ang gagawin,” natatawang kuwento ni Ruffa tungkol kay Annabelle.

Kaya "Avil" ang pagkakasabi ni Ruffa sa pangalan ng designer, sa presscon kasi, tinawag ni Annabelle si Avel na "Avil" na naging dahilan para lalong magtawanan ang press.

Dagdag pang kuwento ni Ruffa, kung ang mommy raw niya ang masusunod, gusto raw nito na magsama ng press sa cruise.

“Hello, gusto nga niyang magsama ng press people! Bawal! Siyempre, mape-preempt, isusulat nyong lahat ang mangyayari,” natatawang paglilinaw niya.

May mga na-shoot na raw sila para sa ilang episodes sa Manila.

Kumusta naman ito?

“Okey naman, so far so good. Hayun, palagi kong inaano si Mommy. Kasi yung gasul nga minsan, hindi umandar.

“Kasi, sinira ng driver ang gasul, so my mom was naloloka dahil sa gasul. Oh, my God, napaka-bakya naman nito!

“Gasul ang topic?!?” natatawa niyang kuwento.

“Basta, nasira raw, hindi ko maintindihan. Wala raw gagamitin, tumatalak siya dahil yung gasul daw.

“Oh, my goodness! Sabi ko, ’Ma, hindi siya nakaka-international.’ Very Pinoy. Naku, grabe! Pero, for sure, walang mga cleavage, bawal.

“Ilalabas sa Malaysia, yung mga Muslim, hindi puwede.”

Nagpapasalamat naman si Ruffa sa Star Cruise dahil daw sa pag-sponsor sa cruise nila. Pero, mga tatlong episode lang daw sila roon dahil ayaw naman daw ng director ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez na si Mike Carandang na para itong maging travelogue.

“Yung shoot namin sa Star Cruise is for three episodes. Gusto kasi ni Mike, nahihilo kasi siya sa scheduling. Pictorial pa lang, ten years bago ma-schedule ang family.

“So, he just wants to be in one place, kasi it’s so hard to schedule everyone. Siyempre, may kanya-kanya kaming projects,” pahayag pa niya.

BACK TO ABS-CBN? Sa Kapamilya network madalas na napapanood si Ruffa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible nga bang balik-ABS-CBN siya?

“Siguro, huwag muna nating pangunahan,” nakangiting saad niya.

“Ang maganda lang diyan, may ginagawa akong pelikula with Sarah Geronimo, Coco Martin, napakaganda ng role ko ro’n.

“I’m very thankful Ms. Malou Santos gave me a good role for this movie.

“And siyempre, you know, to be side by side with Coco Martin na napakahusay at napakabait na artista sabi ng daddy ko, which is true.

“And of course, Sarah Geronimo na talagang proud ako.

“And also, after E!, yung show namin, ipapalabas din sa local network. Kung anong network yun, malalaman nyo na rin after. Pero, mauuna ang E!”

REUNITED WITH LLOYDIE—ONSCREEN. Kailan lang ay napanood ang ginawang guesting ni Ruffa sa Home Sweetie Home, ang sitcom ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Marami ang nagulat nang mapanood siya sa Home Sweetie Home dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng marami ang namagitan sa kanila ni John Lloyd noon.

Kumusta naman ang pagsasama nila?

“Ay, you know, unang-una siguro, maganda rin na nagsama kami ni John Lloyd sa Home Sweetie Home. Nakita ng mga televiewers yung rapport namin.

“Nakita nila na napakaganda naman ng feedback. You know, sa Twitter, mga comments, lahat ng nakapanood.

“So, puwede pala. ’Okey naman pala silang mag-partner sa isang project,’” banggit pa niya sa isang tweet.

Hindi ba siya nag-hesitate nang malaman niyang may offer ang ABS-CBN na maging guest siya sa show?

“Hindi ako nag-hesitate, nagulat ako. ’Ay, in-offer-an tayo ng ABS-CBN?’ Okey na pala, game! Okey!” natatawang sabi niya.

“All’s well that ends well, happy lahat.

"And like I’ve said, who wouldn’t wanna work with someone like John Lloyd?” pagmamalaki niya.

CLOSURE. Kumusta naman sila ni John Lloyd?

“Okey naman, nagbibiruan kami. In-offer-an niya ’ko ng chicharon from Lapid’s.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magkaibigan kami at masasabi kong napakaganda ng working relationship namin. I’m very comfortable with him.”

Sinabi namin kay Ruffa na ang impresyon na naiwan sa amin pagkatapos ng mga naging isyu sa kanila ni John Lloyd ay hindi sila okey o hindi na sila nagkakausap.

Paglinaw naman ni Ruffa, “Siyempre, hindi naman lahat ng nangyayari sa amin behind closed doors e nalalaman ng publiko.

“Pero, like I’ve said, even before we worked together in Home Sweetie Home, nagkaayos na kami ni John Lloyd.

“Noon pa, two years ago pa.

“Pero siyempre, hindi lang namin ina-announce yun.

“Ang maganda riyan, maganda ang working relationship namin to the point na napakaganda ng feedback, na sa ngayon, kinukuha na nila ’ko ulit para mag-guesting,” masaya niyang balita.

Babalik nga raw muli ang karakter niya sa Home Sweetie Home dahil maggi-guest siyang muli.

Pakli niya, “Sabi ko nga, sino na ba, John Lloyd or Piolo. John Lloyd na raw kasi, he’s healed na.”

Kung matatandaan, naaksidente si John Lloyd sa Tarlac kamakailan habang nagbibisikleta ito.

Ayon pa kay Ruffa, “Magti-taping ako ulit kaya abangan nyo yun. Nakakatuwa kasi, ex-girlfriend ako na bumabalik-balik.”

Kung sakali at offer-an siyang maging regular sa Home Sweetie Home, payag siya?

Aniya, “Well, at least, yung usapan, yun ngang character ko recurring, hindi naman every season.

“Siyempre naman, ayoko namang sirain ang pagsasama nila ni Toni bilang husband and wife. Pero yung character ko, recurring.”

Yung klase ng relasyon o friendship na meron sila ni John Lloyd ngayon, hindi naman ba ito yung tipong puwedeng pagselosan tulad ng nangyari dati?

“Ay, hindi! Grabe naman,” natawa niyang sabi.

“Siyempre, ako naman, I respect relationships at ayoko namang isipin ng kanyang karelasyon ngayon na nandiyan ako, nakikisingit. Hello, friends na lang.”

LOVELIFE. Kung si Richard ay makakasama nito ang girlfriend na si Sarah Lahbati sa cruise. Si Ruffa ba, meron ding makikita ang tao tungkol sa lovelife niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isasama rin ba siya?

Mabilis niyang tanggi, “Ay, wala akong isasama. I’m single and available.”

Sinabi niya sa open forum na may mga manliligaw siya.

Sabi naman ni Ruffa, “Naku, ‘eto na nga ang nakakatawa, yung isa kong friend, tumawag sa akin the other day. Sabi niya, ’Oh, my God!’

“Sabi ko, ’Anong nangyari? I’m in a meeting.’

“Sabi niya, ’Napanood ka ng friend ko sa E! He’s smitten by you. He wants to meet you and come here.’

“Sabi ko, ’Teka, hindi pa kami lumalabas sa E!’

"Yun pala, ang teaser ng birthday ni Mond. E, ‘di ba, nag-happy birthday ako?

“Sabi ko, ’E, naka-maskara ako ro’n, paano ako nagustuhan? Naaliw naman ako, ’Ay, the power of E! Naka-maskara ako, may manliligaw nang bago.’”

May binanggit siyang mga manliligaw na?

“Oo naman,” nakangiting sabi naman ni Ruffa.

“Pero siyempre, hindi naman puwedeng i-disclose, mga non-showbiz sila.”

Local o foreigner ba sila?

“May local, may foreign,” sabi niya.

Biro pa niya, “Hindi naman si Coco [Martin].”

Ano ang lagay ng mga manliligaw niya sa kanya?

Sagot ni Ruffa, “Ay, wala. Kailangan kumita muna tayo. Date-date, textmate, chatmate [muna].”

Wala pa siyang napupusuan?

“Wala pa, it’s more than two years. Mga text-text lang at chat-chat,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN