Ogie Alcasid on sharing his faith with showbiz friends: “If forgiveness is the name of the game, all our problems in this world are solved.”

Ogie Alcasid says his faith enabled him to overcome life’s trials: “Siyempre, hindi niyo naman nakita yun dahil komedyante nga ako. Pero, yung trial ko sa buhay ko, kung papaano niya inayos lahat yun, paano naman magkakasundo ang asawa ko at si Regine [Velasquez], ‘di ba? Hindi naman ako yun. Ano ba ko, miracle worker? He really, really fixed everything.”


“If forgiveness is the name of the game, all our problems in this world are solved,” ang positibong pahayag ni Ogie Alcasid nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng kanyang bagong tawaserye sa TV5, ang Confessions of a Torpe noong February 26, sa Oasis Garden sa Quezon City.

May nagsabi tuloy na entertainment press kay Ogie na mag-pastor daw kaya ito.

Pero sabi niya, “Hindi, ‘wag na. I am willing to hold a small group, walo kayo, sampu, if you need me to hold a small group. Walang tama, walang mali. Hindi ko kayo ili-lead.”

Katulad nang nakasaad sa Bible, ayon kay Ogie, kailangan daw magpatawad ng tao seventy times seven.

“Gaano karami yun? Marami. It’s all symbolic. Ni-rape ang asawa mo, kailangan mong patawarin. Pinatay, kailangan mong patawarin. Ganoon talaga,” pag-amin niya.

BIBLE STUDY. Nagkaroon na raw kasi ng personal na relasyon si Ogie sa Panginoon at mismong sa bahay nila ng misis na si Regine Velasquez ay nagdaraos sila ng small group o Bible study na kadalasan ngang kasama nila ay mga kapwa artista/singer.

Sabi pa ni Ogie, “Kasi kami nagba-Bible study kami every week. Natututunan namin ‘yan. Iibahin mo lang talaga ang perspective mo at mari-realize mo, iba talaga rito sa mundo.

“Dito sa mundong ito, ituturo sa ‘yo na kailangan ganito ka.

“Pero kung ang perspective mo e, panandalian lang naman tayo rito, doon naman tayo papunta. Lahat ng bagay na nakikita ngayon, walang saysay.”

TURNING BASHERS INTO FRIENDS. Ayon kay Ogie, kahit daw ang mga intriga o anumang paninira o panlalait pa ng iba sa kaniya o sa kanilang mag-asawa, hindi na raw yun mapapansin kung nakakilala ka na nga sa Panginoon.

Si Ogie ay isa sa mga artistang uma-attend sa Victory Christian Fellowship.

“Yun nga ang sinasabi ko na babaguhin mo ang perspective ng nanlalait sa ‘yo, kasi kailangan nila ng pagkalinga, kailangan nila ng pagtingin, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maaaring sabihin, ’Hayan na naman si Ogie, nagga-’God bless you’ na naman ‘yan.

“E, ganoon e.

“Tanggapin mo nang laitin ka, pero when you realize that when you say ’God bless you,’ that means sana okay ka ha. Kung anuman ang mangyari, wala sa akin. Paggising mo ng umaga, sana okay ka, tatablan yung basher.

“Sabi ko nga, ilang beses na, ang basher nagiging kaibigan ko,” pagmamalaki niya.

OVERCOMING LIFE’S TRIALS. Aminado si Ogie na kaya naman daw niya nasasabi ngayon ang mga bagay na ito, lalo na ngayong nasa Panginoon na siya, ay dahil dumaaan din naman daw siya sa mga bagay o situwasyon na hindi maganda.

Isa na nga rito ang mga pinagdaanan niya pagdating sa pamilya.

“Siyempre, hindi niyo naman nakita yun dahil komedyante nga ako.

“Pero, yung trial ko sa buhay ko, kung papaano niya inayos lahat yun, paano naman magkakasundo ang asawa ko at si Regine [Velasquez], ‘di ba?

“Hindi naman ako yun. Ano ba ko, miracle worker? He really, really fixed everything.

“He gave us a wonderful wedding. Alam niyo ba si Regine, sa edad niya, hindi na dapat magkaka-anak ‘yan, e. It’s a miracle,” pagpapasalamat niya.

Bago pa man daw sila ikinasal noon ni Regine, sinabi na raw na mahihirapan na si Regine manganak.

Ayon pa kay Ogie, “It’s true, she had a difficult pregnancy. Yung mga ganoon talaga, inayos niya talaga ang buhay ko and yes, dumaan talaga ako sa trials.”

POLITICAL PLANS? Tinanong din namin si Ogie kung ang mundo ng pulitika ay posible niyang pasukin o i-consider sa darating na eleksiyon? Ang misis niya na si Regine ay nagpahayag na kung papasukin man nito ang pulitika, susuportahan daw siya nito nang buong-buo.

“Ayoko, ayoko,” mabilis niyang sagot.

May period na ba ang pag-ayaw niya?

Kuwento ni Ogie, “Ayaw ko kasi, hindi ko kaya. Tingnan niyo naman, 46 na ko, nagga-ganito pa ko. At saka, heto ha, pinag-usapan namin ‘to kahapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasama ko si Dingdong [Dantes] sa EDSA, nag-usap kami ni Dong, nilalatag ko sa kanya ang mga hinaing ko, mga kailangan kong gawin sa music industry as OPM President.

“Tapos sabi niya, ’Kuya, bakit hindi ka tumakbong party list. At least, kapag naging party list ka, mas marami kang magagawa, makakagawa ka ng batas.

“Napaisip tuloy ako. Sabi ko, nakakainis ka naman.

“So, pag-uwi ko, kinausap ko ang asawa ko. Sabi ko, ’Hon, sabi sa akin ni Dingdong bakit hindi raw ako tumakbo.’

“Sabi niya, ’E, ikaw.’

“Pero, sabi ko, ’Alam mo Hon, nagagawa ko na yun ngayon e, as OPM President, nagagawa ko na. “Bakit ko pa kailangang mag-pulitiko?”

Bihira na kasi ang pulitiko na tapat at may takot sa Diyos.

Baka nga siya ang kailangan, biro namin sa kanya.

“Ayoko, ayoko… mas gusto kong mag-taping, magpa-interview sa mga reporter,” natatawa niyang sabi.

Paano kung may calling pala siya na mag-pulitiko?

“I won’t answer,” diin niya.

Pero dugtong din niya, “Yeah, you’re right, you’ll know naman if you’re called. You’ll discern it.”

MANG GERRY. Kinumusta naman namin kay Ogie si Regine pagkatapos ng may ilang linggo na rin mula noong pumanaw ang ama nitong si Mang Gerry Velasquez.

Tugon naman ni Ogie, “Siyempre, hirap siya, sometimes mag-recover. But having said that, she’s at peace, now that she knows Papa’s with God.

“We spent time with him e, noong last few months niya. Dasal kami nang dasal.

“And alam mo, the night bago siya ma-ospital, yung dasal namin, talagang ang dasal namin, ’Lord, Thy will be done. Just make it peaceful. Father, we claim, peaceful, be tender with him.’ He just died in his sleep.”

TRIP TO EUROPE DEFERRED. Nabanggit ni Regine na naka-book na raw sila para magbakasyon sa Europe ngayong April.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Ogie, hindi na raw sila matutuloy.

“Hindi na, magpupunta na lang kami ng Hongkong. Si Mama rin kasi, gusto niyang mag-Hongkong,” lahad niya.

Natawa si Ogie dahil ang pagpunta nila ni Regine sa Europe ay honeymoon pa nila dapat.

Kailan na nila ito planong ituloy?

“Hindi ko na alam,” natatawang sabi niya.

“We’re supposed to go to London and Scotland. Kasi, bucket list ko yun. E, hindi natuloy. Sabi ko, sige, hayaan mo na lang.

“I’ll go first to Sydney, bisitahin ko lang ang mga anak ko, then punta na ’ko sa Hongkong,” salaysay pa niya.

REVAMPING THE GIFT. Sa isang banda, ang unang nababalita na gagawin niyang serye sa TV5 ay ang The Gift, pero hindi ito natuloy at sa halip nga, itong Confessions of a Torpe ang natuloy niyang gawin.

Anong nangyari?

“Kasi, masyadong mabigat then. Nang makita nilang nag-click yung kay Shawie [Sharon Cuneta], sabi nila, ito na muna ang gawin natin —comedy.

“Although, ang laking hirap ko ro’n ha, naka-three weeks na kami halos.”

Matutuloy pa rin naman daw ang The Gift, pero papagaanin na lang daw ang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN