James Yap on Kris Aquino’s radiant glow: “Iba ang aura.”

James Yap can’t help but take notice of Kris Aquino’s cheerful disposition and radiant glow: “Iba ang aura. Masayahin. Ibang-iba nung dati na... Dati, talagang ano, e... Aso’t pusa [kami], e. Ngayon, iba... iba.”


Hindi maikukubli ang sobrang kasiyahan ngayon ni James Yap dahil sa mga magagandang pangyayari sa kanyang buhay na lagi raw niyang inaasam-asam noon pa.

Una na rito ang pagkakasundo nila ng kanyang dating asawa na si Kris Aquino tungkol sa kanilang terms of custody pati na ang weekly visitation rights niya sa kanilang anak na si Bimby.

Read: James Yap begins weekly bonding with Bimby

Pangalawa ay ang pagkakataon na makasama ang kanyang anak na lalaki isang araw matapos dumaan ang kanyang 32nd birthday noong February 15, kasama sina Joshua at Kris.

View: James Yap spends happiest birthday with Bimby and Josh

At pangatlo naman ay ang pagiging champion ng San Mig Mixers sa nakaraang PBA Basketball Conference kung saan itinuturing siya bilang isang star cager.

Kagabi, March 7, sa post-birthday at victory celebration ni James na ginanap sa SkyLounge sa The Fort ay sobra niyang ipinagmamalaki ang muli nilang pagkikita ng kanyang six-year-old na anak na si Bimby.

Bungad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kasama ang ilang TV media, “Basta lagi kong sinasabi sa kanya na, ’Papa loves you so much.’

“Lagi kong sinasabi ’yan kahit hindi niya ako sinasagot.

“Hayun, I’m sure hindi niya makakalimutan yun na sinasabi ko palagi yun.”

PACKAGED DEAL.” Pagkatapos nito ay inalam namin sa kanya ang reaksiyon ng kanyang Italian girlfriend na si Michela Cazzola tungkol sa muli nilang pagkikita ng kanyang anak.

Saad ng sikat na basketbolista, “Kailangan kasi maintindihan niya, kasi packaged ’yan, e.

“Once na papasok ka sa isang relationship na may kasamang anak, ’packaged deal’ yun.

“Kailangang matanggap niya yun.

“At mahalin niya rin at ituring niyang anak niya rin.”

KRIS’S LOVELIFE. Inalam din namin sa kanya kung ano ang masasabi niya tungkol sa lovelife ngayon ng kanyang dating asawa, na ayon na rin sa kanya, ang isa sa mga naging daan para muli silang magkasundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pangiti-ngiting may halong panunukso niya, “Ipagpatuloy mo.

“Sabi ko, ’Ipagtuloy mo.’

“Ipagtuloy niya na masaya siya lagi, ’di ba?

“And ipapag-pray ko na wala na ring gulo sa part ko, ’di ba?

“Goodluck sa inyo kung inlababu [in love] man siya, kung talagang inlababu man siya,” at napapangiti siyang muli sa mga sinabi niya.

"BLOOMING." Patuloy pa ring panunukso niya sa Queen of All Media, “Blooming...

“Blooming na blooming, kaya sa sabi ko [kay Kris], ’Inlababu ka, ha?’”

Napapansin nga raw niya ang kakaibang mood ngayon ni Kris.

“Iba ang aura,” sabi pa niya.

“Masayahin.

“Ibang-iba nung dati na... Dati, talagang ano, e... Aso’t pusa [kami], e.

“Ngayon, iba... iba.”

REACHING OUT TO KRIS. Siya rin nga raw ay nag-reach out din kay Kris noong birthday nito noong February 14, sa pamamagitan ng isang text message.

Pag-amin ng birthday celebrator, “A, oo, siyempre, bilang respeto na rin sa ina ng anak ko.

“Kasi, kahit bali-baliktarin man, nanay pa rin ng anak ko ’yan. Hindi mapapalitan ’yan, ’di ba?

“So, nag-reach out ako.

“Nag-happy birthday ako sa kanya dahil iniisip ko na lang yung anak namin.

“At siyempre, nasa kanya ang anak ko at inaalagaan niya, pinalaki naman niya na malusog ang katawan.

"Kanina nga, inaano ko [kinarga], ang bigat, sumakit ang likod ko,” natutuwang kuwento pa ng basketbolista.

Kahapon ang unang araw ng pagbisita ni James kay Bimby, ayon sa napagkasunduan ng mag-asawa sa korte.

Itinanong namin kay James kung anu-ano ang naging bonding moments nilang mag-ama.

“Diyan lang sa place ko,” kuwento ni James.

“Dala niya yung gift ko, yung scooter.

“Tuwang-tuwa siya.

"Wala namang limit sa oras yung ibinigay sa akin ng korte, so salamat talaga sa kanya [kay Kris].”

THANKFUL TO KRIS. Muli ay nagpasalamat siya sa dati niyang misis sa magandang desisyon nito tungkol sa kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thank you,” saad niya.

“Actually, nasabi ko na rin ito sa kanya nung magkita kami.

“Thank you sa anak namin na pinalaki niya nang tama, nakikita ko naman na maganda ang pagpapalaki niya.

“So, thank you sa kanya na hindi na kami magkagalit. Sana, tuluy-tuloy na.

“Siguro yun lang. Goodluck sa iyo and stay healthy," bilin niya kay Kris.

“Alam mo naman yung si Kris napaka-hard-working niya. Talagang pinapatay niya ang sarili niya sa trabaho.

“Siguro yun lang and stay in love—stay in love talaga, ha?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN