Kim Chiu on Ikaw Lamang co-star: “It’s a privilege na makatrabaho ang isang Coco Martin.”

Kim Chiu on why she feels privileged working with Coco Martin: “Siyempre nandun na lahat yun, pag privilege yung nararamdaman mo parang nandun na lahat—excitement, saya, kaba, tuwa. Nandun na po lahat, e.”


Kung para kay Coco Martin ay “exciting” ang one-word description niya sa first team-up nila ni Kim Chiu sa bagong ABS-CBN primetime teleseryeng, Ikaw Lamang, para naman sa Prinsesa ng Teleserye, ang makatambal ang Hari ng Teleserye ay isang “privilege.”

Paliwanag pa ni Kim, “It’s a privilege na makatrabaho ang isang Coco Martin. Siyempre nandun na lahat yun, pag privilege yung nararamdaman mo parang nandun na lahat—excitement, saya, kaba, tuwa. Nandun na po lahat, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Kim sa grand launch ng Ikaw Lamang noong Marso 5 sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Aminado rin si Kim na nakaramdam siya ng kaba dahil ang Ikaw Lamang ang unang teleserye kung saan gaganap sila bilang lovers ni Coco. Never kasi nagkaroon ng ganitong anggulo sa dati nilang pinagsamahang Tayong Dalawa at Kung Tayo’y Magkakalayo.

Pag-amin ni Kim, “Siyempre noong una kinakabahan lagi.

“Every taping siyempre kinakabahan po ako kasi nagkatrabaho kami ni Coco pero iba yung anggulo namin, iba yung papupuntahan ng roles namin, yung the past two soaps.

“’Eto isa yung pupuntahan namin, tapos lagi kaming magka-eksena, siyempre nakakakaba and parang nakaka-pressure kasi masyadong magaling si Coco.

“Sabi ko nga kina Direk, ‘Direk, ano bang gagawin ko? Sabihin mo sa akin kapag nagkamali ako or kung may ia-adjust, okay naman ako sa mga suggestion.’”

Pero habang tumatagal naman daw ay nawawala na rin ang kaba niya at nagiging kumportable na sila sa isa’t isa.

COCO IS MAALAGA. Bukod sa papuri bilang magaling na aktor, ipinagmamalaki rin ni Kim ang pagiging maalaga ni Coco sa kanya bilang leading lady.

Kuwento ni Kim, “Palagi niya akong inaalalayan lalo na doon sa tubuhan, mga rocky-rocky road yung nilalakad namin doon lagi, hindi pantay-pantay yung daan. Lagi siyang nakaalalay sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos may isang eksena kami, yung nahulog talaga ako kasi akala ko may foam. Noong rehearse kami nang rehearse may foam yun na hinuhulugan ko, so nahuhulog ako doon sa foam.

“E, nung take na, nawala sa isip ko, tinanggal pala yung foam. So, hinulog ko yung sarili ko. So, bumagsak yung puwet ko, nabiyak yung bato.

“Sabi ko, ‘Bakal ba yung puwet ko para mabiyak yung bato?’

“Tapos yun, pinatigil niya yung eksena. ‘Teka lang, teka lang,’ tinigil niya. Natakot siya para sa ’kin.

“Sabi niya, ‘Okay ka lang? Ano’ng nangyari?’ ’Di ba pag nasaktan ka tapos may nag-alala sa iyo, ’di ba mati-teary-eyed ka?

“So, natigil namin, pinakuha ng tubig. So, tinigil niya kahit game na game na siya doon sa eksena,” kuwento ni Kim sa naunang presscon nila ni Coco bago ang grand launch.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN