Edward Mendez on persistently being linked to Vicki Belo: “Pinagtatawanan na lang namin yun kasi it’s part of showbiz.”

Fitness advocate Edward Mendez on persistent rumors linking him to family friend, Dra. Vicki Belo: “I mean, as soon as I entered showbiz naman, like you know, nandun na ’yan, e. But you know, almost every one knows naman na I’ve been close to her [Vicki] since I was a kid. I mean, that’s an issue that probably won’t go away. But I’m never bothered by it and hindi maiiba yung pakikisama ko sa kanya just because of that issue.&


Hindi na nag-aalala ang model-actor at fitness expert na si Edward Mendez kung sakaling muling mabuhay ang isyu ng pagli-link sa kanila ng kaibigan niyang si Dra. Vicki Belo.

Ang celebrity doctor at ang anak nitong si Cristalle Belo-Henares sa pamamagitan ng kanilang Sexy Solutions by Belo ang publisher at main sponsor ng health and fitness book na isinulat ni Edward, ang Your Dream Body Come True. Si Edward ang fitness consultant ng Sexy Solutions.

Sabi nga ni Edward, “Matagal na ’yan. e [the issue].

“I mean, as soon as I entered showbiz naman, like you know, nandun na ’yan, e.

“But you know, almost every one knows naman na I’ve been close to her [Vicki] since I was a kid. I was with Belo Group matagal na and Cristalle is like my sister.

“I mean, that’s an issue that probably won’t go away. But I’m never bothered by it and hindi maiiba yung pakikisama ko sa kanya just because of that issue.

“You know, we have a healthy and happy friendship and collaboration with this project. And we’re the first one to actually bring out a fitness book that will be so easy to follow by so many—kahit sino.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edward sa book signing ng libro niyang Your Dream Body Come True kahapon, Marso 8, sa National Bookstore sa Glorietta 1, Makati.

SECOND FAMILY. Mas umigting ang isyu ng pagli-link kina Edward at Vicki noong makipaghiwalay ang doktora sa boyfriend nitong si Hayden Kho. Diumano’y si Edward ang ipinalit ni Vicki kay Hayden. Pero kapwa pinabulaanan naman nina Edward at Vicki ang isyung ito.

Ayon pa kay Edward, hinding-hindi raw maaapektuhan ng anumang intriga ang friendship nila ni Vicki dahil ang pamilya raw nito ay para na niyang pangalawang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa acknowledgement nga ng kanyang libro ay nakasulat: “Vicki who has been a great friend and avid believer of my fitness philosophy since the beginning. She is truly an amazing inspiration not just to me but also to so many people. Atom is a true friend who always emanates positive energy with his witty sense of humor. Cristalle and Quark whom I consider as dear siblings.”

Si Atom Henares ang ex-husband ni Vicki. Mga anak nila si Cristalle at ang direktor na si Quark Henares.

Hindi na lang daw pinapansin ni Edward ang intriga.

Saad niya, “Pinagtatawanan na lang namin yun kasi it’s part of showbiz. Nung pumasok ako, siyempre ma-expose ako, so lalabas talaga yun.”

ON BEING AN AUTHOR. Inusisa rin ng PEP kung paano naisip ni Edward magsulat at maglabas ng isang fitness book. Tinatalakay sa Your Dream Body Come True ang pilosopiya ng “Eat More, Exercise Less,” na naging epektibo kay Edward mismo dahil mula sa pagiging overweight at mataba ay nakamit na niya ang kanyang dream body ngayon.

Ilan sa celebrities na nakinabang sa fitness philosophy ni Edward ay sina Vicki, Atom at Cristalle, kasama sina Lui Villaruz at Ces Drilon.

Pagbabalik-tanaw niya, “Long time ago, mga ten years ago… kasi before [pa], nagte-train na ako ng mga tao and I was studying also yung science of nutrition and training.

“So, nung nakita ko yung mga transformation nila maliban sa sarili ko, gusto kong i-level up yung passion na yun. So, I decided to write a book from scratch and then ten years later, ’eto na.

“Ten years in the making, pero siyempre every year ina-update ko siya. So, non-stop akong nagre-research, kinu-compile ko yung bagong information. So, ten years of not just in-the-making but also of research.”

Gaano kahirap ang paggawa ng libro?

Dagdag pa niya, “Well, it’s hard kasi siyempre, hindi ko alam kung paano ko ipu-push na lumabas yung libro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think that time kasi hindi pa tayo ready for fitness, e. So, I guess it’s perfect timing na lumabas itong book na ito because lahat ng mga tao nagiging health- and fitness-conscious na, so may mga gym na.

“Before hindi naman ganun, e.”

Paano niya nabuo ang libro at sino ang tumulong sa kanya?

Aniya, “Well, matagal na kasi ako with Belo Group. Actually, itong concept na ito ipinaalam ko before kay Vicki, so she’s one of the few people na nakaalam sa libro kong ito.

“Nagulat na lang din siya na it’s starting to actually become more popular, yung concept ng ‘Eat More, Exercise Less,’ na matagal ko nang sinabi sa kanya.

“Since I am the endorser of Sexy Solutions and ako rin iyong in-charge sa fitness nila, nag-collaborate na rin kami for my book. So, it’s a perfect tandem talaga.”

ADVANTAGES & DISADVANTAGES. Ngayong na-achieve na niya ang kanyang dream body, natural lang na may advantage itong hatid sa kanya lalo na sa kanyang pagiging modelo at artista. Pero meron bang disadvantage ang pagkakaroon ng magandang katawan?

“Hindi ko alam kung may disadvantage ba, e. Pero siguro for some people yung pressure talaga, kasi siyempre once na ma-reach na nila yung goal, ang dami nang humahanga sa kanila.

“Siyempre hindi na sila puwedeng magpabaya ulit o magpataba, ’di ba? I think it’s a good disadvantage,” natatawang sabi ni Edward.

Paano naman niya hina-handle kapag may mga nagnanasa na sa kanya?

Sabi pa niya, “Siguro ignore na lang at saka iwas na lang. To some people it’s a disadvantage kasi madali silang ma-bother. Pero marami namang paraan para ma-handle yung mga ganung bagay, e.”

Hindi maiiwasan na may mga indecent proposal siyang natatanggap pero hindi niya raw ito pinapansin at pinapatulan.

“Siyempre, pagtatawanan mo na lang yung mga offer na ridiculous sa iyo. But at the same time, I mean that’s part of the disadvantage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But it could be flattering at the same time. Pero if you’re not that kind of person, tawanan mo na lang, ’di ba?

“Hindi naman nabibili ang pag-ibig, e. Mahirap bilhin ang pag-ibig, ’di ba? So, kailangan tunay talaga. Pero I’m very flattered kung may humahanga.”

Pero sa ngayon ba, naramdaman na niya ang tunay na pag-ibig?

Sagot ni Edward, “Well, yung pag-ibig ko right now is evolving pa rin. I’m seeing someone na hindi showbiz. So, okay naman, masaya ako sa kalagayan ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN