Alden Richards hints at possible follow-up project with Marian Rivera

Alden Richards reveals what Marian Rivera told him about a possible follow-up project for their tandem: “Nag-uusap nga po kami ni Yan. Sabi niya, baka possible raw po na after Carmela, gumawa siya ulit ng another project with me. Pero kay Yan ko pa lang naman po naririnig. Sa upper management, wala pa naman pong advice.”


Nagulat si Alden Richards nang tanungin siya ng entertainment press tungkol sa isang artikulo na nagsasabing na wala raw silang chemistry ni Marian Rivera sa kanilang primetime series na Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw sa GMA-7.

“Wala po akong naririnig na ganun. Okay po ang mga feedback,” saad ni Alden nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa press visit sa taping ng kanilang primetime series sa Malolos, Bulacan noong Biyernes, March 7.

Dugtong pa niya, “Baka naman wala lang pong masabi sa Carmela. Okay lang po.

“Kung yun po ang tingin nila, mas marami naman po ang nagsasabing meron at nagugustuhan ang chemistry namin dito ni Marian.”

Umaasa rin si Alden na hindi lamang sa Carmela ang pagsasama nila ni Marian. Sana nga raw ay masundan pa ito na sila pa rin ang magkapareha.

Aniya, “Sana po, sana po…

“Nag-uusap nga po kami ni Yan. Sabi niya, baka possible raw po na after Carmela, gumawa siya ulit ng another project with me.

“Pero, kay Yan ko pa lang naman po naririnig. Sa upper management, wala pa naman pong advice.

Carmela muna,” sabi niya.

Kung si Marian mismo ang nagsabi sa kanya, isa lang ang ibig sabihin nito: Okay siya sa Kapuso Primetime Queen.

Ayon kay Alden, “Masaya lang po ako, masaya lang po ako na na-appreciate ako ni Yan.

“Kasi, yun din naman po ang gusto kong maging effect, yung pagiging part ko ng Carmela. Kaya po ako nagtatrabaho, binabasa ko po ang script, mga advice sa akin ni Direk Dom [Dominic Zapata].”

WORKING WITH JACLYN JOSE. Isa rin daw sa hindi makakalimutan ni Alden na katrabaho sa Carmela ay ang gumaganap niyang ina na si Jaclyn Jose.

Hindi siya nailang na kaeksena ito?

Tugon ni Alden, “Noong una po.

“Kasi, kahit nagkasama kami sa Mundo Mo’y Akin, hindi kami nagkakaeksena. Ito, intimate talaga, [mother] and son kasi. Napakahusay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga eksena kami, tulad ng isang eksena na pupuntahan ko ang lolo ko, gusto niyang pumunta sa munisipyo, iku-confront niya ang lolo ko.

“Sabi niya, ’Basahin mo ang script.’

“Okay na po, Tita.

“’O, kalimutan mo. Kalimutan mo ang lines. Saluhan tayo.’”

Isang take lang din daw ang eksenang yun kaya natutuwa si Alden.

LOUISE DELOS REYES. Ngayong Lunes, ang orihinal na ka-loveteam niya na si Louise delos Reyes naman ang huhusgahan ng publiko dahil sa bago nitong primetime series, ang Kambal Sirena, kunsaan iba na ang kapareha niya.

Ayon naman kay Alden, “Mukha naman pong may promise ang nakikita kong plug, magaganda rin ang costumes sa Kambal Sirena.

Saad niya, “Wishing her lots of luck sa project na ’to at saka, kilala ko naman po si Louise. Paghihirapan niya po ’yan.

“Sigurado naman po ako na gagalingan ni Louise. At kahit si Aljur [Abrenica] rin naman po, since first time ko siyang makatrabaho sa Magpakailanman, nakita ko ang work ethic niya pagdating sa acting, metikuloso rin siya, e.”

Masaya raw siya para kay Louise.

Dagdag pa nito, “Sobra po, at saka para rin po mag-grow as an actress, ibang partner naman. Kasi, for the longest time, kami po.

“Hindi rin naman po natin alam kung kami po ulit after ng mga projects namin. Siguro, for experience rin para lumaki ang acting range at makatulong sa amin.”

LOVELIFE. Sa personal na aspeto, simula nang pumasok siya sa showbiz, ilang beses na siya tinatanong tungkol sa lovelife niya.

Pero ni minsan, wala siyang naikuwento.

Wala pa rin ba siyang girlfriend hanggang ngayon?

“Wala po, wala po talaga,” diin niya.

Totoo ba talaga o ayaw lang niyang mapag-usapan ang lovelife at mapanatili itong pribado?

“Totoo po, totoo po talaga. Showbiz o non-showbiz, wala po talaga,” ulit niyang pahayag.

Kung tutuusin, trabaho siya nang trabaho, pero wala man lang siyang kapalitan ng text o kausap sa telepono kahit pag-uwi niya ng bahay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba magandang may inspirasyon din siya pagdating sa bagay na yun?

Pag-amin ni Alden, “Actually, hindi ko na nga po naiisip, kasi, nakakapagod. Nakakapagod din pong mag-commit. Effort, time, yun.”

Limang taon na raw ang nakalipas simula ng huli niyang relasyon.

Pakli niya, “Hindi pa po ako artista no’n, buhay pa ang Mommy ko.”

GAY RUMORS. Sabi naman namin kay Alden, hindi kaya ma-tsismis naman siyang bading dahil madalas, ang mga aktor sa showbiz na matagal na walang girlfriend, nai-intrigang bading?

Sabi naman niya, “Ganoon naman po talaga sila, kapag walang girlfriend, sinasabi agad na bading.

“Ako naman po, kilala ko naman ang sarili ko. Siguro po, work muna po talaga, doon muna ko. Magpayaman muna ko,” natawang sabi niya.

PLAYING WACKO. Mala-Jennylyn Mercado sa Rhodora X naman daw ang isa sa mga karakter na pangarap na magampanan ni Alden kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon.

Aniya, “Yung lalaking version ni Rhodora X. Halu-halo pero para mas challenging, gawin nating tatlo pa ang personality.

“Kahit sa movie o sa TV, kahit ano po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN