Marian Rivera willing to meet Dingdong Dantes’s former girlfriend Antoinette Taus: “Why not? Why not?”

Marian Rivera sees nothing wrong with meeting Dingdong’s former girlfriend Antoinette Taus: “Alam mo yang mga ganyang bagay sa tao na, past is past, wala namang ginagawa sa iyo na masama ang isang tao so walang dahilan para hindi mo pakitaan ng mabuti.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian Rivera nitong nakaraang Martes, March 4, sa presscon ng Sof & Mmmmm Concentrated Fabric Conditioners.

Ginanap ang naturang launch ni Marian bilang brand endorser ng naturang produkto ng Personal Collection sa Luxent Hotel sa Timog Avenue. Quezon City.

At dahil gamit o produkto para sa isang maybahay ang bago niyang endorsement, tiyak na matsitsismis na naman na ikakasal na sila ng boyfriend na si Dingdong Dantes.

Natatawa niyang pahayag, “Okey lang. Hindi naman din ako bata, so walang masama kung pinag-uusapan ang ganyan

“E, wala pa naman akong nasasabi, so okey lang ’yan.

"Ang importante may mga nagtitiwala sa iyo para maging endorser ka nila.”

Sa rami na ng mga ineendorso niya, meron ba siyang produkto na ayaw niyang iendorso?

Aniya, “Parang wala naman. Wala naman.”

Mas lalong gumanda, mas lalong naging fresh, at maaliwalas ang mukha ni Marian ngayon.

Paliwanag niya, “Paano ko ba sasabihin? Siguro kapag masaya ka sa buhay mo—hindi ko sinasabing lahat ay nasa ’yo na, pero—nandun yung fulfillment sa sarili mo na masaya ka, [sa] showbiz man ’yan o sa pamilya mo, o sa pag-ibig mo, parang walang bahid ng anything, e.

“Kasi masaya ka, ibig sabihin kapag masaya ang isang tao, wala kang nakikitang ni katiting na negative para sa ibang tao.

“Kung meron man, hindi mo na mapapansin yun.

“At ang sarap kayang maging positive. Wala namang naitutulong ang pagiging negative, magkakakulubot ka lang, papangit ka lang, so bakit? Ang tao, maraming choice, e.

“Bakit hindi mo maging choice ang maging masaya at maging masaya para sa ibang tao?”

DINGDONG A SOFTIE? Going back to her new endorsement na Sof & Mmmmm na tungkol sa pagiging “mabango at malambot,” tinanong namin si Marian kung ano ang pinakamalambot na parte ng katawan ni Dingdong.

“Ay! Ano ba’ng malambot? Wait lang…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano bang malambot sa kanya? Siguro lips,” banggit niya.

Ano naman ang pinakamabangong parte ng katawan ni Dingdong?

Sagot ni Marian, “Kili-kili!”

Inaamoy niya ang kili-kili ni Dingodng?

“E, ganun kaming dalawa, e,” at tumawa si Marian.

Nag-aamuyan sila ng kili-kili.

“Hindi, yung lambingan lang, parang, ‘Hmmm!’

“Ganun lang,” saad niya.

THANKFUL FOR BLESSINGS. Maganda ang mga nangyayari sa buhay ni Marian, sa personal at sa career; paano niya ide-describe ngayon ang sarili niya?

“Marami akong natutunan at masuwerte ako na may mga magulang ako na nandiyan palagi para sa akin, para i-guide, na palaging tinatatak sa utak ko na, ‘Anak, artista ka, may mga pagkakataon na very hot ka...

“’May mga pagkakataong nasa gitna, may mga pagkakataon talagang nawawala ang lahat.

“’Pero hindi ibig sabihin niyan e wala ka na. So, kailangan mong i-reinvent yung sarili mo, maging thankful ka kung anong meron ka.’

“So sa nangyari sa buhay ko, marami akong pinagdaanan, naging thankful ako naranasan ko lahat ’yan, at ngayon, ’eto nararanasan ko na naman. So ganun lang ang buhay.

“So, kailangan ’pag may pagkakataon na ibinibigay sa ’yo na makakapagpasaya dapat i-embrace mo talaga at maging thankful ka.

“Kung mawawala sa ’yo, ganun talaga ang buhay kailangan mong i-accept yun.”

Pinaghandaan ba niya ang mga bagay na ito?

“Hindi naman sa pinaghandaan, pero iyon ang masasabi ko na napakasuwerte ko na may mga magulang ako na palaging nandiyan para sabihan ako ng mga dapat kong gawin, at ipaalala sa akin kung gaano ako ka-blessed na tao para naranasan at mararanasan ko pa ang mga bagay na ito,” dagdag pa ni Marian.

Maayos ang kinapupuntahan ng mga kinikita ni Marian.

“Siguro dahil pinaghirapan ko, dahil siguro nandiyan din si Mama para i-guide ako at i-invest ko yung mga kinikita ko sa tama,” pagpapasalamat niya.

Saan niya in-invest?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta po,” ang simpleng sagot ni Marian.

WILLING TO MEET ANTOINETTE. Ano naman ang masasabi ni Marian tungkol sa bali-balitang gusto raw siya ma-meet ni Antoinette Taus?

Mabilis niyang sagot, “Why not? Why not?”

Si Antoinette ay dating girlfriend ni Dingdong na matagal nang naka-base sa Amerika at ngayon ay nagbalik sa Pilipinas.

Malumanay niyang sagot, “Alam mo, ’yang mga ganyang bagay sa tao na, past is past, wala namang ginagawa sa iyo na masama ang isang tao, so walang dahilan para hindi mo pakitaan ng mabuti.

“Kung pakitaan ka man din ng masama ng kapwa mo e ipagdasal mo na lang siguro, may mga ganung pagkakataon na hindi lahat talaga mapi-please mo, e.”

ON LOUISE DELOS REYES. Samantala, napag-usapan din si Louise delos Reyes na gumaganap ngayon bilang sirena sa Kambal Sirena.

Sa huling panayam kay Louise ay sinabi nito na nagbigay raw ng tips at advice sa kanya si Marian bilang naging sirena rin dati si Marian sa Dyesebel ng GMA.

Watch: New sirena Louise delos Reyes on ex-sirena Marian Rivera: "Pinagalitan niya ’ko!"

Na yung iba ay ayaw nang i-reveal ni Louise.

“Hindi naman mga tips… Siguro yun, kung ayaw niyang i-reveal, okey lang. Pero isa lang ang sinasabi ko sa kanya, ‘Maging thankful ka kung anong binigay sa iyo ng GMA.

“Matuto ka na mahalin ang trabaho mo.’

“Kasi nagre-reflect ’yan, kung mahal mo ang trabaho mo, e. So, the mere fact na ibinigay sa kanya ang Kambal Sirena, ibig sabihin malaki ang tiwala sa kanya ng GMA.

“So i-grab niya ang opportunity na ’yan at huwag lalaki ang ulo niya,” lahad ng Kapuso Primetime Queen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN