Elmo Magalona and family commemorate Francis M’s 5th death anniversary with fun run

Elmo Magalona on relationship with Janine Gutierrez: "Hindi muna namin ano, parang it’s hard to alam mo yun? We’ve only been this close for how many months pa lang so we can’t really say it’s serious."


Last Thursday, March 6, ginunita ng Magalona family ang 5th death anniversary ng Master Rapper na si Francis Magalona.

Ayon kay Elmo Magalona, isang fun run ang sisimulan ng Francis M. Clothing Company (FMCC), ang clothing company ng kanyang yumaong ama.

Gaganapin ang fun run sa March 30 sa Quirino Grandstand, Luneta, Manila.

Kuwento ni Elmo, "Ending ng March, magkakaroon kami ng fun run.

"It’s gonna be handled by FMCC."

Buo raw ang suporta ng kanilang pamilya sa fun run na ito ngunit hindi siya sigurado kung makakasali siya sa fun run.

Ani Elmo, "I’ll be participating, we [the family] are gonna be participating.

"Pero I’m not sure if I’m gonna run, baka hindi ako ano e, prepared.

"Siguro, I’ll just be there to support everyone. I’m hoping na maraming mag-join."

Ang comedian/magician na si Berwin Meily ang lumapit sa pamilya nina Elmo at nagbigay ng ideyang mag-organize ng isang fun run sa ngalan ni Francis M.

"Parang it’s an idea na kinombine (combine) with Berwin," ani Elmo.

"Si Berwin ata, he is the one who talked to us and he wanted to fix this day, na we’re gonna do this run."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang miyembro ng press si Elmo sa 5th anniversary party ng Garage magazine noong March 7 sa Skye Lounge sa Bonifacio Global City.

ON JANINE. Kinamusta rin ng PEP ang relasyon nila ng napapabalitang girlfriend nito na si Janine Gutierrez.

Si Janine ang leading lady ni Elmo sa afternoon soap ng GMA-7, ang Villa Quintana.

Nitong nakaraang buwan, inamin na ng dalawang Kapuso star na sila ay "exclusively dating" sa mga bumisitang press sa set ng Villa Quintana.

READ MORE: Elmo Magalona and Janine Gutierrez open up about their feelings for each other

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong ng PEP, sila na nga ba ni Janine?

Sagot ni Elmo, "Hindi muna namin ano, parang it’s hard to alam mo yun?

"We’ve only been this close for how many months pa lang so we can’t really say it’s serious."

Hindi man opisyal na magkasitahan ang dalawa, inamin ni Elmo na masaya siya tuwing nagkakasama sila ni Janine.

"But you know, we’re having fun.

"I’m having fun with her, she’s very happy.

"I’m happy when I’m with her."

ON LAUREN. Samantala, bago pa inamin nina Elmo at Janine ang estado ng kanilang relasyon, na-link din si Elmo sa Kapuso star na si Lauren Young. Disyembre nung isang taon nang umikot ang balitang nag-break na raw ang dalawa, kahit hindi nila inamin na nagkaroon sila ng relasyon.

Matatandaang matalik na kaibigan ni Lauren ang mga kapatid ni Elmo na sina Saab at Maxene. Ang nanay din ni Elmo na si Pia Magalona ang nagma-manage kay Lauren.

Kaya naman tinanong ng press si Elmo kung kamusta na silang dalawa.

Ayon kay Elmo, malapit pa rin si Lauren sa kanyang pamilya at nakakapag-usap pa rin naman sila kung may pagkakataon.

Ani Elmo, "She’s close to my family, she’s close to my sisters.

"I don’t get to talk to her that often.

"Whenever I get the chance to see her, nag-uusap pa rin naman kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN