Pancho Magno admits crush on Max Collins: “If ever na may liligawan ako, siya lang ang talagang liligawan ko.”

Pancho Magno on Max Collins: “Hindi kami nagkikita kasi, so wala ring chance na ligawan. Pero talaga, siya ang girlfriend material... Napakabait na babae.”


Ang My Husband’s Lover ang huling primetime series na ginawa ni Pancho Magno sa GMA-7. Pero, ang kaibahan daw ng karakter niya noon sa My Husband’s Lover ay mabait daw siya kumpara ngayon sa Kambal Sirena kunsaan masama raw siyang talaga.

“Dito kasi, masama po akong talaga,” saad niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Kambal Sirena noong March 4 sa Studio 7 ng GMA. Ang Kambal Sirena ay eere na ngayong Lunes, March 10.

Masama lang daw talaga ang karakter niya sa Kambal Sirena bilang si Homer na pinsan ni Kevin (Aljur Abrenica), pero dahil sa inggit at ambisyon, magagawa nga nitong traydurin ang sariling pinsan.

Tao raw siya at walang buntot sa serye.

Pero, kung siya ang masusunod, mas gusto ba niyang tao ang karakter niya o nasa mundo siya ng Sirenadia at may buntot din?

“Well, siguro naman sa lahat ng tatanungin, parang iba rin kung sireno ka.

“Gusto ko rin sana pero kahit ano naman kasi, nakaka-excite yung ganitong show na ang daming manonood, titingnan nila kung paano pinagsasama yung dalawang mundo,” wika ni Pancho.

Love interest niya rito si WynWyn Marquez, na gumaganap bilang girlfriend ni Aljur.

PLAYING QUIRKY CHARACTERS. Mas nag-e-enjoy raw si Pancho sa character roles.

Sabi niya, “Gusto ko talaga character, kasi mas nalalaro ko. Akala mo mabait, pero sa ending, hindi pala, baliw pala ‘to.”

Nararamdaman ba niya na parang nalilimitahan ang karakter niya dahil mas madalas ay nalilinya siya bilang kontrabida?

Sagot niya, “Hindi naman po, kasi nabibigyan din ako ng mga good boy roles. Mababait, like sa Magpakailanman, nagge-guest ako.

“Sabi nila, ’Uy, ikaw, Pancho, okey ka pala na mabait ha.’ Pero dito po kasi, ang sarap laruin na parang nampa-plastic ka kasi, sobrang opposite po sa akin yun.”

CRUSH ON MAX COLLINS. Kung paniniwalaan ang ilan sa mga balitang lumalabas, masasabing masaya ang personal na buhay o lovelife niya dahil balitang sila na raw ng Kapuso actress na si Max Collins.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi po, paano ba?”

“Hindi kami nagkikita kasi, so wala ring chance na ligawan. Pero talaga, siya ang girlfriend material. If ever na may liligawan ako, siya lang ang talagang liligawan ko.

“And if ever po na magka-time siya, wala akong iniisip na ibang babae, siya lang siguro. Napakabait na babae,” pagpuri niya kay Max.

Hindi pa niya ito nililigawan?

“Wala pong time,” saad niya.

“Wala po talaga, sobrang busy niya. Pero, sobrang proud ako sa kanya. Sobrang bait.”

Yung huling beses na sinabi niyang si Max ang crush niya na artista, si Max pa rin pala hanggang ngayon?

Pagkumpirma niya, “Yes, minsan lang ako magkaroon ng celebrity crush. Crush ko siya.

“Well, lahat naman ng artista, almost all the celebrities, magaganda, matatangkad, attractive. But once you get to know them in personal, sobrang hindi mo aakalain.”

DEEPER RELATIONSHIP WITH MAX. Natutuwa naman daw si Pancho dahil mas nagkaroon na siya ng pagkakataon na makilala si Max nang personal at mas malalim pa.

Sabi niya, “Sa workshop, nakilala ko siya. Kasi sa workshop, makikilala mo na ang tao.

“Pero sobrang humble niya, sobrang down-to-earth. Grabe siyang mag-appreciate ng mga tao sa surroundings niya.”

Nakikita ba niya ang sarili na posible silang maging magkapareha ni Max?

Saad niya, “Well, if you’ll ask me, kung sino ang gusto kong maging leading lady, siyempre, si Max. Pero, now, kinakabahan ako. Kasi, kapag crush ko ang isang tao... ”

Biro naman namin kay Pancho, parang 16-year-old lang ang kausap namin.

Natatawang sabi naman niya, “Bihira akong magka-crush. Basta wala, sobrang happy lang ako sa kanya, lalo na sa show niya.”

Ang mommy ni Pancho na si Ms. Redgie Acuña-Magno ay may mataas na katungkulan sa Kapuso network bilang Vice President for Drama.


Kaya biniro namin si Pancho, na bakit ’di niya subukang i-request sa ina na sila ni Max ang magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis naman niyang sagot, “Naku, malabo! If ever man nga na tanungin niya ’ko, ang sasabihin ko, no. Ewan ko, naiilang ako, naiilang ako.

“Siguro kung meron lang, kung may pipiliin ako, siya yun. Pero, now, naiilang ako. Kung meron man akong ina-admire, as an artist, human being, siya po yun.”

PREFERS OFFBEAT ROLES. Sa huli, tinanong namin si Pancho kung pagkatapos ng Kambal Sirena, pinapangarap din ba niya na makagawa naman ng serye na siya naman ang bida.

Ilang serye na rin ang nagawa niya sa Kapuso network, pero madalas ay support lang siya.

“Kasi sa akin, mahilig akong manood ng movies. Parang naku-compare ko lang nang madalas, parang yung good boy, baliw sa ending.

“Kunwari best friend ko ‘to, yun pala, ako ang papatay. Para sa akin mind-boggling character.

“Happy ako sa mga binibigay sa aking role. Like itong sa Kambal Sirena, gusto ko ‘to kasi, hindi ako ‘to.

“Siguro, kung mabibigyan ng chance, gusto ko lang ng mas nalalaro ko talaga yung role ko,” muli niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN